-один-

10.1K 227 96
                                    

- один | one | undeen -

"Ara!"

Iniwan ng mga mata ko ang binabasa nitong pahina ng College Algebra book at pinagtitigan si Cassy.

Nagpapahid na naman ito ng lip tint sa labi at may hawak na cellphone. Pagtingin ko roon sa screen ay bukas na naman ang wattpad app nito.

Tch. Kita mo 'tong tao na 'to. Nasa school na pero nag wa-wattpad na naman!

"Ano?"

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"

Tinaasan ko ng kilay ang best friend ko. "Uh, no? Nag-aaral ako para sa quiz natin mamaya, gawa ng ayaw mo na akong pakopyahin 'di ba?"

"Eh, sorry na! Muntik na tayong mahuli ni Ma'am nung nakaraan eh. At isa pa, mas matalino ka sa akin, bakit ako pa ang kokopyahan mo?"

"Whatever," sagot ko at inialis na sa kaniya ang aking atensyon. Kailangan ko na pag-igihan ang pagpapanggap na may natatandaan ako sa mga kina-cram ko. Tutal sabi naman ni teacher Leyn, daig ng masipag ang matalino. Malas lang, wala ako noong dalawa sa ngayon.

"Teka lang, 'yung chismis ko nga sa'yo!"

"Mamaya na 'yan Cassy. May quiz pa tayo." Inis kong sabi. Bwisit. Gusto ko sana makipag chismisan pa, pero itong pesteng quiz na'to talaga ang pahamak! Kaka second week pa lang ng klase, tinatambakan na ka agad kami! Ganito ba talaga ang buhay ng isang grade 11?

"May new student na naman!"

"O tapos?"

"Anong, O tapos ka diyan! Sabi ko may new student na papasok sa atin! Magiging ka-section daw natin!"

"Lalaki? Mayaman ba?" Agad kong tanong. Kung babae o hindi mayaman, wala na akong paki. Hindi ko rin naman sila mapapakinabangan.

"Oo raw!"

Nawalan ka agad ako ng gana sa ka-etchosan na pinagsasabi ng libro at itinuon ang buong atensyon sa isang nag da-day dream na Cassandra.

"Imagine, what if isa pala siyang anak ng businessman pero gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan kaya pumasok siya sa isang public school kagaya ng sa atin?"

"Gaga," agad kong bara. "Sa totoong buhay 'di pinapayagan ang mga tagapag-mana na mamuhay kasama nating mahihirap. Takot lang ng mga magulang nila 'no."

"Eto naman! Imagine lang naman!" Aniya, sabay palo sa akin. "What if naman kung isa pala siyang teenage pop star na sawa na sa spotlight kaya mag u-under cover siya rito? Alam mo 'yun, iwas muna sa magulong mundo ng showbiz?"

Hindi ko maiwasang matawa sa mga sinasabi niya. Kung ano-ano na ang pinagsasabi!

"O eto pa! What if?" excited niyang pahabol. "What if, isa pala siyang prinsipe galing sa ibang bansa at tumatakas lang siya sa kanila dahil sa mga kaaway nila sa trono?"

Sa puntong 'yon, inikutan ko na siya ng mata.

Sobrang lala.

Naka solvent ata 'tong kaibigan ko na 'to at nababangag na naman.

"Last time, 'yan din ang sinabi mo sa akin tungkol kay Gavin," sumbat ko sa kaniya sabay turo sa mukhang aso naming kaklase. "Saan ang gwapong, mayaman diyan?"

Bagong lipat lang din iyong si Gavin sa school namin pero 'di gaya ng binalita sa akin ni Cassy na anak daw siya ng may-ari ng San Miguel Corporation, si Gavin, ay isang anak lang pala ng mahilig uminom ng SanMig at Red Horse sa may kabilang baranggay namin.

"Pero iba 'to! Totoong gwapo na'to!"

"Cassy, walang may kagwapuhang 'mala wattpad' o mala k-drama' na lalaki ang pumapasok sa public school 'no!"

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon