-девять-

3.9K 150 73
                                    

- девять| nine| syen -

"Oh my god! Tinotoo mo?!"

Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang lilimang Jollibee crew ang pumunta sa table namin at naghahatid ng mga take-out naming pagkain.

Grabe. Sabi niya mag ba-banyo lang siya ah! Bakit naman niya tinotoo ang hirit kong magtake out pa kami?

"Boy, anetch ang balak mo sa akin? Gawing palamuning baboy? At ang daming sundaes! Omg!"

Kalmadong umupo sa tabi ko si Ajax at parang walang pakialam siyang kumuha ng French fries mula sa unang batch ng pagkaing dumating. Ni parang wala nga siyang paki kung pinagtitinginan na kami ng halos lahat ng tao sa paligid dahil sa commotion na nangyayari.

Well...kung tutuusin nasa kaniya ang mga titig ng mga hayok na hayok na babae simula pa kanina dahil sa nakakabasang panty na itsura niya.

Pwe. Mga tigang.

"I just felt you might want more," may naglalarong ngiti sa mga labi niyang sinabi at halata mong proud naman siya sa ginawa niya. Napabungisngis na lang tuloy ako gawa ng nangyari.

Diyos ko naman Ajax! Iba talaga!

"And I ordered something too for your sister."

Bukod sa limang dumating ay may dalawa pang dumagdag sa mga takeout bags. Mga dagdag bucket ng Chicken Joy ang mga iyon at spaghetti.

"Hala!" Napasapo ako ng aking dalawang pisngi at pinagtitigan ang lahat ng maiuuwi ko sa kapatid ko pati na sa mga pamangkin ko. Hindi ko na alam ang sasabihin. Natatameme akong napatingin sa lahat ng pagkain sa harap ko.

Nang makarating kami sa Jollibee kanina, akala ko matatapos na ang pagiging mapagbigay ni Ajax nang pina-order na niya ka agad ako ng kahit anong magustuhan ko sa menu.

Ako naman itong si patay gutom at walang hiya, ay ini-order naman din ang lahat ng pagkaing makita ko at available.

Dinoble ko pa nga 'yung sundae ko for good measure. Sayang din kasi 'yung chance na mabusog ng sobra lalo pa't libre naman.

At grabe, kabusugan nga ang nangyari sa akin. Halos nag mukha na akong buntis sa uniform ko dahil sa mga nakain kong burgers at spaghetti. Pati na ang mga Chicken Joy na pinapak ko ay halos gusto ng kumawala sa akin. Tapos ngayon, may take out pa? Aba, grabe siya!

"I bought something for your niece and nephew as well. I added some kiddie meals."

Natigil ako kakatawa at nanlaki ang mga mata. Napauwang din ang bibig ko, hindi gaanong makapaniwala.

"These aren't much, malyshka but I can buy them again later before we go home."

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya pati na sa mga pagkain.

Bakit niya 'to ginagawa? May nagawa ba akong maganda? May pabor ba siyang hihilingin? Ganito ba talaga ako kaganda at kalakas ang alindog kaya madali ko siyang nauuto ng ganito?

"H-Ha?"

"They have toys in them, right?" Balik niyang tanong nang mapansin siguro ang nagtataka kong ekspresyon. "My servants said, human kids love toys." Kinuha niya 'yung mga tinutukoy niyang laruan mula sa isa sa mga paper bags at ipinakita ito sa akin.

Nasa walo iyon, tamang tama na paghatian nila Zo at Darlene. "But honestly, I don't know what's so special about them. In my world, children aren't allowed to play. They're already either being trained to ki...hey, are you okay? Did I do something wrong?"

Mabilis kong pinunasan ang mga namamasang mga mata ko at ngumuso. "Ikaw naman kasi eh!" reklamo ko. Mahina ko rin siyang sinuntok sa braso na hindi naman niya ininda. Para nga akong nag suntok sa pader dahil sa ginawa ko. "Bakit naman ganyan ka?!"

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon