-четыре-

5.4K 149 41
                                    

- четыре | four | chatyro -

trigger warning: self-harm


Nang kinagabihan, naghahabol ako ng oras.

Nagkaroon kasi ng biglaang meeting ang mga class presidents patungkol sa mga events namin for next year kaya inabot kami ng siyam-siyam sa school.

Kung hindi lang nagkataong magkasunod ang field trip at ang Prom namin ay hindi kami ngangaragin ng student council para mag prepare, kaso ayun nga at halos isang buwan lang ang pagitan, kaya no choice kaming magplano ng maaga.

Sayang nga at balak ko pa sanang hilain si Ajax para magpalibre ng meryenda. Masarap pa naman ang binebentang tusok-tusok sa likod ng school— kaso wala na siya sa room pagbalik ko at ang dami ko rin namang kailangan tapusing requirements kaya hindi ko na siya hinanap at umuwi na ka agad.

Mag lalaba pa rin pala ako ng uniform bago pumasok sa trabaho! Hay. Ang dami ko namang gagawin! No time to make landi talaga. Kainis!

"Unexpected merging of Esquivel and Fonacier Group of companies on the newly improved Regeneration project, slammed shut by the government!"

Ibinaba ko ang dyaryong binabasa at kinuha muli ang ballpen na nahulog ko kanina. Alas otso na ng gabi pero wala pa rin akong naiisip na isulat para sa reaction paper tungkol sa balitang 'to!

Bakit ba kasi hindi ko 'to ginawa last week? Pakshet. Sa dinami-dami pa kasing gustong ipareaction paper ni ma'am, 'yung mahirap pang magets eh!

"Ate, ano ulam?"

Hinalikan ako sa pisngi ng nakababata kong kapatid na si Valeria, pagkalabas niya ng kwarto namin at umupo sa tapat ko. Tinuro ko naman ang isang platito ng kaning lamig sa lamesa.

"Ayan, tapos tinirhan din kita ng tuyo. Nasaan na nga pala sila Zo at Darlene? Gabi na ah."

"Nasa may piso-net ate."

"Nanaman? Binigyan na naman sila ng pera ni mama?"

"Si kuya Jopeth ang nagbigay. Kinulit kasi siya ng kambal eh."

Napataas ako ng kilay. Madalang lang maglabas ng pera ang batugan kong kapatid na 'yon. Sana next time, mag bigay naman din siyang pera pambayad ng renta at hindi aasa sa kinikita ko sa nightclub.

"Wow. Himala at may pera 'yang panganay natin. 'Di rin niya pala matitiis mga anak niya 'no?"

Tumayo ako at agad na kinuha mula sa taas ng lumang ref namin ang tuyo na inalmusal din namin kanina. Nanlaki ang ngiti sa akin ni Val nang inilapag ko 'yun sa harapan niya. Alam kong paborito niya 'yon.

"Ubusin mo na 'yan ah. Pero wala nga lang suka muna. Ayaw na tayo pautangin ni aling Vicky eh," ani ko sa kapatid ko. "Alam mo naman...tawas na lang ata ang hindi natin nauutang sa kanila."

Agad sa aking tumawa si Valeria, "Eh? Naka-utang na ako ng tawas para kay Zo ate!"

"Ay!"

Nang matandaan kong may putok ang pamangkin ko ay napasapo na lang ako ng aking noo at sumabay sa pagtawa ni Val.

Grabe, nakakahiya naman na pala talaga umutang kay Aling Vicky, nilimas na namin ang paninda niya!

"Sure kang akin na 'to ate Ara? Parte mo 'to 'di ba?"

Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Mas kailangan niya naman 'di hamak ng makakain dahil periodical exams na nila sa makalawa. Baka magutuman siya at walang maisagot sa test, mahirap na. Semi-private pa naman 'yung pinapasukan niyang highschool. Strikto ang mga madre doon sa grades at results ng exam, baka sumabit pa 'tong si Valeria at mawalan ng scholarship dahil lang sa nalipasan ng gutom.

DESTROY ME (Paradise #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon