Prologue

997 28 0
                                    


Malalim ang paghinga.

Mabilis ang tibok ng puso.

Mapupungay na mata.

Agad niyang hinarap ang babaeng kanina pang walang kibo.


"Ganiyan ka na lang ba talaga? Pagmumukhain mo akong tanga, pagkatapos ay ikaw pa ang naghihintay ng tawad mula sa akin na parang hindi mo ako ginago?"

Nagkatitigan silang dalawa, at ang babaeng kanina pa naghihintay makarinig ng isang salita mula sa kaniyang kausap ay hindi na makapagtimpi. Kaya naman ay nilapitan niya ito at tila ba'y nalimutan na niya ang katiting na dignidad na pinanghahawakan niya.

Sa wakas ay muli na niyang narinig ang boses nito.


Kung hindi pa siya luluhod sa harap nito't ikukulong sa kaniyang mga bisig ang munting baywang nito, siguro ay magdamag na naman silang magtititigan at maghihintayan.


"Tumayo ka diyan, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Huwag mo na akong pahirapan."


Alanganin ang tono.

Alapaap ang tanging pinagmamasdan upang pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

Abalang-abala ang mga kamay na pigilan ang sariling yakapin pabalik ang babaeng nakaluhod.


"Kung ikaw lang din naman ang pagmumukhain akong tanga, araw-araw na akong magpapakatanga. Sabihin mo lang sa'kin, ako pa ba? Ako pa rin ba? Ako ba ulit?"


Isang nakabibinging katahimikan.


Sa isip ng babaeng nakatayo...kasalanan niyang lumayo dahil hindi niya kakayaning magsinungaling pa. Ngunit kahit ano man ang nangyari o ang mangyari, ang tanging sinasambit ng kaniyang puso na ikinatatakot niyang sabihin sa babaeng mahigpit ang yakap sa kaniya ngayon ay...


Sa'yo lang ang tingin - lagi't lagi.


Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Where stories live. Discover now