IX - We Will be There

474 20 3
                                    


Mich POV


"I don't know about you, but I'm feeling 22. Everything's gonna be alright if you keep me next to yooouuuuu~~"

Walang katapusang jamming ko sa 22 by Taylor Swift dahil nilulubos ko na ang mga nalalabing araw bago pa madagdagan muli ang edad ko.


Two weeks.


Dalawang linggo ang mayroon ako para magplano ng birthday celebration ko. Kahit na sabihin ko sa pamilya ko na lowkey lang, tipong kami-kami lang, ay ni isang beses ay hindi sila pumayag. Kahit sino sa pamilyang 'to ay nabibigyan ng enggrandeng selebrasyon tuwing kaarawan. Hindi puwedeng hindi dahil ang ganitong klaseng okasyon ay ginagawang oportunidad na makahalubilo ang iba't ibang personalities mula sa iba't ibang mga industriya.


"We won't be sleepeeeeeng!~~" hawak ko pa ang hairbrush na umaaktong mikropono habang inaayusan ko ang sarili ko. Madali lang namang ayusin ang buhok ko, kaonting hawi sa gilid, a lil bit of hairspray and voila!


"I gotta have YOOUUU!!~~" may paikot pa akong nalalaman at paturo-turo, hanggang sa naharap ko ang pintuan kong nakabukas pala. Nanatili ang ganoong itsura ko, nakaturo sa may pintuan kung nasaan ang pigura ng isang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon...

sa harap...

ng kwarto ko...


Inayos ko ang tayo ko at hinarap siyang mabuti.

"What are you doing here?" buti na lang ay hindi ako pumiyok.


"I was just --- I thought." parehas diretso ang mga mata namin sa isa't isa. Guni-guni ko lang ata na makitang maamo ang mukha niya kanina, dahil ngayon ay parang gusto ako nitong suntukin papuntang buwan.

Isang buwan lang naman kaming hindi nagkita, pero bakit ang unfair?


Mas lalo ata siyang gumanda.


Tapos wala pang kahit anong kolorete sa mukha niya.


Mas maganda pa ata siya ngayong araw kumpara noong araw ng pageant.


"Nevermind, I'll just ask Manang to get it for me." isasara na sana niya ang pintuan ko pero tinanong ko agad siya.


"May kukunin ka sa kwarto ko?" wew, she's just glaring at me.

"Ano ba 'yon? Abot ko na lang sa'yo." I am trying so hard to be nonchalant.


"I'll just ask Manang to get it for me." inulit niya nang mas madiin pa habang masama ang tingin sa akin.

Napagitla naman ako nang padabog niyang isara ang pintuan ko.


Nakakainis! Ang ganda na ng simula ng araw ko e. Kikitain ko ang organizers ng birthday ko kasama sina Mom at Mamita, they've already picked a location. Sa Xanadu, where I picked up Rain a long time ago when her stupid boyfriend left her on their anniversary. My Dad is one of the investors of that club, kaya madali namin itong napa-reserve.


Ay, naiinis pa rin ako! 


Tinapos ko na lang ang paghahanda ko, kaonting ayos ng kilay at apply lamang ng mascara't lipstick. Naka-all denim outfit lang ako, at dahil jacket at pants ito, nagsuot lang ako ng bralette sa loob para hindi masyadong mainit. After wearing my white Converse, pumanhik na ako pababa, ngunit natigilan ako sa ikalawang palapag dahil nakita kong kausap pa nina Mom at Mamita 'yung babaeng pinagdabugan ako ng pinto.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Where stories live. Discover now