VI - Winner in My Heart

468 20 14
                                    

A/N 

I suggest you play the song Tingin by Cup of Joe during the rampa moment. Hehe.


======================


Mich POV


Lumipas ang ilang araw.


It's D-DAY!


I don't know why I'm excited all of a sudden. Before, when I was joining pageants as a kid, hirap na hirap pa ako. Pero ngayon, I feel confident. I feel more beautiful. I feel like an actual queen.

Siguro dahil sa mga nakaraang araw, nag-hire si Mom ng personal trainer and coach ko. Ilang araw lang ang naging madugong preparation ko. Hanggang madaling araw ay puro rehearsal kami.

Parang naging natural lang din sa akin ang paglakad, pag-pose, at pagpapalabas ng charm ko kapag pina-practice ang magiging presentation ko. Iniisip ko na may malawak akong audience na kaharap, kasama ang mga panelist na minamarkahan ang bawat galaw ko sa entablado.

We have our own open space sa bahay. Mukha itong isa sa mga dinadaluhan ng ballet dancers dahil pinalilibutan ang buong silid ng salamin.


I really love what I am gonna wear that the designer made for me, who was hired by my Mom, of course. Wala naman akong alam sa mga ganito, kaya lahat ng contacts ay galing sa aking napakagaling na mudra. It's a dark green gown na may mga slits sa ribcage part. It also fits my body so perfectly. Also, from my long hair, I decided to chop it off bigla. 

Impulse decision kumbaga, I didn't know what's gotten into me. Thankfully, I did not regret it. Ang poganda ko tuloy.


Sa hindi ko rin malamang kadahilanan, hindi ko nakikita si Anntonia rito sa bahay. Nakakasabay ko lang siya sa school pag kumakain kami ng lunch, pero papunta't pauwi ay magkahiwalay kami. Hindi na rin ako nakakabisita sa kwarto niya tuwing gabi dahil pagod na rin ako at mas pinipili na lang matulog agad.


Papuntang school, I wanted to be fresh kaya I asked Manong to drive me there. I'm just wearing a black powersuit papunta with white tube din bilang panloob. I wanted to rest my feet for the meantime so baon ko lang ang mga heels na gagamitin ko mamaya habang ang suot ko sa kasalukuyan ay white sneakers lang.

Siguro ay busy na busy si Anntonia sa pag-aayos ng audi. I mean, maayos na naman ito, so siguro nagsu-supervise na lamang siya. Panic 'yon panigurado, ang daming aasikasuhin - food for panelists, complementaries sa audience, timetable, scripts and flow ng hosts, registration booth, and many many more.


But I'm sure she had delegated those tasks to the officers accordingly.


Paglabas ko ng kotse, hindi ko aakalaing may mga midya sa labas ng campus. Although my Mom told me na this program is solely for the funding of the university lang, hindi na necessary na i-publicize pa ito. This isn't some large local event, so baka hanggang FB, IG, TikTok live lang 'to. Tanging ang audience na nakabili ng tickets ang puwedeng manood sa loob. In total, our auditorium can hold 7,000 people. The university only accomodates 3,000 people, so kapag may general assembly sa auditorium, kalahati lang ang nakapupuno ng bleachers. Now that I think of it, whenever I'm on stage facing the whole population of my university, ang dami-dami na nila, paano pa kaya ang pitong libo? Ngayon ko lang naramdaman ang kaba. Kanina ay ang confident ko pa, ngayon, naiisip ko tuloy na baka mapahiya ako.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Where stories live. Discover now