IV - I'll Just Show you

429 23 10
                                    

Warning: R-18. There might be uncomfortable slash mature texts in this chapter. Read on your own discretion. 

NOT what you're thinking. Kalma, maaga pa.

Mentions of sexual intimacy and harassment in context.


=============


Mich POV


"What's your problem?!" pasigaw na tanong sa akin ni Ann as I started the engine of her car.

Nilingon ko ito bago tapakan ang gas pedal. 

"My problem? What's your problem?" balik ko sa kaniya.

"You!"

"Anntonia, those guys were clearly flirting with you, and you're letting them lang. You have a boyfriend, for goodness sake." pangaral ko sa kaniya. Bigla kong tinapakan ang brake dahil sa lakas ng hampas niya sa likod ko.

"What the fuck?!"

"I don't have a boyfriend anymore, which you will know if you only DARED  to ask me last night. But maybe your mind was preoccupied by a person na pinaglihi sa ulan."

Napatingin muna ako sa kaniya habang pinoproseso ang impormasyong ibinahagi niya sa akin. Naputol lamang ito nang makarinig ako ng busina mula sa likod. Binaba ko ang bintana at winagayway ang kaliwa kong kamay para sumenyas ng paghingi ng tawad. Pinaandar ko muna ang sasakyan at tsaka itinabi sa may side walk.

I licked my lips first and cleared my throat.

"I'm sorry, what happened?"

Nakatingin lang ito sa bahaging bintana niya at kita ko ang pagkamot niya sa likod ng kaniyang isang kamay na nakapatong sa mga binti niya. Agad ko itong hinawakan para pakalmahin siya, dahil kahit na mistulang nakatameme lang siya, kapag ginawa niya ang aksyong iyon ay alam ko na agad na kinakabahan siya.

"Hmm? Anntonia." I softly called her to face me.

"He...he forced me to....do it."

"Haven't you done that with him already?" wait, wrong response. This time, he forced her.

"I-I'm sorry. That's...are you okay?"


*SPRAK*


"Putang---"


"I. HAVEN'T. DONE IT. WITH. ANYONE."

Kahit na napakasakit ng paghampas niya sa likod ko, na sa tingin ko ay magkakapasa na dahil pangalawang hampas na niya 'yon. Hindi ko 'to ininda dahil mas nagulat pa ako sa sinabi niya.

Hinihimas-himas ko lang ang likod ko, pero ang mukha ko ay parang nakakita ng multo. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil tinakpan niya ito ng mga kamay niya.

"Hey" I gently removed her hands from her face and held her chin so she could face me. Nakapikit lamang siya at malalim ang paghinga.


I removed some of her hair from her face and tucked them behind her ears.

"Papa-blotter ko 'yon. Where does he live? What's his name again?" sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Hinawakan ko lang ang pareho niyang pisngi dahil hindi pa rin niya binubuksan ang mga mata niya.

I clenched my jaw before asking again.

"Did...did he hurt you?" mahina kong tanong.

She slowly opened her eyes and slowly shook her head as well.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Where stories live. Discover now