V - She's a Beautiful Woman

492 20 0
                                    

--- Character: Professor Shey Palacio, portrayed by Sheynnis Palacios ---


===================


Mich POV


Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Anntonia sa SG office, hinatid ko siya sa auditorium bago ako pumanhik sa classroom ko. Sa susunod pang klase kami magkasama, kaya naman nandoon lang muna siya nagbabantay at tumutulong sa logistics preparation ng pageantry.


For some reason, the university still nominated me as one of the contestants despite my existing commitments as the Central SG President. Besides that, hati pa ang oras ko sa pag-abala ng mga pinaaasikaso sa akin ni Mom, Dad, Mamita, and Papa, idagdag mo pa syempre ang academics ko. Hay.


I will never know how I push through. 


But actually, Ann is a big help. She is much smarter than me, and she has more vacant time, so she's also able to help me. Masipag din naman ako, but she is definitely much much much more masipag. I admire her dedication with everything, and her will to initiate on anything.


Natapos na ang klase ko. Imbis na dumiretso sa cafeteria, naisip ko munang sunduin si Ann from the auditorium. Nadatnan ko siyang nakapatong ang isang paa sa bleacher habang may tinuturo na kung ano, suot din niya ang glasses niya na minsan lang niya sinusuot dahil hindi naman ganoon kalabo ang mata niya. She uses it when she feels a headache coming up. Sigurado'y nagugutom na ito kaya ganoon.


"Tonyang!" sigaw ko sa kaniya, agad naman siyang napalingon sa akin, bale naka-twist ang katawan niya dahil nakaharap siya sa may stage at ako ay nanggagaling sa likod niya.


"Hi Tonyang, let's eat?"

"Please stop calling me that, sige ka I'll call you losyang."

Hinaplos ko naman ang mukha ko bago siya balingan ng naaasar na mukha.

"Hello? Itong mukhang 'to, losyang? So anong tawag mo kay Ma'am Lori?" natatawa kong tanong. Siya yung propesor ko kanina, mabait naman siya, pero kaonting kembot na lang kasi ay puwede na siyang mag-retire.

Dapat nga ata retired na 'yon, saved lang siguro ng tenure niya.


"Pakuha 'yon." nilingon ko ang tinuturo niya at ito ay yung nakatupi pang tarpaulin. Nasabit na 'yung iba, dahil habang inaalis ko ang pagkakatupi nito, pinagmasdan ko na ang kapaligiran.

Napaka-creative talaga ng utak nito ni Tonyang. Nakasabit sa may gitnang itaas ay ang titulo ng magaganap na pageant. Pinalilibutan din ang itaas ng mga twirly thingies. Sa gitna ng auditorium ay nailagay na rin ang mahabang stage na idinudugtong para magsilbing ramp sa pag-catwalk ng mga contestant. Marami rin mga lobo na gold, blue, white, at black.


"Good job, Tonyang. You're really giving life to our audi."

"Just give me that, bili!" apakasungit.


Nang ma-unfold, kitang-kita ko ang mga headshot na nakapaskil sa tarpaulin. Nangunguna talaga ang mukha ko.

"Ano ba 'to? Kailangan pa ng ganito, e mayroon na ngang posts sa mga social media account. Also, I thought alphabetical order, bakit ako ang una?" takang pagtatanong ko sa kaniya.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang