XIX - I Hope This Never Ends

587 28 6
                                    


Mich POV


"I said I love you, silly."


Nakikiliti ang mga tainga ko dahil sa pag-ulit niya nito.



Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya. "You don't know, Anntonia...you don't know how much I love you." Paulit-ulit kong hinahalikan ang tuktok ng ulo niya habang siya ay nakasiksik sa dibdib ko.


"You love me too?" natawa na lang ako sa narinig ko dahil muffled din ang boses niya sa pagkakasiksik niya sa akin, pero naintindihan ko pa rin.


Kinalas ko ang pagkakayakap sa kaniya para maayos siyang harapin. "You know, I'd like to tell you everything. I want you to understand that this isn't just something based on impulse." tumango-tango naman siya at pinagsaklob ang mga kamay namin. "I know, baby, I know." at niyakap niya kong muli.



"Did you just call me baby?" kinikilig kong sambit sa kaniya, pero 'di tayo papahalata, dapat strong.


"What do you want me to call you then?" she asked me with her lips stretched and eyebrows stitched closely to her hooded eyes.



"Call me dad----" biglang bumuhos ang ulan kaya hagad kong hinila si Ann papasok ng bahay. Halos madulas-dulas pa siya kaya naman....


"Aaaaaaaaaaaa" 


Binuhat ko siya bridal style, matik na napasukbit siya sa aking leeg habang tinatahak namin ang daan, at sa wakas ay nasa may glass sliding door na kami. Ngunit hindi ko siya binaba kahit na nasa loob na kami, at talagang buhat-buhat ko pa rin siya paakyat sa third floor.


I kicked my bedroom door with my one foot and brought us inside my bathroom. 

"Mauna ka na muna, go take a shower." utos ko kay Anntonia at tsaka ako kumuha ng isang towel at bathrobe. But before I exited, she held my wrist which made me look at her with my eyebrows raised. Her eyes are telling me something as they flutter for a couple times, her lips are agape as if she wants to speak.


"O-okay, I'll be quick." she averted her gaze and let go of my wrist while her cheeks and ears turned red. Nilapitan ko siya para mag-iwan ng munting halik sa kaniyang mga labi and gave her a small smile before I went out.




Nakaupo ako sa sahig habang nanonood ng Instagram stories habang may nakapulupot na towel sa aking ulo at tanging bathrobe lamang ang bumabalot sa aking katawan nang bumukas ang pintuan ng banyo. Kung ano ang itsura ko ay ganoon lang din siya.

"I'll just get clothes from my room." wika niya habang nakangiti sa akin. Tinanguan ko lamang ito at ako naman ang pumanhik sa banyo para mag-shower.


Nang matapos ako at nakapagbihis na, nadatnan ko siyang nakasuot na ng isang cropped top at leggings, habang ang buhok niya ay pinapatungan ng headband. Suot ko naman ay shirt lang at jogger pants.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon