VII - Welcome Home

424 17 8
                                    


Mich POV


"No, you're already the winner in my heart."


--------


One month later...


Nagbabasa lamang ako ng Seven Husbands of Evelyn Hugo nang bigla kong narinig ang tunog ng bumubukas na elevator sa penthouse ko. Agad akong napangiti dahil kilala ko na agad kung sino ang taong iyon.

I placed my bookmark inside the book before laying it down on my bed. I walked towards my bedroom door and leaned on the doorframe.


"Welcome home, wifey." I opened my arms to invite a hug from her.

"Good to be home, honey." siniksik niya ang sarili niya sa akin habang pinupulupot ko ang aking mga braso sa buong balikat niya at tsaka ko ito hinalikan sa noo.

"How's work?" I asked her while we're swaying from side to side.

"Tiring. God, sobrang exhausting pala talaga kapag late-20s na."

"Can't relate." inangat niya ang ulo niya galing sa dibdib ko at tsaka nag-pout.

"Wow naman talaga, you're making me feel so old."

"You are older, wifey. You were about to turn five years old na, lumalangoy pa lang ako papunta sa eggcell ni Mom."

"Geeeeeez, Michelle." ibinaon niya muli ang ulo niya sa aking dibdib.

"Wifey, tsansing ka ha."

"Kapal!" tinawanan ko lamang ito at tsaka iginiya papuntang kitchen.


"Surprise?" tinatanggal ko na ang mga food cover para makita niya ang inihanda ko sa island table ng kusina.


"Oh my god, my favorites!"

Bukod sa homemade mashed potato, I also cooked clam pasta. I ordered one staple food outside lang, dahil hindi naman ako maka-perfect ng oven-baked pizza.


"The pizza seems perfect..." banggit niya habang tinitingnan niya ako nang may nanliliit na mga mata.


I scratched my eyebrow and chuckled lowly. "Well, because I had that delivered lang. Don't worry Wifey, I'll practice pa so I can make the bestest margherita pizza you'll ever eat." I pulled the chair in front of me, ganoon din ang ginawa niya nang mapagpasiyahang umupo sa harap ko. I saw how her eyes lit up, handang-handa nang lantakan ang mga pagkain.

I pulled one plate from the side and started filling it with two slices of pizza, a plateful of pasta, and a big scoop of mashed potato.

"Carb loading! Hay nako." pagalit niya sa sarili niya, tinawanan ko lamang ito.


I pushed the full plate towards her bago ako kumuha ng sariling pagkain. This has been my routine for the past... thirty days? It has been that long na pala. Sabado na muli bukas, at ito na ang araw na uuwi ako ulit sa mansyon. Paonti-onti lang ang subo ko, napawi bigla ang gutom ko dahil sa pag-iisip ng kung ano ang mangyayari bukas sa pag-uwi ko.


"It's bad to play with food, Wifey. Busog ka na ba? Ang dami mong kinuha hindi mo pala mauubos." mahinahong sermon niya sa akin, ngunit mayroon ding halong pagtataka at pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Where stories live. Discover now