XV - Tattoos

440 25 4
                                    


Mich POV


Sa nakalipas na pitong araw, kaswal ko lang pinapansin si Anntonia. Bumalik sa normal ang pakikitungo ko sa kaniya, ngunit nilimitahan ko ang sarili ko. Sumasabay siya sa pagkain sa'kin, sinasamahan akong tumambay sa SG office, magkatabi kami sa mga klaseng magkasama kami, pati nga sa pagtulog ay minsan sa kwarto ko siya dumidiretso pero tinatalikuran ko lang ito. 

I don't know if she feels all my reserved actions, but she never initiated nor demanded on anything.


Nitong dumaang Sabado at Linggo kasi, inimbitahan ni Mamita si Ivan na mag-dinner sa amin. Sa parehong gabi, nasa harap ko si Anntonia at ang nasa kaliwa niya ay si Ivan, kaya kitang-kita ko kung paano sila makipag-ugnayan. Nag-aabot lamang ng mga pagkain sa kanya ang kasintahan, tinatanggihan niya ang mga pagkaing ayaw niya tapos kukuha lamang ng kaonti sa mga pagkaing gusto niya.


Halata sa kaniyang mukha na komportable naman siya dahil sa maliliit ngunit matatamis na ngiting iginagawad niya. Hindi ko pinagtatama ang mga paningin namin sa mga oras na 'yon. My family engaged on casual conversations with Ivan, talking about sports, businesses and what-nots. He commended on how extravagant our mansion was, and expressed how it's really refreshing to witness a big family living under one roof. They also tried to converse with me but I tried my best to reply as nicely as possible.



Napahilamos ako ng mukha dahil nag-absent ako ngayong araw. Kagabi kasi, hindi ko inaasahang makita ang matagal ko nang binubura sa isipan ko. Akala ko hanggang inis na imahinasyon ko na lang 'yon, pero nagkamali ako.


Litong-lito na rin ako sa mga nagiging aksiyon niya kamakailan.




Hindi, baka nabibigyan ko lang ng ibang kahulugan.



*flashback*



Ivan suggested to help with the kitchen and dining chores, but my Mom said he doesn't have to do that because there are helpers around. Before he can even insist, Anntonia just pulled his towards the stairs.



I think it's his first time going up in our house. Kagabi kasi pagkatapos ng dinner, kinailangan niyang umuwi sa bahay nila dahil may aasikasuhin daw, kaya naman hindi siya nakapag-stay nang mas matagal. Ngayon na Linggo naman, libre na raw ang buong gabi niya. Inaya pa nga siya ni Dad na makipag-inuman sa may pool area. Napagpasyahan kong sumama sa kanila kaya umakyat din ako patungong kwarto. Ngunit bago pa ako mapadpad sa harap ng pintuan ko, naaninag ko ang magkasintahan sa tapat ng kwarto ni Ann.


Nakapahinga ang dalawang kamay ni Ann sa magkabilang siko ni Ivan, habang ang lalake naman ay nakapulupot ang mga braso sa baywang niya. Iniwas ko na agad ang tingin ko dahil may ideya na ako kung ano ang ginagawa nila.



Huminga ako nang malalim habang nakapatong ang ulo sa kasasara ko lang na pintuan.

Magulong Kapaligiran, Sa'yo lang ang Tingin (PorDee - GxG)Where stories live. Discover now