• 8 •

4.6K 112 4
                                    


Nagising ako nang may marinig na ingay sa labas. Fudge! Napasok ba ako ng magnanakaw? Agad akong bumangon pero nang igagalaw ko na ang paa ay nakaramdam ako ng sakit. Oo nga pala nasprain ako. Tumingin ako sa orasan, 5 o'clock pa lang ng umaga.

Nang marinig kong may tumunog ulit sa labas ay mas lalo akong kinabahan. May tao nga sa labas. Sino naman kaya yun? Anong ginagawa niya sa labas? Wah! Baka magnanakaw talaga yun tapos bigla akong pasukin dito. Anong gagawin ko?

I got up from the bed at dahan-dahan na pumuntang wheelchair.

Should I stay here or go there and see myself who's in the house? Pero paano nga kung masamang loob ang nakapasok? Argh! I would fight.

Pinagulong ko ang wheelchair papunta sa box sa tabi ng cabinet. I got up to my right foot, balancing myself then bent down at hinanap sa box ang racket ng badminton. I knew it's a lame weapon, I didn't even know kung magagawa ba kong iligtas nito mula sa intruder but then it's better to have it than nothing.

Bumalik na ulit ako sa wheelchair at pinagulong na ito papuntang pintuan. Taking a deep breath, I opened the door. Oh my! This is it! God help me.

Nakapatay ang ilaw sa living room ng lumabas ako pero bukas ang ilaw sa kitchen.

Magnanakaw? Sa kitchen? Like seriously, ano namang makukuha niya sa kitchen ko eh wala namang valuable things dun. Maybe the food but hello anong gagawin niya dun? Ibebenta?

Kinakabahan at nanginginig man sa sobrang takot, pinagulong ko ang wheelchair papuntang kitchen but stopped before I reached the dining table. Dito may malaking divider na naghahati sa dining area mula sa kitchen.

So technically, you wouldn't see the kitchen from here. I held the racket tightly, dito lang naman dadaan yung intruder eh. Pag daan niya, saka ko na lang siya papaluin nito. I just needed to make sure na malakas ang pagkakapalo ko at dapat tumama sa ulo.

Suddenly, I heard footsteps telling me that someone is coming near. Nagtriple ang bilis ng pintig ng puso ko. Paano kapag may kutsilyo siya? Baril kaya? Fudge, di ko yata kaya.

Inilapit ko na ang raketa sa akin habang hinahawakan ito ng mahigpit. I knew in five counts, susulpot na siya dito. Five, four, three, two, ...

"Waaaaaaah!" sigaw ko habang malakas na hinampas ang raketa sa hangin papunta sa mukha niya.

But the guy was quick, agad niya itong naharang ng kamay. And worse, nakuha niya ang natatanging weapon ko at naibato sa malayo.

Magulo ang isip ko at medyo madilim din sa parteng ito kaya di ko makita masyado ang mukha niya. Plan A failed. Kailangan ko ng Plan B. Agad kong tinakip ang mga kamay sa mukha at nagsimulang umiyak, magmamakaawa na lang ako.

"Maawa po kayo, wag niyo po akong papatayin. Kunin niyo na po lahat ng gamit sa bahay na ito. Please wag niyo lang akong papatayin. Bata pa po ako, kailangan pa ako ng pamilya ko, marami pa po akong pangarap, di pa po ako nagkakaboyfriend..."

"Maika?"

Huh? Kilala ako ng magnanakaw? Teka, pamilyar ang boses niya. Boses ni...

"Kale?" tanong ko pagkatapos alisin ang mga kamay sa mukha.

"Yeah it's me. What are you doing?"

I sighed in relief. Si Kale lang pala. Buti na lang at di ko natama sa kanya ang raketa. Pero anong ginagawa niya dito ng ganitong oras?

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Cooking you breakfast. Alam ko maaga ka nagigising that's why I planned doing it since I know you can't do it."

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now