• 10 •

4.3K 112 7
                                    

The next morning, nagising ako kahit di pa tumutunog ang alarm clock. Kahit di ko tingnan ang orasan, I knew it's just past five in the morning. Tumayo agad ako mula sa higaan. After one long week ng pagkukulong sa bahay, finally makakalabas na rin ako at makakapag-jogging.

Matapos makapagpalit ng damit, lumabas na ako ng kuwarto. Ang nakatuping kumot at unan na lang ang nadatnan ko sa living room, wala na si Kale. And staring at the couch, hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maalala ang kagabi. Argh! That's nothing. Antok lang talaga yun. I looked away from the couch then went out of the house.

And there in his porch sitting was Kale, staring again at nowhere.

"Good morning," I greeted him loudly.

That caught his attention, tumingin siya sa kinatatayuan ko. "Morning," he greeted back.

Naglakad ako at pumunta sa porch niya.

"Are you going to jog?" tanong niya.

Tumango ako. "Yes. Namiss ko din eh, one week din akong di nakapagjogging because of my ankle."

"Could you wait me for five minutes?"

"Bakit?"

"Just wait for me, 'kay?"

"Okay."

At pumasok na si Kale sa bahay niya. Bakit kaya siya nagpapahintay? Meron ba siyang ibibigay sa akin or something?

Wala pang five minutes pero lumabas na si Kale mula sa front door. And guessed what, he was wearing a sports attire. Natawa ako. "Don't tell me sasamahan mo akong mag-jogging."

Tumango siya.

"Really?" I asked, surprised. "Akala ko ba ayaw mong mag-jog?"

He sighed then walked out of his porch. "Ayoko nga," sagot niya. "Pero baka mamaya may isa na naman dyan na di makakita ng bato sa daan at magka-sprain ulit."

I smiled. "Okay lang may magaling naman akong private nurse," I teased.

He scowled at me. "Asa ka namang aalagaan pa kita."

"You would," I shot back.

"At bakit naman?"

"Because I'm irresistible."

"Really huh?" he asked then he smirked. "Wanna bet?"

I didn't answer. I couldn't believe this, natalo ako sa argument namin ni Kale. Frowning, umalis na rin ako sa porch niya. I walked past him and headed towards the gate. Pero bago pa man ako makalabas, nilingon ko rin siya. "Lets go."

He smirked again. "Oh! Someone's pissed."

o0o0o0o0o0o

Hindi ko alam kung gaano katagal na kaming tumatakbo. Nawala na rin ako sa pagbibilang ng natapos na kanta sa iPod ko. But one thing was for sure, pagod na ako. I stopped running and took deep breaths.

Hindi ko na masigawan si Kale na dumiretso pa rin sa pagtakbo. I was just too exhausted. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko. Geez, bakit pa nakalimutan ko na namang magdala ng tubig?

Suddenly, I saw Kale was running back to me. Finally, napansin niya ring wala na siyang kasama.

"You okay?" tanong niya agad nang makarating siya sa akin.

"I'm... thirsty," sagot ko.

"Here," sabi niya sabay abot ng tubig.

The bottle wasn't full anymore. Meaning, nainuman na niya. Fudge, bakit ko pa ba iniisip yun? Ano naman kung nainuman na niya diba? Basta nauuhaw na ako.

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now