• 40 •

3.6K 111 10
                                    

Rann: From this chapter onward, they are edited. Mayroon akong mga dinagdag na scenes and information to close the loopholes from the last time. So, if you have read them before, I suggest na basahin ulit to know the changes. For new readers, just go on. :)

#

After the song ended, we went back to our seats. At sa pagkakataong 'yun, may nag-iba sa ihip ng hangin. Kahit nang kumain na kami ng dessert ay nandoon pa rin ang nakakabinging katahimikan. Na parang nagpapakiramdaman lang kaming dalawa. Not until Kale decided to break it.

"This tastes good," sabi niya pagkatapos ng pangalawang tikim sa cake na kinakain. 

Alam ko ang ginagawa niya. He was trying to hide the awkwardness with some casual conversation. Then suddenly, it clicked. What he did on the dance floor.

He was not really unaffected at all. I could see it in his eyes, the way he was acting. Marahil hindi katulad nang sa akin pero apektado si Kale. 

And suddenly there was a bit of hope sprung deep inside me. He might mean it. Yung kinanta niya kanina. He just did not want to let it show. For whatever reason? Hindi ko matukoy.

But it was there and he might not say it but his actions were telling me differently.

Nang matapos ang kaming kumain ay bumalik na kami ng bahay gamit ang sasakyan ni Kale. Yep. He got his car already. Two weeks na lang kasi ay pasukan na kaya ibinigay na ng Tita niya ang kotse niya.

But on our way home, the awkward silence was still there. And even how hard he tried to wipe it away with some conversation, it was still there. Nang maabot namin ang subdivision, nagtaka ako nang hindi lumiko si Kale sa street namin. Doon na ako tumingin sa kanya at nagtanong, "Where are we going?"

Kale glanced at me, giving me a small smile. "I want to show you something."

Nanatiling nakataas ang kilay ko sa kanya hanggang sa patuloy lang siya sa pagdrive. Then he stopped the car. Kale went out, walked to my side of the car and opened the door for me.

Lumabas ako saka tiningnan ang paligid. I knew this place. It was the same place I saw weeks ago. Ang dapat ay babalikan ko pero hindi ko na nagawa. It was the hill.

Tumingin ako kay Kale, binigyan siya ng nagtatakang tingin. Anong ginagawa namin dito? Sabi niya may gusto siyang ipakita. Ano naman kaya 'yun?

"Come," Kale said as he held my hand, pulling me up at the hill. Nang maabot namin ang tuktok, kung nasaan nandoon ang iilang mga puno, binitawan na ni Kale ang kamay ko saka siya lumakad papuntang bangin. I moved close to him and glanced where he was looking at.

It was really a wonderful view. Kita ang buong siyudad at ang nagkikislapan nitong mga ilaw kung nasaan kami ni Kale ngayon. If I just had my phone with me, kanina pa ako kumuha ng picture.

Sabi ko na nga ba, tama ako ng huling punta ko dito. Maganda talaga ang tanawin dito lalo na kung gabi.

"It's beautiful, isn't it?"

Tumango ako sa tanong na yun ni Kale habang nakatingin pa rin sa ibaba. "Yes it is." Tiningnan ko na siya. "How did you find this place?"

Kale drew out a deep breath before answering, "It's been my haven for four years now."

His haven?

"Maika, the real reason why I brought you here is not just to show you this place. I want to tell you something."

Sa sinabi niya ay bigla akong kinabahan. There were a lot of scenarios entering my head of what could possibly Kale tell me. At aaminin ko, may bahagi sa akin ang nag-iisip na baka may kinalaman ito sa date namin kanina.

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now