• 35 •

3.7K 92 1
                                    

Naalimpungatan ako nang may narinig na tumunog. Parang yung ringtone ng cellphone ko.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata at kukunin na dapat ito nang mapansin na parang nasa ibang kuwarto ako.

Inilibot ko ang paningin. This is not really my room. Bigla akong napatingin sa suot ko. Boy's clothes.

Alright, nasa kwarto ako ni Kale at suot ko ang mga damit niya.

Then everything, like wave, flashed on my mind.

Mula sa party ni Carmen, sa ice cream, sa naiwan kong susi, ang pag-uusap naming ni Kale sa rooftop... Yes, ni Kale. Agad akong napadampot ng unan at itinakip ito sa mukha. I told him that I like him last night.

"Waaaaaah!" at di ko napigilang sumigaw.

Inalis ko na rin ang unan makalipas ang ilang segudo at umupo sa kama.

Last night, okay naman kami after that talk. We watched the stars a bit and then, he accompanied me to his room. Well, hanggang dyan lang sa labas ng pinto. We even exchanged goodnights. But later, when I'd see him, how will I react? Parang kinakabahan ako na ewan.

We already talked about this. He likes me. I like him back. And we would stay as friends. Well, much better to say, special friends. Pero... argh! Why there's so many buts Maika? Bahala na nga.

Tumayo na ako mula sa kama at papunta na sa built-in bathroom nang may biglang kumatok. Napatigil akong maglakad. May kumatok ulit. Hindi ako nagsalita.

Then I heard him talk, "Maika."

Just the sound of his voice was enough to make my heart beat wildly.

"Maika," ulit ni Kale sabay katok.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Yeah?"

"Are you already up?"

"Yes."

I was expecting him to come in but he didn't. Instead, he talked at the other side of the door again. "When you're ready, sunod ka na sa dining area. Breakfast is ready."

"Okay," sagot ko.

Then silence. Nang alam kong umalis na si Kale, nagpatuloy akong maglakad papuntang banyo pero papasok pa lang ako sa pintuan nang may magsalita ulit. "By the way, good morning, Maika."

I just smiled and answered him in my mind, As long as I know I'm going to see you, every morning will always be good, Kale.

Nang matapos na akong makapaghilamos at magtoothbrush, sumunod na ako sa dining area kung saan nakaupo na sa isang silya si Kale na nakafocus ang mga mata sa dingding. Tulala. Ano kaya ang iniisip niya?

Humigit ako ng upuan at umupo dito. Doon pa lang niya ako napansin. He smiled instantly. That smile that could make your knees go weak. Buti na nga lang at nakaupo na ako. I smiled back at him. "Hi."

"Hey," he greeted back. "Did you sleep well?"

Tumango ako. "Yeah. Ikaw nga dapat tanungin ko eh, nakatulog ka bang maayos sa sofa?"

"Yeah," he replied as he nodded then he breathed out, moving his gaze down. "Nasanay na rin akong matulog sa couch nung nandito pa si Dad. He used to sleep in my room while I sleep on the couch."

Kahit pa nakangiti si Kale habang sinasabi niya yun, makikita pa rin sa mga mata niya ang lungkot. But I'm glad, he was starting to open up about his dad.

Nang ibalik ni Kale ang tingin sa akin, matiim ko pa rin siyang tinitingnan. At nang itaas na niya ang kilay, saka ko pa lang narealize na nakatulala pa rin ako sa kanya.

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now