• 15 •

3.9K 129 11
                                    

He smirked at me keeping his hands on my waist.

"Why did you stop?" tanong niya. "Just dance."

I put my hands above his and tried to pull it away from my waist. "Raz, remove your hands, please."

He leaned closer to me. "I will if you promise me you're gonna dance."

Naamoy ko ang alak sa hininga niya. And I could tell that he's drunk.

"Lasing ka na. Just let go of me," sabi ko ulit sa kanya.

Binitiwan niya ang bewang ko pero hinawakan naman niya ang kamay ko. And the next thing I knew, he was dragging me away from the dancefloor. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Saan mo ako dadalhin?" galit kong tanong kay Raz.

"Chill, Maika," he said then winked at me. "We're gonna drink."

"I don't drink," I told him.

Tumawa lang siya at patuloy pa rin ang paghila sa akin. At sa tingin ko alam ko na kung saan niya ako balak dalhin- sa kitchen. Pero bago pa kami makarating dun, nilakasan ko ang paghila ng kamay ko. Huminto lang kami sa paglalakad pero di pa rin ako binibitawan ni Raz.

"Raz, you let go of me, now," I said to him sternly.

He smirked. "What if I don't?"

And it's now my turn to smirk.

"Then I'll have to kick you," I started as I gave him a piercing look then added, "where the sun doesn't shine."

For a moment, he looked scared pero agad ding napalitan yun ng seryosong ekspresyon. Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak ni Raz sa akin hanggang sa tuluyan na niyang bitawan ang kamay ko.

"You're no fun," he said pissed at nagpatuloy na sa kitchen.

I turned my heels and walked out of the house. Dumiretso ako sa parking lot. Nakakainis si Raz. Ganun ba siya kapag nalalasing? Ugh! Gusto ko nang umuwi. Ilang sandali pa, narating ko na rin ang kotse. Bubuksan ko na sana ang purse ko para kuhain ang car keys nang maalala kong naroon ito kay Kale. Oo nga pala siya ang nagdrive. Tawagan ko na nga lang siya. Aw. Di pwede wala pala akong number ni Kale. Hindi ko pa rin nakuha kanina.

Tiningnan ko ang malaking bahay nina Raz, hanggang dito dinig ang tugtog. Ayoko namang bumalik dun. Siguro hihintayin ko na lang si Kale dito.

Sumandal ako sa sasakyan ko habang nililibot ang mata sa paligid. Ako lang ang nag-iisang tao dito. Anong oras naman kaya uuwi si Kale? O may balak pa ba siyang umuwi? Paano kung gusto niyang patapusin yung party? Paano kung gusto niya pang makasama ang babaeng yun? Baka nga nakalimutan na niyang kasama niya ako dito. Kung nasa akin lang ba ang susi ng sasakyan ko, umuwi na ako. Nakakainis.

Standing there alone for the next few minutes, I already felt cold. I rubbed my bare arms with my hands hanggang sa iyakap ko na ito sa akin. Dapat nagdala ako ng cardigan. Nilalamig tuloy ako ngayon. Suddenly, I heard footsteps. And I could tell, papunta ito sa kinaroroonan ko.

And I was right dahil nang luminga ako sa kaliwa, nakita kong may papalapit sa aking lalaki. At nang sapat na ang lapit niya para makita ko ang kanyang mukha, I found out siya yung lalaki kaninang sumipol nang dumating kami ni Kale. I started to become uneasy. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking ito.

"Hi there," bati niya.

Geez, pati ang boses, may kakaiba.

I just ignored him and looked away. I heard him laugh.

All I Ever Wantedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن