• 25 •

3.4K 115 18
                                    

Kring. Kring. Kring.

Patuloy lang sa pagring ang phone ni Kale pero walang sumasagot. Pagkatapos ng ilang ring, nalipat na ulit ito sa voicemail. Pang-sampung subok ko na yun para tawagan siya. Pero lahat ay napupunta lang sa voicemail. Bakit hindi niya ba masagot ang cellphone niya?

One day and nine hours earlier...

Naghahanda si Kale ng lulutuin para sa lunch namin nang nilapitan ko siya.

"Hi," bati ko sa kanya.

"Hey."

Umupo ako sa upuan malapit sa kanya at pinanood siya sa ginagawa.

"Kale, may pupuntahan ka ba bukas?" bigla kong tanong sa kanya.

Tumango siya. "Lalabas kami ni Carmen bakit?"

I frowned. Sino nang makakasama ko bukas? "Darating kasi ang family ko this Sunday at iniisip kong paghandaan ang pagdating nila. I want to cook something for them."

"And you want me to teach you how to cook?"

Tumango ako. "Kung pwede rin sana magpapasama ako bukas na bumili ng kakailangin. Pero may plano ka na ata... kaya ok—"

"Anong oras mo ba balak mamili?"

"Four or five in the afternoon, maybe?"

"Sige sasamahan kita, lunchtime naman kami aalis ni Carmen."

"Really?" gulat kong tanong sa kanya.

Tumango siya.

I beamed. "Promise mo yan ah!"

"Promise."

Tumingin ako sa oras ng phone ko, fifteen past six. Dapat kanina pa kaming 5 pm pumunta ni Kale sa supermarket. Pero, hindi na nga nasunod dahil di pa rin umuuwi si Kale. At di ko rin siya macontact.

Sinubukan kong tawagan siyang muli. Nagring ulit. "Kale, sagutin mo please," mahina kong sabi, habang hinihiling na sana ay sumagot na siya sa tawag ko.

But he didn't. The call, once again, turned into his voicemail. Argh! Kale! Ano bang pinaggagawa mo dyan kasama si Carmen at di mo masagot ang cellphone mo?

I looked at his porch for the last time then let out a long and deep sigh. Fine! Mag-isa na lang akong aalis. Tumayo na ako mula sa bench at lumabas ng porch ko at naglakad papalabas ng gate.

Mabuti na lang at niresearch ko kagabi ang mga ingredients ng mga ihahanda ko para sa pagdating nina Mom bukas. Atleast, kahit wala si Kale, may ideya ako kung anu-ano ang bibilhin pero may ilan dun na hindi ako pamilyar.

Ano kayang itsura ng mga yun? Bahala na nga, siguro naman may mga nakalagay na pangalan para sa mga gulay sa supermarket.

"Ma'am, nandito na po tayo," sabi ng taxi driver.

Agad akong napatigil sa pag-iisip tungkol sa mga gulay at napatingin sa labas. Nasa labas na nga kami 

Tumingin ulit ako sa taxi driver sa rearview mirror, at halata sa mukha niyang medyo naiirita siya.

Bakit kaya? Ay! Di pa kasi ako bumababa. Naman Maika! Nasaan ang utak mo?

Binuksan ko ang pintuan ng taxi, hahakbang na sana ako papalabas nang magsalita si manong driver. "M'am, may nakalimutan po kayo!"

Nagkunot ang noo ko. "Ano po?"

"Ang bayad niyo po."

Ay! Oo nga pala. Ang bayad ko. Kaya siguro kanina pa masama ang tingin niya sa akin.

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now