• 16 •

3.8K 106 8
                                    

Pabalik-balik ang tingin ko sa entrance ng mall at sa relo ko. Sampung minuto. Sampung minuto pa akong maghihintay para sa pagbubukas ng mall.

Nandito ako ngayon sa katapat lang na branch ng McDonalds, ubos na ang pangalawang order ko ng coke float. I already ate spaghetti and burger before this so there's no need to worry about my health. Anyway, enough of that.

After I went for a jog, naisipan kong mag-mall. I know it was inappropriate to think of that. Like it was too early when I finished jogging. Idagdag pa dun na nakasweat pants pa rin ako at t-shirt. Pero ito lang ang naisip kong gawin para hindi makauwi ng bahay- ang mag-ubos ng oras sa mall.

I really don't know pero pagkagising ko kaninang umaga, natatakot akong harapin si Kale. Hindi ko kasi alam kung paano siya iaapproach pagkatapos ng nangyari kahapon. Hindi ko alam kung anong sasabihin kapag nagkita kami.

Kagabi, napag-isip-isip ko na maling isisi lahat kay Kale ang nangyari. He was right, he didn't know the guy, and even his girlfriend.

And it was Kale's nature if he didn't know things about his girls. I mean pangalan pa nga lang nila, nakakalimutan na niya, then what more yung ibang bagay tungkol sa kanila diba?

Pero kahit na ganun, may bahagi pa rin sa akin na hindi maiwasang di magalit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero ngayon issue na sa akin ang pagiging player niya. Ewan dati naman wala lang sa akin yun. Tinuloy ko pa nga ang pakikipagkaibigan sa kanya kahit nalaman ko na ang tungkol dun.

Pero nitong nagdaang mga araw, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako kapag nakikita kong nakikipagflirt siya sa mga girls. Bigla na lang nagiging bad mood ako. At isa pa, parang may bahagi ng puso ko ang nasasaktan. Pagiging makasarili man, gusto ko sa akin lang ang atensyon ni Kale. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? Ano ba ito?

Hay. Pero sa ngayon, gusto ko munang bigyan ang isa't-isa ng panahon... ng space... para mag-isip. Lalo na ako, gusto kong malaman kung bakit nagkakaganito ako. Kung bakit ko nararamdaman ang mga bagay na ito.

Natapos na ang sampung minuto at nagbukas na rin ang mall sa tapat. Tumayo na ako. Grabe tatlong oras din akong naghintay dito at naupo. Pagkatapos kong icheck wallet ko sa bulsa ng aking sweat pants, lumabas na ako ng McDonalds.

Mali ata ang napuntahan ko. Sabi ko nandito ako para iwasan si Kale, para bigyan ang sarili ko ng space at time para masettle man kung ano ang gumugulo sa damdamin ko. Pero bakit ganun, kahit saan ata ako tumingin, naaalala ko si Kale.

Kanina, ilang matangkad na lalaki ang napagkamalan kong siya. Tapos meron akong kasunod na tinawag ang pangalan niya, napalingon ako kasi akala ko nandito rin siya, yun pala katunog lang at babae pa yung tinawag. At ngayon, nasa harap ako ng photobooth kung saan kami nagpapicture suot ang couple shirt at kung saan... hinalikan niya ako sa pisngi.

I felt my cheeks blush at that memory. Ugh! I needed to clear my thoughts pero bakit mas gumulo pa ata ang isip ko? Anong gagawin ko?

I walked away and went to the bookstore.

Inabala ko ang sarili sa pagtingin ng mga libro. From novels to educational books to magazines, lahat tiningnan ko. It took me almost an hour to wander at the bookstore. Since wala naman akong nakitang bibilhin, lumabas na lang ako.

Where to next? Supermarket.

Meron pa namang stock ng pagkain sa bahay pero gusto ko pang magtagal dito kaya naman maggogrocery ako. Kumuha ako ng basket at nag-umpisa ng maglibot.

After thirty minutes, wala pang masyadong laman ang basket ko.

Puro lang gamit panligo like shampoo, conditioner and soap. Wala naman kasi akong mabili. Paalis na ako sa soap section nang may nagkalat na tissue sa dadaanan ko. At meron akong nakitang lalaking nagpupulot ng mga ito.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon