• 11 •

4.1K 123 10
                                    

Kiss her.

Paulit-ulit ang mga salitang yun sa isipan ko. We were still here outside the grocery shop, seemed like the three of us were in some kind of a staring game. Ako at si Sofia. Si Sofia at si Kale. Si Kale at ako. Paikot-ikot lang ang mga mata namin sa isa't-isa.

Nang wala pa ring nagsasalita, si Sofia na ang nauna.

"You couldn't do it Kale, could you?" she asked challengingly while placing her hands on her hips.

Inalis ni Kale ang kamay mula sa balikat ko. Akala ko sasabihin na niya kay Sofia ang totoo. Na nagloloko lang siya tungkol sa akin. Na hindi niya ako magagawang halikan dahil wala namang 'kami'.

Pero nang hawakan ni Kale ang magkabila kong balikat at pilit na iniharap ako sa kanya, kinabahan na ako. Bakit pakiramdam ko may gagawin siyang di ko gusto? Mas nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti na siyang lumapit sa akin.

I wanted to push him away, swear. But I just couldn't. My whole body froze and just waiting for him to do what he was planning to do with me. Promise, parang nag-slow motion ang lahat. When he held my chin with a hand, lifting my face up. When he looked alternately at my eyes and down to my lips. When I heard Sofia scoffed.

Hanggang sa ipikit ko na lang ang mga mata dahil di ko na makaya ang iba't-ibang emosyon na nararamdaman. Kale was going to kiss me! At wala akong ginagawang paraan para pigilan siya kundi ang pumikit. Kale cupped my cheeks with his hands.

I knew he was too close because I could already feel his breath on my face, particularly on the side my lips. And I knew if I move, just a single move, our lips would touch. So I remained like a statue.

Pero dinig na rinig ko nang bumulong si Kale sa akin, "After I count to three, we're gonna run, okay?"

I stayed still in my place but I bit my lip. Sana lang magets ni Kale na ang ibig sabihin nun ay narinig ko ang sinabi niya.

And then he started to count quietly, "One, two, three."

And we ran. Away from the grocery shop. Away from the screaming Sofia. Away from Sofia's challenge.

Nang makalayo-layo na kami ay tumigil din kami sa pagtakbo ni Kale. Buti na lang at nakaheels si Sofia, di niya kami nagawang habulin.

"Di ako makapaniwala na dinate mo ang tulad niya," sabi ko kay Kale habang humihingal pa rin.

"Hindi ko siya dinate."

"Eh di fling," sabi ko ulit.

"Pwede ba wag na natin siyang pag-usapan?" pakiusap ni Kale.

Tumango na lang ako kahit na gusto ko pang sumbatan si Kale dahil sa babaeng yun. Nakakainis.

Sino ba siya para sabihan kami kung anong gagawin? At ito namang si Kale, dinamay-damay pa ako sa problema nila ng babaeng yun.

"Hey, Maika," narinig kong tawag ni Kale.

"Huh?"

"Wala ka na bang balak umalis dyan? Halika na umuwi na tayo."

That got me back to reality. Fine! Palalagpasin ko na lang ang nangyaring 'to. No harm done naman, diba? After all, there was no kiss.

o0o0o0o0o0o

To jog or not to jog?

Kanina ko pa tinatanong yan sa sarili. Pabalik-balik akong naglalakad sa kuwarto habang panay ang tingin sa salamin. Mukha naman akong disente sa suot ko. Ano bang pinoproblema ko? Hay. Hindi lang naman ito ang unang beses na magsusuot ako ng sporty shorts sa pag-jogging.

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon