• 14 •

3.9K 105 6
                                    

"You don't have to go," umagang umaga ay yan ang bungad sa akin ni Kale nang makalabas ako ng pintuan .


"Good morning too," I told him mockingly.

"Uh yeah, good morning," he greeted as he scratched his head.

I just rolled my eyes. Hay, araw-araw na lang niyang pinapaalala sa akin na okay lang na wag pumunta sa party ni Raz. At ngayon nga na dumating ang Friday, hindi pa rin siya tumitigil sa pagpapaalala.

"Bakit ba ayaw mong pumunta ako dun?" tanong ko kay Kale tapos ay naglakad palabas ng porch.

"Hindi naman sa ganun, Maika," sagot niya. "But we both know that partying is-"

"Is not my thing," I finished for him with a sigh. "Pwede mamaya na natin ito pag-usapan?" tanong ko sa kanya. "Kailangan ko pang mag-jogging."

Tumango si Kale. "Sure, later."

Pagkasabi niyang yun ay lumabas na ako ng bahay at tumakbo.

He was right. Partying is not really my thing. Pero nang mga nagdaang mga araw, pinag-isipan kong tanggapin ang alok ni Raz. Just a night lang naman diba? I mean, soon I'm gonna start college and sure mas mawawalan ako ng dahilan para iconsider ang ganitong bagay. But since, summer vacation pa lang, bakit hindi ko itry na pumunta? Just for experience. Para masabi ko naman, na once in my life, I've tried to party with teenagers.

After an hour, nagsimula na kong magjog pabalik ng bahay. Nang makarating na ako, may breakfast ng nakahanda sa dining table. Actually, mula nang ma-sprain ako hanggang ngayon, si Kale na ang nagluluto ng pagkain naming dalawa. At dahil nasanay na ako sa ganitong set-up, hindi ko na na-open pa kay Kale ang tungkol sa pagtuturo niya sa akin na magluto.

"Kain ka na," sabi ni Kale nang mapansin niyang dumating na ako. Kanina pa kasi nakatingin sa cellphone niya at abala sa kung anumang pinagkakaabalahan niya.

Humila ako ng upuan at umupo dito.

"Ikaw, di ka pa ba kakain?" tanong ko kay Kale habang inaalis ang takip ng mga pagkain na nasa mesa.

"Sa labas na lang. Aalis din ako eh," sagot niya.

"Huh? Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sasamahan ko si Raz na bumili ng mga kailangan para sa party mamaya."

Tumango ako. "Ah, Kale, tungkol pala dun," sabi ko. "Pupunta ako."

He nodded. "Okay."

I furrowed my eyebrows. "Okay?"

Tumango ulit siya. "Yeah. Okay."

Seriously? I mean papayag na lang siya ng ganun? Wala ba siyang sasabihin para pigilan ako? Ilang araw din niya kong sinabihang wag pumunta sa party tapos ngayon... Ugh! I really don't understand him.

"Okay lang sayo na pumunta ako?" ulit kong tanong.

"Yes, why not?"

"Why not?" I asked back. "Come on. Ilang araw mo din akong pinaalalahanan about the party and now, pumapayag ka na?"

He nodded. "It's your life Maika. Kahit anong sabihin ko kung gusto mo talaga, wala rin naman akong magagawa diba?"

He has a point.

"And I guess alam mo na kung anong makikita dun?"

Oh yeah. Alcohol. Loud music. Drunken teenagers... and the list goes on. But I could still party without drinking, right?

All I Ever WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon