• 39 •

3.6K 96 6
                                    

Hindi ko talaga alam kung anong balak ni Kale, o kung anong ipapagawa niya sa akin. Ang alam ko lang ay may deal kami, at sinisingil niya na ako sa premyo niya doon. 

Pero gustong-gusto ko na talagang tanungin siya kung anong gagawin namin pero hindi na ako nag-abala pa dahil alam ko namang hindi niya sasabihin.

Umaga pa lang ay halatang good mood na si Kale. Maaga siyang nagluto ng breakfast, hindi siya umalis ng buong umaga pero pagkatapos ng lunch ay nagpaalam ulit siya.

At that, I was hesitant to give him permission to go, kahit alam ko namang wala akong choice. It was as if I could do anything kung sasabihin kong wag nang umalis si Kale. Wala lang. Naalala ko lang nung mga nakaraang araw.

At natatakot ako na baka hindi siya bumalik. Paano kung indyanin niya ako? Hay, malilintikan talaga siya sa akin kung nagkataon.

"You'd be back on time, right?" paninigurado ko kay Kale. He was still standing right in front of the sofa where I was sitting. At mula nga nang magpaalam siya ay hindi pa ako sumasagot, ngayon pa lang.

Tiningnan niya muna ako ng mayroong nagtatakang ekspresyon sa mukha niya bago sumagot, "Yes, of course. Bakit mo natanong?"

Umiling ako. "Wala naman. Baka mamaya, paghintayin mo ko e."

"Maika, I won't do that. At seven, will pick you. Remember to wear a dress, okay? Can't wait to see you on it. Till later."

*

Ten minutes before seven, I was already in the living room, waiting for Kale. Of course I wore a dress like what he constantly reminded me. At sa kakaunting dress na nadala ko dito, this dress was the nicest.

But with how stylish Kale was, hindi ko alam kung anong magiging tingin niya sa suot ko. Hay, Maika. Tama na ng aang pag-iisip. You look okay. And that's enough.

Nang saktong seven na sa orasan sa may dingding ay biglang tumunog ang cell phone ko. Sinagot ko iyon nang makita ang pangalan ni Kale sa screen.

"Hi, Maika. Are you ready?"

"Yes. Nasaan ka na ba?"

I heard him laugh. "You're really excited to see me, huh?"

I rolled my eyes kahit pa alam kong hindi naman niya iyon nakita. "You said you'd be here at seven."

"Yeah, that's why I called. Labas ka, may nakaparadang sasakyan sa tapat ng gate."

"Huh? Hin-" At hindi pa ako natatapos nang putulin na ni Kale ang tawag. Hay. Grabe. Balak ko pa man din sanang itanong kung bakit hindi na lang 'yung sasakyan ko ang ginamit namin.

Ano naman kaya ang pakulo ni Kale? Tumayo na ako at inabot ang pouch sa center table saka ni-lock ang bahay at lumabas. Pagkalabas ko ng gate ay nakita ko nga ang isang sasakyang na nakaparada sa tapat. Lumapit ako doon.

I shot my brows up. Bakit parang wala naman si Kale? Balak ko na sanang tawagan siya para tanungin kung nasaan niya nang biglang bumukas ang pintuan ng driver's side at mula doo'y mayroong lumabas.

But it wasn't Kale.

"Hi, Maika."

"Raz?" nagtatakang tanong ko. "Anong... Bakit-"

"Kale asked me to pick you up. That's why I am here, your chauffeur for the night. So, are we ready to go?"

Kahit na nagtataka pa rin sa nangyayari, tumango na lang ako. Pinagbuksan naman ako ni Raz ng pintuan sa likuran. Nang makapasok na ako sa loob ay saka pa lang siya sumakay na rin at pinaandar ang sasakyan.

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now