Kabanata 1

84 28 37
                                    

KABANATA 1

Atasha's POV

Elias and I are on our way home now because our reunion is over. We stayed there for two hours as well, because we also celebrated the engagement of Wildrich and Kazimie. Hindi ko maiwasang mainggit kay Kaz habang kinakausap ko siya kanina, dahil kitang-kita ko ang kanyang kasiyahan sa sorpresang proposal ni Wildrich. Hindi niya ito inasahan dahil akala niya ay aasikasuhin muna ni Kaz ang kanyang kontrata sa fashion company bago sila magplano ng kasal.

Habang nakikinig ako sa kanyang kwento, hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit, dahil alam kong matutupad na ang kanilang matagal nang pangarap. Bigla akong napaisip at nagtanong sa aking sarili tungkol sa amin ni Elias. Kailan kaya niya planong mag-propose sa akin?

Sa totoo lang ay mas matagal pa ang naging relasyon namin ni Elias, kumpara sa naging relasyon ni Kaz at Wildrich. They have been together for seven years, yet they are already engaged. Many, including some old friends, have been asking when Elias and I will take the next step in our relationship as if marriage is the final piece to complete our bond.

Some are speculating that maybe proposing isn't in Elias's plans, which is why we're not engaged yet. Some suggest that perhaps we're not meant for each other, hence the lack of progress towards engagement. Such comments have shaken my self-confidence.

Kaya ngayon, tahimik lang ako habang nasa byahe kami pauwi. Nawalan ako ng gana makipag-usap kay Elias, hindi ko alam kung nagtatampo ba ako o nadismaya sa nangyari kanina. Akala ko kasi, ito na ang moment ko.

Tahimik lang ako, hindi makasagot sa mga tanong ni Elias. "May problema ka ba?" tanong niya. Gusto ko sanang sumabog at sabihin sa kanya ang lahat ng hinanakit ko sa pagpapaasa niya, ngunit pinili kong manahimik.

"Shang, hindi ka ba talaga magsasalita? Kanina mo pa akong hindi pinapansin," dagdag pa niya.

Nag-irap ako at kibit-balikat lang ang isinagot. Hindi na kita kailangang pansinin! Hanap ka na lang ng ibang kausap mo! Nakakainis ka!

Pero mukhang hindi kinaya ni Elias ang pagdedma ko, kaya bigla niyang itinabi ang sasakyan at hinawakan ang braso ko, paharap sa kanya.

"Ano ba!" sigaw ko, kasabay ng pag-irap ng matindi.

"Ano ba talaga ang problema mo, Shang?" Tanong niya, halata ang pagkainis sa boses niya.

"Bakit mo ako dinala doon? Para ipamukha sa akin?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagbitaw ng mga salitang iyon.

Nagulat siya, at lumitaw ang pagtataka sa kanyang mukha. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya, magkadikit ang mga kilay. "Ipamukha? Ano'ng sinasabi mo?"

"Wala," sagot ko, umiiwas ng tingin.

Narinig ko siyang huminga ng malalim. "Umasa ka ba?" tanong niya bigla, na nagpahinto sa akin at napatingin sa repleksyon ko sa bintana ng kotse. "Sabihin mo nga? Iyon ba ang dahilan kung bakit ganyan ka?"

Tumawa ako ng mapait bago siya hinarap. "Oo, Elias, umasa ako! Dahil hindi mo sinabi sa akin na reunion pala ang pupuntahan natin. Bakit kailangan mong magpa-misteryoso kanina?"

"Hindi mo ba talaga naintindihan?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Shang, ginawa ko iyon para sorpresahin ka."

Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala sa sinabi niya na para bang isang biro lang ito. "Ano ba talaga?! Para sorpresahin ako? Seryoso ka ba?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ipinakita ko na ang inis ko sa kanya. "Walang nakakatuwa sa reunion. Ang babaw ng dahilan mo," sabi ko pa.

Napahilamos siya sa kanyang mukha, tila ba pati siya ay nagsisimula nang mairita. "Shang—"

"Magmaneho ka na. Gusto ko nang umuwi," pagputol ko sa sasabihin niya.

Lost in the Maze: Elias de MarcelWhere stories live. Discover now