Kabanata 12

45 5 0
                                    

KABANATA 12

Atasha's POV

Nasa ground floor na kami ni Elias at palabas na ng building nang mapatigil siya at may kung anong kinakapa sa kanyang bulsa. Tumigil din ako sa paglalakad at tiningnan siya, nagtataka.

Maya-maya ay tumingin siya sa akin, "Fuck! I forgot my keys."

"Babalik pa ba tayo sa condo? Hindi ko rin dala ang susi ng kotse ko," sabi ko, na nagdulot ng pagkakunot ng noo niya sa inis.

"Hindi na, ako na lang ang babalik. Hintayin mo na lang ako sa lobby," sabi niya kaya naman bumalik kami sa loob ng building. "Saglit lang ako," dagdag niya bago siya tumalikod at umalis.

Pinanood ko si Elias hanggang sa makapasok siya sa elevator at tuluyang magsara ito. I sat on one of the chairs lined up in the lobby and took my phone for a moment to send some details to Uncle Henry about Jocelle. I want to know more about her background and where she came from. I have a strong suspicion that she wasn't born in France, and I want to know her true intentions for approaching Elias.

I have a serious hunch that Jocelle planned everything to get close to Elias. Since last night, I've been troubled by something that I realized, especially since the day Elias didn't return to our condo.

I know Elias better than Jocelle, and if there's anyone I should be suspicious of, it's none other than Jocelle. Her sudden appearance on the scene is puzzling, and also, Elias doesn't just go to the bar alone once, especially when we have disagreements.

Even when he's drunk, he always makes sure he can get home to the condo because he knows I'll look for him. I have a gut feeling that Jocelle planned this, especially their one-night stand. What does she want? Money? It wouldn't be surprising given the de Marcel family's reputation. Is Jocelle this determined to seduce Elias?

After sending the email to Uncle Henry, I immediately dialed his number. He didn't let it ring twice before answering. "Check your email, I already sent it. Please do it as soon as possible. I need to contain the poison before it spreads," I said.

"Don't worry, I'll take care of it right away," he replied seriously, and our conversation didn't last long because he seemed busy as well.

Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga bago ko itinago ang cellphone sa bag ko at saka tumingin sa entrance ng building. Habang sinisipat ko ang bawat taong pumapasok at lumalabas, isang pamilyar na pigura ng isang babae ang nakakuha ng pansin ko. Agad na kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ko siyang nagmamadaling patungo sa elevator.

Nakita ko pa kung gaano katamis ang mga ngiti sa mga labi niya habang papasakay siya ng elevator. Mabilis na kumuyom ang kamao ko at mabilis akong tumayo, hinintay kong magsara muna ang pinto bago tuluyang lumapit. Tiningnan ko ang itaas ng elevator upang alamin kung saang palapag siya pupunta.

Naging matunog ang pag-ngisi ko nang makita kong sa 10th floor siya pupunta, kung saan naroon ang unit namin ni Elias. Wala ka talagang kadala-dala, Jocelle Sadejas.

Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago ako tumungo sa isa pang elevator at agad na sumakay. Tahimik kong pinindot ang 10th floor. Ilang minuto lang at bumukas na ang pinto, kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagmadali akong lumabas.

Tanging ang malakas na tunog ng takong ko ang maririnig sa hallway ng 10th floor, dahil sa pagmamadali. Nang makita kong malapit na ako sa unit namin, agad kong narinig ang pagbukas ng pinto. Napahinto ako nang makita kong pumasok si Jocelle, lalo na nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pintuan.

Nanginig ang kamay ko at mahigpit kong hinawakan ang bag ko. Akmang hahakbang na sana ako palapit nang biglang bumukas ang pinto nang mabilis. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong palapag dahil sa lakas ng pagkakabangga ng pinto sa pader.

Lost in the Maze: Elias de MarcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon