Kabanata 18

56 6 3
                                    

KABANATA 18

Atasha's POV

Sa kahabaan ng highway habang pauwi ay naging matulin ang pagmamaneho ko, seryoso at nakatuon lamang ang atensyon ko sa kalsada. Until now, I still can't believe the words he uttered because I never expected that he felt that way towards Jocelle. When his last words resonated in my mind again, my grip on the steering wheel tightened even more.

In a moment of emotion, I quickly pulled over the car to the side. Almost in a trance, I looked at Elias from my side as he peacefully slept due to intoxication. As I stared at him, I couldn't help the tears that flowed from my eyes. Questions flooded my mind immediately.

How could you do this to me, Elias? Nagkulang ba ako sayo? How dare you be attracted to another woman? Wala kang karapatan na maakit sa ibang babae, dahil ni minsan hindi ko nagawang maakit sa ibang lalaki. You are being so unfair!

I just let my tears flow, burying my face in the steering wheel and softly sobbing. Sa loob ng apat na taon, wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin lang si Elias. Hindi ako lumilingon sa ibang lalaki dahil ipinangako ko sa sarili ko na siya lang ang mamahalin ko, mula simula hanggang wakas. Kaya't ginawa ko ang lahat para mapanatili ang relasyon namin.

Kahit puno ako ng pag-aalinlangan sa mga plano niya para sa kinabukasan namin, hindi iyon naging hadlang para magsawa ako sa kahihintay. Kahit maraming nagsasabi sa akin na bakit hindi na lang ako pumili ng iba, yung may katiyakan, yung handang magpakasal at hindi na patatagalin pa ng halos labing-apat na taon. Ngunit hindi ko magawa, dahil si Elias lang ang tanging gusto kong makasama, wala nang iba.

Ngunit ngayon, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung magpapatuloy ba ako kahit na alam kong maaaring magbago na ang damdamin niya. Ngunit iba ang sinasabi ng puso ko, gusto pa rin nitong lumaban, gusto pa rin nitong magpatuloy kahit na alam kong may posibilidad akong masaktan.

Ganun naman talaga, 'di ba? Hangga't mayroon pa akong pinanghahawakan; gusto ko pa ring lumaban. Kaya kong magtiis dahil umaasa akong babalik rin kami sa dati. Alam kong ito ay isang pagsubok lamang at hindi ako maaaring basta-basta sumuko. Ayaw kong isuko ang mahabang panahon ng aming pagsasama.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa lugar na iyon bago ako tuluyang nagmaneho pauwi. Pagkakaparada ko, ginising ko siya, "Elias? We're here! Wake up!" inuga ko siya. "I can't lift you up," mahinang sabi ko habang tinatapik ang kanyang pisngi.

Makalipas ang ilang sandali, unti-unti siyang nagmulat at tumingin sa akin, "S-Shang?" mahinang tugon niya. Ngunit isang ngiti lamang ang isinukli ko bago ako bumaba mula sa upuan ng driver seat.

"Careful," sabi ko habang tinutulungan siyang bumaba mula sa kotse. Mabuti na lang dahil hindi niya ako pinahirapan.

Bagamat mabigat si Elias; hindi ko na pinansin iyon. Tinanggal ko na lang ang suot kong sandals at nagpatuloy na lamang na naglalakad nang nakayapak habang inaalalayan siya. Inilagay ko ang kanyang braso sa aking balikat at hinawakan siya sa baywang bago kami nagsimulang pumasok sa building.

Hanggang sa marating namin ang elevator, nahirapan akong pindutin ang 10th floor dahil sobrang bigat ni Elias. Kulang na lang ay matumba siya sa sobrang kalasingan. Pero hindi ko pa rin pinansin ang hirap, hanggang sa maabot namin ang unit. Dahan-dahan ko siyang binitawan at pinaupo sa mahabang sofa sa living room. Ngunit agad din siyang natumba at tuluyan na nakatulog. Napabuntong hininga na lang ako at napailing.

Tinanggal ko ang kanyang sapatos at medyas bago ko siya inayos sa pagkakahiga sa sofa, para hindi siya mahulog. Inalis ko rin ang kanyang necktie, pati na rin ang relo at cellphone na nasa bulsa niya. Pagkatapos, kinuha ko ang aking bag na nahulog kanina sa sahig. Saka ako umakyat sa taas para kumuha ng unan at kumot. Napakalamig sa living room lalo na kapag ganitong oras ng gabi.

Lost in the Maze: Elias de MarcelWhere stories live. Discover now