CHAPTER 1

88 6 4
                                    

BABALA:Kasama sa sumusunod na artikulo ang mga paglalarawan ng mga sitwasyon ng sekswal na karahasan!

"Ma, may meeting po kami mamaya. May surpresa po ako sa inyo ni Papa!" masayang masaya kong ibinalita kay Mama pagdating na pagdating ko pa lang galing sa eskwela. Kinuha ko ang kamay niya para magmano pero parang hindi niya yata gusto kasi agad agad din naman niya iyong inalis sa noo ko.

"Naku, Beeyah Trizz may meeting din mamaya ang Ate Britney mo," medyo tamad niyang tugon.

Inilapag ko sa mesa namin sa sala ang bag na dala dala ko tsaka muling lumapit kay Mama.

Ngumuso ako, "Sige na nga po sasabihin ko nalang sa inyo para sigurado na a-attend kayo!" tinabihan ko si Mama pero tumayo naman siya at tumungo sa kusina namin.

Sigurado bad mood lang ito ngayon pero once na malaman n'yang with high honor ako siguradong matutuwa siya!

Sumunod ako sa kanya at hinarang ko siya para sabihin ang surpresa ko, "Mama, with high honor po ako!" buong sigla kong sabi.

Tumigil siya at tiningnan ako ng seryoso, "With high honor? Eh ang Ate Britney mo nga with highest eh," tugon niya na wala man lang reaksiyon sa sinabi ko.

Dumating si Papa galing sa trabaho. Driver siya sa isang private company sa Cavite. Nagulat nga ako at maaga s'yang umuwi ngayon. Sigurado, matutuwa siya kasi with high honor ako ta's si Ate with highest!

Agad-agad ko s'yang sinalubong ng ngiti at kinuha ko ang kamay niya para magmano pero katulad ni Mama ay ayaw din yata ni Papa.

Ayos lang sa'kin 'yon, naiintindihan ko naman sila, baka pagod lang.

"Papa, may surpresa po ako sa inyo! Pero bago niyo po malaman eh kailangan niyo munang pumunta sa meeting mamaya!" sambit ko habang hinihigit ang upuan.

Napakunot ang noo nito, "Ano ba 'yon?" kuryoso niyang tanong.

"Surprise nga po, um-attend nalang po kayo mamaya sa meeting namin," sabik na sabik kong tugon.

"Meeting? May meeting din mamaya ang Ate mo eh at alam mo ba with highest honor siya!" aniya na abot tainga ang ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha.

"Po? Akala ko po si Mama ang a-attend kay ate?" medyo malamya kong tanong.

"Hindi p'wede dahil nag-promise na ako sa Ate mo. P'wede mo pa rin naman makuha ang awards mo kahit na walang a-attend sayo," ani Papa sa mahinang tono. Lumapit si Mama sa amin at inabot nito ang kapeng itinimpla niya para kay Papa.

"Pero Pa, with high honor po ako!" pabida ko pa.

Tiningnan ako ni Mama ng masama.

"Ah ganon ba? Sige titingnan ko kung makahabol kami sa meeting mo," sagot ni Papa na talagang nagpasaya sa'kin.

"Talaga po?! Salamat po Papa!" nang dahil sa sobrang tuwa ay napayakap pa ako kay Papa.

Nagluto nga pala ngayon si Mama ng paborito naming chicken adobo ni Ate Britney.

"Wow bango ahhh!.. sigurado maraming kanin ang mauubos ko nito" sambit ko habang inaamoy amoy ang napakabangong nilutong adobo ni Mama.

"Anong marami? wala ng natira kaunti lang niluto ko eh, magluto ka na lang Beeyah," ani Mama habang inilalagay sa tupper ware ang lahat ng niluto niya.

"Ahhh..." ani ko at pilit paring ngumiti. Huminga ako ng malalim saka nagsalita, "Okay po Ma!"

Lumabas na sila Mama at sumunod ako sa kanila para isarado ang pinto.

"S'ya nga pala yung labahan do'n sa laundry basket paki-labhan na lang kasi uniform 'yon ng Ate mo. Gagamitin niya sa lunes, kamayin mo na lang dahil sayang ang kuryente," habilin ni Mama habang papasok sa loob ng van. Van lang iyon ng kompanyang pinagtratrabahohan ni Papa.

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now