CHAPTER 2

51 4 0
                                    

Binuksan ko ang alkansiyang pinag-iipunan ko sa loob ng mahigit dalawang taon narin. Ibibili ko sana ng ipangreregalo ko kay Mama sa ika-fifty birthday niya ang laman ng alkansiyang iyon.

Inimpake ko na ang iilan sa mga damit ko. At pagkatapos nun ay sinumulan ko na ang pagsusulat ng liham na iiwan ko sa pamilya ko.

Dear:Mama, Papa and Ate,

Kayo po ang buhay ko! Salamat po sa pagpalaki sa'kin Ma, Pa. Salamat po sa lahat lahat ng sakripisyo niyo! Sorry po sa gagawin ko Ma, Pa! Mahal na mahal ko po kayo! Huwag na po ninyo akong alalahanin dahil kaya ko naman po ang sarili ko. Mag-iingat po kayo palagi! Patawad po at paalam!

Nagmamahal;Beeyah,

Nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko habang sinusulat ang bawat letra sa liham na iyon.

Pero alam ko, alam ko na kahit anong gawin kong pag-iyak ay wala din namang mangyayari.

Kailangan kong maging malakas, kailangan kong lumaban!

Inilagay ko ang sulat na iyon sa mesa na nasa tabi ng kama ko. Alam ko na agad naman nila itong makikita pagdating nila galing sa graduation day ni Ate.

Actually recognition ko rin naman ngayon pero alam kong maiinggit lang ako sa mga kaklase ko, kaya ayaw kong pumunta. Maiinggit kasi may sasabit ng medalya sa kanila, samantalang ako wala.

Ang maglayas ang tanging paraan na naiisip ko para maging okay ang lahat. Naisip ko rin na ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko. At muntik ko nang gawin 'yun pero nanaig sa'kin ang kosensya. Walang kasalanan ang inosente at biktima lang din.

Kahit sobra sobrang sakit, pinilit ko! Dahil ayaw kong bigyan ng kahihiyan ang pamilya ko.

Tinali ko ang nakalugay kong buhok na hanggang baywang. Huminga ako ng malalim at humarap sa salamin, "Kaya mo 'to Beeyah!" sambit ko sa sarili.

Binitbit ko na ang backpack bag ko na ang laman ay puro damit lang. Nagsuot narin ako ng hoodie dahil dis-oras na nang gabi.

Bawat yapak ko ay naaalala ko ang masasayang alaala namin ng pamilya ko sa bahay na ngayon ay lilisanin ko na. Napapakagat nalang ako sa aking labi upang pigilin ang pagbagsak ng mga luha ko.

Ayoko ng umiyak, namumugto na ang mga mata ko.

Parang tumitigil ang mundo ko habang naglalakad palayo sa bahay namin. Deri-deritso lang ako sa paglalakad sa isang madalim at tanging tahol lang ng mga aso at tunog ng mga kuliglig ang naririnig ko. Wala naring mga motor at sasakyan ang dumaraan at halos tulog narin ang lahat ng tao.

Ni kahit anong takot ay wala akong nararamdaman ngayon. Sa tingin ko, sa mga oras na ito ay ligtas ako. Walang sinoman ang makakapangbaboy sa akin.

Mangilang beses akong tumigil sa bawat lugar na p'wede kong mapagpahingahan.

Sa totoo lang gusto kong maglakad nang maglakad hanggang sa marating ko ang pinakadulo ng kalye, gusto kong mamahinga doon.

Saan ba ang dulo? Nakakapagod na!

Napatingala ako sa kalangitan kung saan nagniningning ang mga bituing gusto kong abutin. Nakakainggit silang tingnan, ang layo layo nila sa problema!

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad dahil parang bubuhos na ang ulan.

Uulan kahit ang daming bituin sa kalangitan?

Sa paglalakad ko'y nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko ang pera na nasa pitaka ko 'hindi pa ako pwedeng kumain'

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at may isang tunog akong narinig 'tunog ng sasakyan'

Tumabi ako at nagpatuloy lang ako ulit sa paglalakad.

Isang pula na sports car ang biglang tumigil sa gilid ko, hindi ko nalang ito pinansin at deri-deritso lang ulit ako sa paglalakad dala dala ang medyo may kabigatang bag.

Ilang saglit pa'y umandar din ito at tumigil ulit sa gilid ko.

Tumigil ako sa paglalakad para silipin kung sino ba yung nasa loob nun pero hindi ko makita dahil itim ang salamin ng bintana pero ilang saglit pa'y bumukas ito.

Kitang kita ko ang mukha ng nakasakay doon.

Isang lalaking nakasuot ng unipormeng pang pulis, nakatitig siya sa'kin.

Bigla nalang akong kinabahan nang makita ko siya.

Hindi kaya nahuli na ang mga suspek na gumahasa sa'kin?

Hindi, imposible! Ni isa nga ay walang nakakaalam!

Ni isa'y wala akong mapagsabihan.

Ni isa'y walang nakakaalam na itong puso ko'y durog na durog at pinipilit kong mabuo!

Hindi ko nalang siya pinansin at inalis ko na ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.

Kikik!

Kikik!

"Miss!" tawag niya at tila nagpa-estatwa sa'kin. Takot at kaba ang aking nadarama tsaka dahan dahang lumingon.

Ilang sandali naman at bumukas ang pinto ng kotse at bumaba siya mula rito.

Halatang propesyonal siya kung maglakad. Napansin ko rin ang taas niya na siguro ay mga nasa 5'8, hanggang balikat lang yata ako.

Nang makalapit siya sa'kin ay mas naging malinaw ang mukha niya kahit na medyo madilim na.

May hitsura siya, matangos ang ilong, manipis at mapula ang kanyang labi, maputi, medyo may pagkasingkit ang kanyang mga mata, at undercut ang style ng kanyang buhok.

"Miss, okay ka lang?" tanong niya na nagpagising sa'kin mula sa pagkakatulala.

Kumurap ako ng dalawang beses, "Ha? Ah opo...sir!" hindi siguradong sagot ko.

Ngumiti siya at dahil do'n ay lumabas ang malalim niyang dimple, "Bakit nasa labas ka pa? Gabi na ah," awtorisadong tanong niya.

"Oh Beeyah gabi na ah, anong ginagawa mo dito?"

"Diba mga pare gabi na?"

Muli kong naalala ang gabing iyon! Pilit kong kinakalimutan pero hinding hindi talaga.

Siguro makakalimutan ko lang iyon kapag tumigil na sa pagtibok itong puso ko at hindi na gumagana ang utak ko...Pagwala na ako dito sa mapanakit na mundo!

"Miss, okay kalang? Ang lalim yata ng iniisip mo," tanong niya at sinipat-sipat pa ako nito ng mahina.

Pinilit kong ngumiti sa kabila ng bumabagabag sa isipan ko, "Opo!" tipid kong sagot.

"Okay!" tumango siya. "Saan ka nga ba pupunta?"

Napakagat ako sa labi ko, hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta.

Hindi rin naman nagtagal at nakaisip din agad ako ng sagot, "Ah diyan lang po malapit lang!" sagot ko at tumuro doon sa unahan ng kalsada para ituro na doon lang.

"Oh sige tara hatid na kita!" alok niya at sumilay sa kanyang mga labi ang isang ngiti.

Ngumiti ako, "Hindi na po sir, okay lang!" pagtanggi ko.

"No, it's okay!" tiningnan niya ang oras sa relo n'yang suot," Gabi na baka anong mangyari sayo dito sa labas, "aniya at inikot ang paningin sa paligid.

"Hmm okay lang po talaga sir!" pangungumbinsi ko ulit.

"Ah okay, "ngumiti ngiti siya na parang may nalaman siya tungkol sa'kin, "Don't worry mabuti akong tao. I think nag-aalala kalang, Aiden Luis Chavez nga pala!" nakangiting inilahad niya ang kamay niya sa'kin.

Hindi ko agad iyon tinanggap dahil medyo nabigla ako. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakangiti parin siya sa'kin kaya nakipagkamay narin ako.

"Beeyah Trizz!" pagpapakilala ko rin sa sarili ko.

"Ano, sabay ka na sa'kin?"

"Ah hindi po, okay lang po talaga ako!" pagtanggi ko ulit.

Bigla na lang pumatak ang kaninang nagbabadyang ulan at kasabay nito ay ang malakas na kulog.

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now