CHAPTER 4

64 4 0
                                    

Nakasuot siya ng  loafer and classic heels na siguro'y  mga nasa 4 inches ang taas.Black skirt ang suot niyang pang-ibaba at white blouse with black blazer ang pang-itaas.Maysuot din siyang wrist watch at bitbit-bitbit ang satchel bag na color pink.

Mataas ito,mabilog at itim na itim ang mga mata,sakto lang ang ilong,mapula ang labi,at katamtaman lang ang puti.

"Good morning Ma'm Vigne!"agad agad na bati sa kanya ni Ate Alex.

Ngumiti ako sa kanya at yumuko ng kaunti.

In-enterview niya ako pero medyo hindi siya nakumbinsi na e-hire ako dahil under age pa nga raw ako.Pero sa tulong ni Ate Alex ay nakumbinsi din si Ma'm Vigne na tanggapin ako.

Four hundred fifty pesos ang sahod ko araw-araw.Stay in sa boarding house nila at libre ang pagkain pero amin ang pansariling gastusin gaya ng mga sabon pampaligo.

Noong-una ay medyo nahirapan ako sa trabaho ko pero nasanay narin ako pagkaraan nang ilang araw.

MALAPIT nang magpasko kaya marami kaming costumer ngayon.Kailangan mabilis ang pagkilos mo.

Magpapasko na.Mahigit tatlong buwan narin akong nangungulila sa pamilya ko.Ni kahit anong balita ay wala akong narinig na hinahanap nila ako.Okay lang sa'kin 'yon bastat ligtas sila.Okay lang din naman na ako dito,kahit na mag-isa.

"Hoy Miss ano ba?!Nasaan na ang pinamili ko?"salitang nasa inis na tonong narinig ko.

At dahil dun ay nagising ako.Nagising mula sa kakaisip sa dating mga masasayang alaala namin ng pamilya ko.Si Papa,Mama,at Ate.

Nagising na tatlong buwan na pala akong mag-isang lumalaban para sa sarili ko.Para sa batang isisilang ko balang-araw at magkakaroon ng hindi maayos na buhay.Lalaking marami ding tanong katulad ko.

Pasensya kana kung hindi ka mabubuhay ng kompleto.Pasensya na kung pagkasilang mo'y maghahanap ka ng tunay na pagmamahal ng isang Ina at ng isang Ama.Pasensya na dahil hindi ko maipapangakong mamahalin kita ng sobra sobra.Kasi,kapag makita na kita,iyon ang magpapaalala sa'kin ng bangungot sa buhay ko.

Pero pangako na bubuhayin kita dahil isa ka lang ding biktima!

"Miss ano ba?Kanina ka pa d'yan lutang ah!"inis nitong sabi ulit.

"Ay sorry po Ate!Ano po 'yun?"pagmamadali kong sambit habang kino-compute ang ibang pinamili ng iba pang costumers.

"Nasaan na ang pina-compute ko?Kanina pa 'yun ah.Nanggaling na ako sa butika pero hindi parin tapos?!"sunod sunod niyang tanong habang magkadugtong ang mga kilay nito.

Paglingon ko sa gilid ay nandoon nga ang cart niya pero kakaunti lang din naman ang laman at may kino-compute pa kasi akong mas nauna kesa sa kanya.Isa pa ay hindi naman ako sanay sa pagiging cashier,napilitan lang ako dahil maraming costumer ngayon.

"Ay sorry po Ate!"ani ko at bahagyang napayuko sa kanya.

"Sorry sorry bilisan mo naman ang bagal bagal mo nag-cashier ka pa!Nasaan ba ang amo mo,nang masisante ka na!"sermon niya pa.

"Ale pasensya na po talaga!Marami po kasing costumer,"paliwanag ko habang nagmamadaling e-compute ang mga pinamili ng mas naunang costumer.

"Pasensya.Isusumbong kita!Nasaan ba ang amo mo?"galit na galit niyang sigaw.At dahil dun ay nabaling ang atensiyon ng mga taong nandirito ngayon sa loob ng grocery store.

"Yes,I'm here!"biglang sabi ng lalaking papalapit sa'min ngayon.

Naka-polo shirt siya't naka-white short.Medyo matanggad din,maputi,messy hair at nakasuot ng shades.I think bata palang siya at hindi siya ang asawa ni Ma'm Vigne ano,duhh.

For sure papansin lang 'to!

"What's the problem,M-miss?"agad niyang tanong sa Ale habang tinititigan ito mula ulo hanggang paa.

"Sisantihin mo 'yang cashier mo,ang bagal bagal kumilos!"agad na sumbong nung Ale.

Tumingin sa'kin yung lalaki at itinaas nito ang kilay.

"Hoy sino ka ba hah?"tinitigan ko ang lalaki ng masama."Hindi naman po iyan ang boss ko eh,"ani ko habang minamadaling kino-compute ang pinamili nung Ale.

"Ale ito po,Three hundred ten po lahat!"ani ko at inabot sa Ale ang pinamili niya.

"Three hundred ten lang pala,tapos kung maka-react ka naman Miss ang OA mo!"parang batang sabi nito.

Sus walang respeto!

"OA?Bastos ka ah!Hindi na ako bibili dito sa grocery store niyo!"inis na inis na sabi nung Ale at lumabas na siya kaya hinabol ko pero ayaw na niyang kunin ang pinamili niya.Ako pa ang magbabayad nito sa binili niyang frozen products na nahiwa ko na.

"Ale ang ipinamili niyo po!Ale sorry na!"pahabol ko pang sabi doon sa Aleng deri-deritso lang sa paglalakad at tuluyan nang nawala sa paningin ko.Paglingon ko'y nasalikuran ko na pala ang lalaking nagsabing boss ko.Ang dahilan kaya umalis ang  costumer at ako ang magbabayad ng pinamili niya.

"Hoy!Kasalanan mo'to eh!Papansin ka kasi!"sumbat ko sa kanya na ngayo'y pangiti ngiti siya,nakakainsulto.

"Mind your words Miss!Gusto mo bang masisante?"aniya at inilapit pa sa'kin ang mukha,akala mo kung sino pa-english english pa!

"Haha assuming karin eh 'no?Ikaw ba ang boss ko para sisantehin mo 'ko?"sagot ko at tinaasan ko siya ng kilay.

Kinuha niya ang shades niyang suot at pagak siyang tumawa.

"Ang tapang mo ah,I love it!"aniya at hinawakan ang ulo ko,mas mataas kasi siya sa'kin ng kaunti.

"I love it,I love it ka diyan!Sho,sho,alis!Alis na diyan nadadamay pa ako sa 'yo!"ipinagtabuyan ko siya at bumalik na ako sa counter.

"Ate Alex,who I am?"aniya.Kinakausap niya si Ate Alex na ngayon ay tinitingnan ako at parang may sinesenyas siya sa'kin.

"S-si sir Macky po,"mahinang sagot ni Ate Alex.

"Full name!"

"Si sir Mackenzie Adrine Torres Ledesma po,"sagot ni Ate Alex at parang sumenyas siya sa'kin pero hindi ko naiintindihan.

Mackenzie Adrine Torres Ledesma?Sir?

Vigne Victorina Torres Ledesma!

Naku po,anak siya ni Ma'm Vigne!

Napakagat nalang ako sa aking labi at ngumiti ng peke sa kanya habang siya'y todo ang ngisi.

Nakakahiya!

"Ay s-sorry po sir!H-hindi ko po kasi kayo kilala!"nakayuko kong sabi dahil sa hiyang ginawa ko.

Umupo siya sa counter at napadikwatro kaya medyo umurong ako ng kaunti.

"Lesson learned!Kung gusto mong mag sorry,met me later!"anito at inilapit nito ang mukha kaya napaigtad ako.

"P-po?!"hindik kong tanong.

Bumaba na siya at isinuot ang shades,"Yes!Sa Chamsey Bar,seven PM.See you!"mabilisan niyang sabi at tinalikuran ako.

"S-sir!"tawag ko pero naka-alis na siya.

"Akala mo,kung sinong gwapo!"bulong ko sa sarili.

GABI na kaya nagdadalawang isip na ako kong pupunta ba ako doon,lalo't sa bar pa.

Pag hindi ako pupunta siguradong bukas wala na ako dito dahil sa katarayang ginawa ko sa anak ni Ma'm Vigne.

Nagsuot na ako ng pants at t-shirt.Yung medyo malaking t-shirt ang isinuot ko dahil mahahalata ang tiyan ko kapag maliit lang ang isusuot ko.Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at nagsuot ulit ako ng hoodie dahil mahamog sa labas,baka mapano ang bata.

Na-traffic ako papunta doon sa sinasabi niyang bar.Seven thirty na nang makarating ako doon.

Matao at maraming lasing.Delikado.

 White Lies(COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat