CHAPTER 3

45 4 0
                                    

"Miss,let's go!mababasa ka dito!"mabilisan niyang sabi at hinila ako papunta sa sasakyan niya at hindi ko na nagawa pang tumanggi.

"Ha...oh sige!"tugon ko naman agad dahil panigurado mababasa talaga ako dahil ang lakas ng ulan at may kidlat pa kaya delikado.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya mas nauna akong nakasilong kesa sa kanya.Pagpasok niya sa loob ay medyo marami-rami na siyang basa.

Patingin-tingin lang siya sa sarili niyang may mga patak ng ulan.

Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ang tuwalya doon para ibigay sa kanya,"Ahm sir ito po,magpunas po kayo!"sambit ko habang inaabot sa kanya ang tuwalya.

Tiningnan niya muna iyon at inangat ang tingin sa'kin tsaka ngumiti,"Thank you!"kinuha niya ito at ginamit pampunas sa basa niyang katawan.

Nang matapos na siya ay hindi niya sa'kin ibinalik ang tuwalya dahil lalabhan daw muna niya iyon bago isauli.

Ilang segundo lang at isinusi na niya ang kotse at walang hirap na pinaandar ito.Binuksan niya ang radyo sa kotse niya at inilipat ito sa nakakakalmang musika.

1980's man ito pero masarap parin pakinggan!

Habang nagdra-drive siya'y palingon lingon din siya sa'kin.Gusto ko sanang magsalita pero parang hindi ko kaya, nakakahiya.

"Saan ka ba talaga pupunta?"biglaan niyang tanong at ibinalik ulit ang atensiyon sa pagdra-drive.

"Ah diyan lang po!"

"Alam mo kahit hindi mo man sabihin ay nararamdaman ko parin,saan ka ba talaga pupunta?Naglayas kaba?"sunod sunod niyang tanong.

"Huh?H-hindi ah!"pagde-deny ko.

"Eh bakit may dala kang bag?May tuwalya pa,mga damit ba 'yan?"aniya at inilihis ang paningin sa dala kong bag na kandong kandong ko lang.

"Hindi nga,"tipid kong sagot habang nag-iisip ng paraan kung anong sasabihin kong pupuntahan ko.

"Eh saan ka ba talaga pupunta?"pangungulit niya pa.

Huh ang kulit!

"M-mag a-apply po ng trabaho,sir!"hindi siguradong sagot ko.

"Don't call me sir,nakakailang kasi saka hindi naman ako lisensyadong pulis.Malay ko ba kung bukas mabaril na'ko diba?"biro niya pa.

Pinilit kong ngumiti kahit na hindi talaga ako natatawa.

"Ahh oo nga 'no?"

"Anong trabaho ba ang a-apply-an mo?Saka sinong mag-e-entertain sayo sa kalagitnaan ng gabi?Alam ba 'to ng mga magulang mo?"sunod sunod niyang tanong ulit.

Nakakabobo naman nito!

Hindi agad ako nakasagot at kunwari'y patingin tingin lang ako sa labas.Hanggang sa makakita ako ng isang grocery store na open 24/7.

"Ayun!"medyo may kalakasang tono kung sabi at itinuro ang grocery store na iyon."Sige po bababa na po ako!"ani ko at inayos ko na ang sarili.

"Sure ka na ba diyan?"kuryosong tanong niya habang tinititigan niya nang mabuti ang grocery store na tinuturo ko.

Napakunot ang noo ko,"Ha?Oo naman,sige na po bababa na po ako,"sambit ko habang inaayos ang hoodie kong suot.

"Sure ka hah?"tanong niya pa ulit na tila may pagdududa sa kanyang mukha.

 White Lies(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon