CHAPTER 14

34 3 0
                                    

Nang dumating ka sa buhay ko,
Inaamin ko,na hindi ko gusto,
Sapagkat ikaw ang palaging nagpapa-alala,
Ng lahat ng sakit na aking nadarama.

Ngunit nang makita na kita,
Tila lahat ng sakit ay napalitan ng saya,
Pero bakit nang mangyari na 'yon ay bigla ka na lang mawawala?
Siyam na buwan kitang dinala,pero tatlong araw lang kitang nakasama...

Mas higit pa sa sakit na nararamdaman ko noon,
Ang sakit na nararamdaman ko ngayon,
Bakit mo ako iiwan?
Bakit hindi ka lumaban?

Dahan dahang bumabagal ang aking paningin.

Parang ang mundo ko'y tumitigil.

Halos mawalan na ako ng boses.

At gusto ko na lang mawalan ng malay.

Labis ang sakit na nararamdaman ko ngayon habang kinukuha na ng mga nars ang Continuous Positive Airway Pressure(CPAP)sa anak ko.

"Time of death,10:21 PM"ani ng nars at tinabunan na ng puting tela si baby Blessy.

Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko habang pinapatahan ako ni Khen at Aiden na ngayon ay nasa tabi ko.

Alas diyes.Ang oras na simula paman noon ay ayaw na ayaw ko.Ang sakit ng oras na ito!

Noong gabing yun ay ganon din ang gabi ko ngayon.Nawala sa akin ang mga bagay na napakahalaga sa akin...ang pagkatao ko at  ang anak ko...

Hindi ko mapigilang umiyak  habang humahakbang palabas ng hospital.

Uuwi na ako,uuwi na hindi ko kasama ang anak ko.

Isa na namang mapanakit na sitwasyon ang ibinigay sa akin ng mapanakit na mundo.

Sobrang ang unfair ng mundo sa'kin!

MAAGA akong nagising ngayon dahil bibisitahin ko ang puntod ng anak ko.

        

                     In loving memory of;

            Blessy  Sarah  Rivera  Velasco
               June 12, 2016–June 14, 2016

Nangangantog  ang mga tuhod ko at patuloy ang pagpatak ng aking mga luha habang nakaluhod sa harap ng puntod ng aking anak.

"Sabi ko na nga ba,nandito ka..."isang malamig na boses ang narinig ko na nanggagaling sa aking likuran at alam kong si Aiden ito.

"Everything is have a reason..."

"I'm always there for you!"aniya nang makatabi na sa'kin at inabot ang isang puting panyo.

"B-bakit nand'yan ka na lang palagi sa tabi ko?Bakit mo ako tinulungan?"tanong ko nang matanggap ko na ang panyo niyang ibinigay.

Simula paman noon ay matagal ko ng tinatanong kay Aiden ang bagay na iyon.Pero palagi lang niyang sinasabing "Duty ko,"."Tutulungan kita dahil gusto ko!"

Ngumiti lang siya at dahan dahang kinuha ang aking mga kamay,hindi ko alam kung bakit hinayaan ko lang iyon.

Nararamdaman ko ang bawat pagtibok ng puso ko.Alam kong nangungusap ang mga mata ko habang deritsong nakatingin kay Aiden.

"Because I love You..."aniya nang nakangiting nakatingin sa akin.

Wala akong naging reaksiyon sa narinig ko mula kay Aiden.Siguro dahil nararamdaman ko rin iyon.Pero,pilit ko lang ikinukubli dahil ayaw kong umasa.

"Mahal kita,Beeyah.In every seconds, in every minute,in every hour,in everyday and in every another day you are my inspiration!"anito at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang kamay.

 White Lies(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon