CHAPTER 12

31 2 0
                                    

Nang makalapit na ako ay sigurado na ako na si Ate nga ang nakikita ko.Pero bakit buntis siya?

Gustong gusto ko na siyang yakapin.Miss na miss ko na talaga sila.Miss na miss ko na ang pamilya ko.

Lalapit na sana ako nang maalala ko na malaki na rin pala ang t'yan ko.

Hindi nila alam na buntis ako.Hindi nila alam na ginahasa ako...

Ilang saglit pa'y may isang babaeng lumapit kay Ate,si Mama 'yon.

Wala pa rin namang nagbago sa mukha ni Mama kahit na mahigit walong buwan ko na siyang hindi nakikita.

Hinimas pa ni Mama ang ulo ni Ate nang makalapit siya dito.May dala-dala siyang basket at marami iyong laman na mga diapers at gatas.

Hindi ko na kaya pang magtago sa kanila.Sabik na sabik na akong mayakap at makasama kong muli ang pamilya ko...

Akmang lalakad na sana ako papalapit sa kanila nang biglang may isang lalaki na lumspit sa kanila,si Papa 'yon.

Naramdaman kong nasa-likuran ko si Aiden pero hindi ko muna siya pinansin.Sasamahan niya ako ngayong bumalik sa hospital.

Mas lalong dumami ang puting buhok ni Papa.Katulad ng kay Ate at Mama,gustong gusto ko ng yakapin si Papa.Gusto kong yakapin ang pamilya ko...

Pero natigilan ako.Parang na-istatwa ako at hindi ko magawang makalapit sa kanila dahil parang masayang masaya na sila.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Saya,saya dahil nakita ko ulit ang pamilya ko.Lungkot,lungkot dahil hindi ko man lang magawang lapitan sila.Sabik,sabik dahil gustong gusto ko na silang yakapin.At nagugulahan,nagugulahan dahil sa nakita kong buntis si Ate.

Ilang saglit lang din at kinuha na ni Papa ang dala dalang basket ni Mama,saka inalalayan naman ni Mama si Ate na maglakad papasok sa Van.

Nakakainggit...

Hindi ko na kayang pigilang pumatak ang mga luha ko.Ang sakit sakit na eh.Parang hindi na nila ako naaalala.

Hindi ko na nga napigilang pumatak ang mga luha ko.Sa ngayon,hahayaan ko na itong pumatak para maibsan ang lahat ng sakit.Hahayaan ko muna,kahit ngayon lang...

Naramdaman ko ang paglapit at paghaplos sa likod ko ni Aiden.

"Beeyah...nandito lang ako!"mahinang sabi nito at inabot sa'kin ang panyo.

Tinanggap ko ito at pumasok siya sa loob ng grocery store pero bumalik din naman siya agad.

"Tara!"yaya niya.

"Saan?May trabaho pa ako..."sagot ko habang pinupunasan ang luha ko gamit ang panyo niya.

Ngayon lang ako umiyak sa harap ng ibang tao,maliban kay Ate Alex noong sinabi ko sa kanya ang lahat.

"Ako ang bahala sa'yo, ano tara?"

Sumunod na lang din ako sa kanya dahil gusto ko na rin naman na ngayon ng makakausap.

Sumakay na kami sa kanyang kotse at pinaandar niya na din ito.Tahimik lang ako habang nasa loob ng kotse,at pansin kong panay ang sulyap ni Aiden sa'kin.

"I'm so sorry Beeyah..."aniya na may lungkot sa kanyang mukha.

"Hindi mo kasalanan..."

"Ahmm...m-magiging okay rin ang lahat.Don't worry,I'll be there for you!"

"Salamat..."

"B-bakit dito,magsusugal ba tayo?"pagtataka kong tanong nang itinigil niya ang kotse sa harap ng Perya kung saan maraming tao ang maiingay na nakikipagsaya.

Ngumiti lang siya na parang nang-aasar,"Iba dito,walang sugal.Kahit na maingay ang mga tao dito,'yung ingay nila ay dahil sa tunay na saya."sambit niya habang natutuwang pinagmamasdan ang mga tao,lalo na ang mga batang naka-sakay sa Carousel.

"Gusto ko na maging masaya ka.'Yung tunay na saya,"dagdag pa niya nang mapatingin ulit sa'kin.Nandito pa rin kami hanggang ngayon sa loob ng kotse habang tinatanaw ang masasayang tao sa labas.

Napapangiti na lang din ako dahil naalala ko ang mga masasayang alaala namin ng pamilya ko.

Napansin ko na kanina pa pala nakatingin sa'kin si Aiden at napangiti na lang siya nang mapatingin ako sa kanya.

"Tama 'yan.Forget all your problems and face the present!Tara na?"

Nang makababa na ako ay ihinanap niya muna ng mapag-parking-ngan ang kotse niya.Saka pumasok na kami sa loob.

Ang una naming pinuntahan ay ang Perris wheel.Umaandar ito at maraming tao ang naghihiyawan dahil sa saya at kaba.

"Sasakay sana tayo d'yan kaso delikado.Pag naka-labas na lang si baby Blessy,"ni Aiden habang nakangiti ring pinapanood ang mga tao na masayang masaya.

"Baby B-Blessy?"

Ngumiti siya na parang nahiya bigla,"Ah...kasi-"

"Sige maupo muna tayo dun,"aniya at dinala ako sa isang bench na malapit sa Carousel.

Nang makaupo na kami ay napasandal na lang ang likod ko at pinagmasdan ang iilang bituin na nagniningning sa kalangitan.Magpapa-gabi na rin kasi.

"Actually,ang hula ko kasi babae talaga 'yan.Hmm..."

"Kaya nag-isip na ako ng pangalan.Ikaw may naisipan ka na ba?"

"Wala..."tipid kong sagot habang pinagmamasdan pa rin ang mga bituin.

"Naisipan ko pag babae...Blessy Sarah,"aniya na animo'y nagpapantasya.

"B-bakit Blessy Sarah?"

"Blessy kasi she is a blessing for you.Then,Sarah dahil magiging singer siya na kasing galing ni Sarah Geronimo."

Napatawa na lang ako dahil sa mga sinabi niya,"Hahaha loko 'to,paano pag lalaki?Edi mali ka.'Wag mong sabihin na pang pangalan din ng artista ang ipapangalan mo."

"Oo Boobay.Hahaha hindi joke lang,gusto lang kitang patawanin,"

"Pag lalaki,sa Bible ko kinuha.Bryce Amber...Bryce dahil letter "B" ang first letter ng pangalan mo,then Amber means jewel.He is your treasure."

"Sigurado ka d'yan hah."

"Oo naman...gusto mo kantahan ko si baby Blessy para makapag-practice na agad siya.Tapos pangako,pag nagle-labor ka na,nand'yan lang ako sa tabi mo at kakantahan kita para mas mabilis ang paglabas ni baby.Pwede ka namang tumakip ng tainga para hindi mo'ko marinig haha,"biro pa niya.

Ngumiti lang ako,"Sige."

Nilinis niya muna ang lalamunan niya at ibinaba ang tingin sa t'yan ko.

"You know our was meant to be
The kind of  the of love the lasts forever
And I want you here with me
From tonight until the of time
You should know,everywhere I go
Always on my mind,in my heart
In my soul,baby

You're the meaning in my life
You're the inspiration
Wanna have you near me
I wanna have you hear me sayin'
"No one needs you more than I need you"........~"

YOU'RE THE INSPIRATION by:Chicago

Napapangiti na lang ako dahil sa ginagawa niya.Magaling din naman siya kumanta at paborito niya talaga ang datihang kanta.

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now