CHAPTER 10

37 2 0
                                    

Nakikita ko na may bahid ng lungkot ang mukha niya pero hindi ko iyon matukoy kung ano.

Ngumiti lang s'ya sa'kin nang mapansing tinititigan ko siya,"Wala naman.Ano,tara na?"

Tumango lang ako at sumunod na maglakad sa kanya papunta sa kotse niya na nakaparada.Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makapasok kahit na itinanggi ko dahil kayang kaya ko naman.

Nang makapasok siya'y isinusi na niya ang kotse at pinaandar ang makina.Sakto lang din ang pagpapatakbo niya kahit na parehas kaming nagmamadali.

Sinamahan niya ako sa loob ng kwarto habang wala pa ang ob na magtse-check up sa'kin.

Naupo na ako sa examination chair at naupo naman siya sa side chair na malapit sa may pintuan.

Ilang sandali lang at pumasok na ang ob pero hindi na ito ang ob na palaging nagtse-check up sa'kin.

"Good morning Misis!"bati nito nang makaupo siya sa desk chair.

Misis?!

Nagulat ako sa narinig kong sinabi ng ob pero bahagya pa rin akong napangiti sa kanya at bumati,"Ah good morning din po,ahm Miss p-po,"nahihiya kong sabi.

"Oh?He's not your partner?"gulat niyang tanong at inilihis ang tingin kay Aiden.

"Ah hindi po.Kaibigan ko po siya,"sagot ko at inilihis din  ang tingin kay Aiden na ngayon ay nakaupo pa rin at tila hindi niya naman kami naririnig.

"Oh I'm so sorry!But hmm...ibang klaseng kaibigan 'to,kaya kang samahan dito sa loob,na maraming kalalakihan ang nagsasabing boring,"ani ng ob habang may kung anong inaayos na mga papel sa examination table.

Lumabas naman si Aiden nang mag simula na ang ob na e-check up ako.Kagaya ng mga unang sabi ng ob ay malusog daw ang batang dinadala ko.

Paglabas ko'y agad namang sumagi sa paningin ko si Aiden na nakaupo sa waiting chair habang nakadikwatro.

Nang mapansin niya ang aking presensiya ay kaagad ko na siyang niyaya pauwi dahil hahabol pa ako sa trabaho ko at alam ko na may pasok pa siya.

SAKTO lang ang dating ko sa grocery store.Kaunti lang din naman ang mga costumer na bumibili dahil medyo maaga pa pero dumami 'yon nang dumating si Khen.

"Miss!Dito ka na bumili,meh pogi pa!"anito sa babae na ngayon ay kinikilig na at pumasok agad sa grocery store.

"Ayan nice!Oh ano?Naniniwala ka na ba sa talent ko?"pagyayabang niyang tanong sa'kin nang makalapit siya sa counter.

"Ahmm..."napatango tango ako,"Oo."

"Oh see?Sabi ko na nga ba eh,believe ka rin sa'kin!"kumindat pa siya na nagpakunot sa aking noo.

Tinawanan ko siya,"Huh,dinadaan mo lang sila sa pa-pogi mo d'yan eh!"

Biglang sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi,"S-so it means pogi ako?At napo-pogian ka sa'kin?"tanong niya habang nakatukod ang dalawang kamay sa counter .

"Wala akong sinabing ganon,noh!"paglilinaw ko.

Napakagat siya sa kanyang labi at tumango-tango,"Sus pakipot ka pa!"

"Beeyah!"isang tawag sa pangalan ko na nanggagaling sa entrance at nang napatingin ako do'n ay nakita ko si Aiden na papasok na.

"Aiden?"sambit ko at dahil dun ay napalingon din si Khen.

"A-anong ginagawa mo dito?"pagtatakang tanong ko nang makalapit siya sa'min.

"Dismissed klase namin kaya naisipan kong pumunta na lang dito para tulungan ka,"sambit nito habang pinaglalaruan ang susi ng kotse niya.

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now