CHAPTER 13

29 2 0
                                    

June 12,2016

Nararamdaman ko ang pamumulikat at pananakit ng balakang ko.Naramdaman ko rin na humihilab at may kung anong tubig na lumalabas sa'kin.

Parang mamamatay na ako ngayon sa sakit kung kaya napaupo ako sa sofa at napapahawak na lang sa likod ko na animo'y pinuputol.

Para akong natatae na hindi ko maintindihan.Ang sakit sakit na,manganganak na yata ako.

Hindi ko na kaya dahil ako lang ang nandito ngayon kaya kinuha ko ang cellphone ko at lakas loob na tumuwag kay Ate Alex na alam ko na sa grocery store siya ngayon nagtratrabaho.

Nagri-ring ang cellphone niya at agad din naman itong sumagot,"Hello?"

"Hello Ate,tulong po!"sambit ko habang panay parin ang tiis sa sakit.

"Beeyah?B-bakit,may problema ba?"tanong niya na ramdam ko ang pag-aalala.

"Ate ang sakit ng tiyan ko!"

"Ano?Manganganak ka na yata!Sandali at pupuntahan na agad kita d'yan.Kumalma ka lang,'wag kang masyadong gumalaw.Papunta na ako,hintayin mo'ko d'yan,okay?!"ani Ate at alam kong nagmamadali na din siya.

"Opo..."

"Ah...aray,ang sakit!"sigaw ko habang patuloy ang pagsakit ng t'yan ko."

Mga sampung minuto lang ang nakalipas at dumating na rin si Ate Alex.

"Beeyah...Okay ka lang ba?"aniya at tinabihan ako.Hinagod pa niya  ang likod ko para maibsan daw kahit papaano ang sakit.

"Ate,ang sakit.Hindi ko na kaya!"naiiyak kong saad.

"Sandali lang.Tatawag na ako ng Ambulansiya,"aniya at kinuha ang cellphone nito sa dala-dala niyang shoulder bag.

Panay ang pabalik balik niya sa paglalakad dahil ang tagal sumagot ng tinatawagan niya.

"Hello!Emergency po!"agad niyang sabi nang sumagot ito.

"Ano?!Bakit naman ho?"

"Anong klase...May emergency po dito eh,tapos wala kayo?!"

"Sige!Salamat na lang po ng marami!"naiinis na sabi ni Ate sa kausap niya.

"Beeyah,'wag kang mag-alala.Dadalhin kita sa hostipal,"pangungumbinsi ni Ate sa'kin at kinuha ulit ang cellphone sa bag.

Nagri-ring din ang cellphone ng sunod niyang tinawagan at sumagot rin naman agad ito.

"Hello?S-sir Macky...kailangan ko po ng tulong niyo.Manganganak na si Beeyah,"

"Sige po,sige po.Salamat,mag-iingat po kayo!"ang huling sabi ni Ate sa kausap niya at si Khen pala 'yon.

Ilang minuto pa kaming naghintay at panay lang ang paghagod ni Ate Alex sa likod ko.At dumating na rin si Khen,at naka-uniporme pa ito.

Inalalayan ako ni Ate Alex papasok sa loob ng kotse at si Khen naman ang dala ng mga gamit kong dadalhin sa hospital.

Mabilis na pinatakbo ni Khen ang kotse dahil awang-awa na sila sa kalagayan ko.

Para akong inahing baboy,mabuti na lang at nandito si Ate Alex.

Sana nandito rin sila Mama sa tabi ko,para kahit papaano'y magkaroon man lang  ako ng kaunting lakas.

Nang makarating na kami sa hospital  ay kaagad na inalalayan ako ni Ate Alex at Khen na makababa sa kotse.

Isinakay na ako sa wheel chair at idinala sa labor room.

Si Ate Alex ang nasa tabi ko,siya ang nagpapakalma sa'kin.

Hindi ko alam kong maglalakad ba ako,tatae,hihiga o uupo dahil sa sobrang sakit.

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now