CHAPTER 7

38 3 0
                                    

Pinagbuksan ko siya ng pinto at niyayang maupo muna doon sa sala.Ipinagtimpla ko naman siya ng kape niyang maiinom.

"Oh Ate kape mo po!"sambit ko habang inilalapag sa maliit na mesa sa sala ang kape niya.

"Salamat!"aniya at ngumiti.

Naupo ako sa katapat na upuan,pinag-gigitnaan kami ng mesa."Ahm bakit nga po pala kayo napadalaw dito?M-may problema po ba?"hindi siguradong tanong ko.

"Good news!May part time ka pa!"aniya na makikita mo ang kasabikan sa kanyang mukha.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya,"Part time?Talaga po?Ano po?"sunod-sunod kong tanong dahil sa kasabikan na rin.

"Oo Beeyah,may ipapa-tuitor sayo si ma'm Vigne!"

"Talaga po?Ayos,gustong gusto ko pa naman din ang magturo!"sambit ko habang nagpapantasya.Nagpapantasya sa pangarap kong maging isang guro pero siguro'y hindi na matutupad ang lahat ng 'yon dahil sa mga nangyari.

"Ah talaga?For sure hindi ka naman mahihirapan dun dahil matalino naman 'yon.Actually,kaya ikaw lang ang kinuhang tuitor ni ma'm kasi baka daw tumino 'yon kapag ikaw ang nagturo,"mahabang sabi ni  Ate na 'tumino' lang ang na-gets ko.

"Tumino?Ilang taon na po ba?"kuryoso kong tanong.

"Kasing edad mo,si sir Macky!"

"P-po?S-si sir Khen?"gulat na gulat kong tanong.

"Oo,huwag kang mag-alala dahil hindi ka naman mahihirapan dun.Sabi ni ma'm per hours ang bayad.Oh pa'no,mauuna na ako?!"tumayo na siya.

Hindi ko alam kong kaya ko bang maging tuitor lalo na't sa kasing edad ko lang.Baka mas matalino pa nga 'yon sa'kin kasi sa private school nag-aaral.Pero alam kong kailangang kailangan ko ng pera para makaipon.Para sa bata.

"Ah sige po Ate,game!"

"Oh sige sasabihin ko na kay Ma'm.Mauuna na ako,good night!"sambit niya habang papalabas na ng pinto.

"Good night din po,mag-ingat po kayo!"

KINABUKASAN linggo kaya day off ko.At dahil may part time ako ay maagang-maaga pa rin akong nagising at nagbihis ng komportableng damit.

Sumakay ako ng tricycle papunta sa bahay nila ma'm Vigne.Pagdating ko doon ay kaagad akong nag-doorbell at agad din naman akong pinagbuksan ng gate ng katulong nila sa bahay.

Pinaupo muna ako ng katulong nila doon sa sofa sa sala at gigisingin lang daw muna niya si sir Macky dahil natutulog pa.

Mahigit kalahating oras pa ang lumipas bago siya dumating.Nakaligo na ito at nakabihis na rin.

"Ah good morning sir!Start na po tayo?!"

Tiningnan niya ako ng masama,"Ayan ka na naman sa sir sir mo!Pwede ba?"sambit niya at sumalagpak sa sofa.

"Oh sige.Ano start na ba tayo?"

Kinuha niya ang bag niya ibinigay sa'kin ang binders na kaunti lang ang sulat.

"Ayan,Earth Science and Statistics Probability!"tamad niyang sabi.Mukhang tinatamad mag-aral.

Kinuha ko iyon at ibinuklat.

Plate tectonics na pala ang topic nila at medyo familiar naman ako dun dahil topic rin iyon noong grade 10.

At dahil na rin sa tulong ng Google ay mabilis naming natapos.Next is Statistics Probability at doon ako nahirapan dahil sa Bayes Theorem.Hindi ako magaling pagdating sa mga formulas.Mabuti na lang at nakipag-cooperate din naman siya at doon ko naman napansin na matalino nga siya.Siguro kong si Ate masasagutan niya ito dahil ang tali-talino nun,believe na believe ako do'n.

Maaga kaming natapos kaya maaga rin akong nakauwi sa boarding house.

Ang sarap sarap pala sa pakiramdam ang magpahinga.Nakahiga lang,walang prino-problema at walang iniisip.

Napaupo ako sa sahig sa tabi ng kama ko pagkabihis ko kasi wala na rin naman akong gagawin.

Napapatulala lang akong nakatingin sa kisame.

"Kamusta na kaya ang pamilya ko?Hinahanap kaya nila ako?Okay lang ba sila?"tanong ko sa sarili.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay na hindi ko sila nakikita,hindi ko sila nakakasama sa pagkain.Sana lang talaga ay hindi nalang 'to nangyari saakin!Sana lang!Kasi dahil dito,hindi ko na matutupad ang mga pangarap ko.Dahil dito nangungulila ako sa pamilya ko.Dahil dito...nag-iisa ako!

BABALIK ako ngayon sa hospital para sa check up ko at kukuha ulit ako ng folate na iinumin ko.

Sabi ng ob malakas daw ang kapit ng bata at malusog ito.Nagtanong na rin ako kung magkano ba ang magagastos ko sa panganganak ko.

Pero sa totoo lang,hindi pa ako handa.Hindi pa ako handang mahalin siya ng totoo.Hindi pa ako handang tanggapin siya ng buong buo.Hindi pa ako handa sa magiging responsibilidad ko.

Pagkagaling ko sa hospital ay dumaan ako sa Mall para paunti-unting bumili ng mga gamit para sa bata.

Uni sex ang pinamili ko dahil hindi ko pa alam kong babae o lalaki ba ang dinadala ko.Hindi na ako magpapa-ultra sound dahil  medyo may kamahalan 'yon,hindi ko kayang e-afford.

Medyo nag-enjoy naman ako sa pagpili ko ng mga damit,medyas,guwantes,at lampin ng bata kahit na pinagtitinginan ako doon ng mga tao.

"Sa kato ka adlaw naga hulhampang lang ta sa yarang edad mare,kay lantawa man na haw,nagabusong na!"bulong ng isang Ale sa katabi niya pero rinig na rinig ko 'yon.

Oo,ang sakit sa pakiramdam pakinggan pero ang mahalaga ay alam kong  wala akong ginawang masama.

Hindi ko ipinalaglag ang bata na kahit kailan ay hindi ko ito ginusto.Hindi katulad ng ibang tao diyan na kayang pumatay ng isang inosenteng bata na gusto lang naman mabuhay.

Hindi ko na lang sila pinansin at lumabas na ako agad pagkatapos kong bayaran ang mga pinamili ko.

Paglabas ko'y nakaayos ng tindig na nakaharap sa sa'kin ang lalaking nagpasakay sa'kin at ang lalaking nabangga ko sa hospital,si Aiden.

"Ikaw nanaman?"bulalas ko.

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now