CHAPTER 6

27 3 0
                                    

Dugo.

May kaunting dugo sa underware ko.

Sobra sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Ang bata!

Hindi ko alam kong anong gagawin ko.Hinawakan ko ang tiyan ko pero tatlong buwan pa lang naman kasi kaya hindi pa sumisipa o gumagalaw.

Kailangan ko ng magpa-check up para siguraduhin ang kaligtasan ng bata.

Bata na hanggang ngayon ay hindi ko parin  nai-imagine na tatawagin kong "anak".

Pero kahit na ganon ay sisiguraduhin kong mabubuhay siya,hinding hindi ko iyon ipagkakait sa kanya.

Wala akong ibang maisip kundi ang magdasal lang nang magdasal.

Lord,alam ko naman po na alam niyo kung ano talaga ang nasa puso ko.Pero Lord,sana po okay lang po ang bata!Hindi ko po ipagkakait sa kanya ang mabuhay siya dito sa mundo.Huwag niyo po sana siyang pababayaan.Sana po ligtas siya hanggang sa maipanganak ko siya kahit na siya ang magpapaalala sa'kin ng lahat ng sakit ay okay lang po basta't iligtas niyo lang po siya!

Hindi ko na alam kong paano ako nakatulog dahil pagka-gising ko'y hawak- hawak ko parin ang tiyan ko.

Agad akong naligo at nagbihis hindi para pumasok sa trabaho kundi pupunta ako sa pinakamalapit na Hospital para mag pa-check up.

Sabi ng obgyne na nag-check up sa'kin ay wala naman daw akong dapat ipag-alala dahil spotting lang daw ang nangyari sa akin at natural lang daw iyon sa isang buntis.Binigyan niya rin ako ng libreng folic acid para daw maiwasan ang abnormalities sa utak at spinal cords ni baby at para din daw maiwasan ang premature delivery.Pinayuhan niya rin ako na bumalik para sa pre-natal ko.At binigyan niya ako ng card para sa schedule ko sa mga next ko pang check up.

Nagmadali na akong lumabas dahil gusto kong huumabol sa trabaho ko.De malas pa't nabangga ko ang isang lalaki dahil sa pagmamadali ko.

Hindi naman ako natumba pero nagkalat ang mga dala dala kong ibinigay ng ob sa'kin.

Agad ko itong pinulot at tinulungan niya akong pulutin ang mga ito at nang matapos na naming pulutin ay nagkagulatan na lang kami nang makita ang isa't isa.

"Ikaw?!"sabay naming gulat na sabi.

Napalunok na lang ako nang makitang hawak-hawak niya ang card ko para sa next schedule ng check up ko.

Tiningnan niya ito ng mabuti saka ako tiningnan ng seryoso,"B-buntis ka?"kuryoso niyang tanong.

"Ha?Ah h-hindi!"pautal-utal kong sagot at kinuha ang card na iyon."Akin na,bye!"pagmamadali kong sabi at agad na tumakbo palayo dahil sa kaba.

"W-wait!"narinig ko pang sabi niya pero deri-deritso lang ako.

Agad akong lumabas sa hospital na iyon at nagmadaling umuwi para makahabol ako sa trabaho.

Mga ten minutes na siguro akong late pero nagpatuloy parin ako,magpapaliwanag na lang ako kay Ate Alex.

Pagdating ko doon ay bumungad naman sa'kin ang nakangiting mukha ni Mackenzie,nasa counter siya pero wala namang ginagawa.

"Hi Miss high blood,late ka!"aniya at tinaasan ako ng kilay.

"Opo sorry po sir!May pinuntahan lang po akong importante,"paliwanag ko.

"Nagpa-check up?"seryoso n'yang sabi.

Makailang ulit akong napalunok,"Ha?A-ano?"pautal-utal kong tanong habang mabilis ang tibok ng puso ko nang dahil sa kaba.

Alam niya?!

Itinukod niya ang dalawa niyang  kamay sa counter at tiningnan ako ng deritso sa mata,"Nagpa-check up kasi napaka-health concious mo!"

Ngumiti ako pero peke lang iyon,"Ah oo,alam mo na health is wealth!"palusot ko pa.Mabuti na lang iba ang akala niya.

"Ah sige Khen ako na d'yan!"ani ko at lumapit sa counter.

"No.Tutulungan kita!"aniya at naupo sa swivel chair.

"Eh hindi mo naman kino-compute ang pinamili ng mga costumers eh,kita mo ang haba ng pila!"sambit ko habang inisa-isang isinilid sa plastik ang pinamili ng isang costumer namin.

"Kaya nga ang haba ng pila kasi gusto nilang makasama ako!"pagyayabang niya.Tumayo siya at nagpunta sa entrance,"Hi Miss,dito na kayo bumili!Ang gaganda niyo naman,"panunukso niya doon sa dalawang Aleng ngayon ay kinikilig na rin.

Madami pang tao ang pumasok at karamihan dito ay mga babae.Bumalik siya counter at pangiti
-ngiti na lumapit sa'kin.

"Oh ano?Kaya mo 'yon?"nakataas ang kilay niyang tanong.

"Eh ino-uto mo lang sila kaya pumasok dito eh!"

"Luh!Kasalanan ko ba kung uto-uto sila?Kasalanan ko ba kung bakit ako gwapo?"pagyayabang niya ulit.

Tumawa ako,"Sino ba ang nagsabing gwapo ka?"pangungutya ko.

"Lahat!Oh ano?"laban pa niya.

"Wala,"tipid kong sagot.Haha hindi niya na gets na tinutukso ko lang siya?Naks,iba ang utak nito.

Buong-araw na tumulong doon si sir Mackenzie pero habang nagtratrabaho ay puro kain lang din naman siya at cellphone.Kung sa bagay,pwedeng pwede naman niyang gawin iyon dahil anak naman siya ng amo namin.

HABANG nagsusulat ako ng mga kinakailangan kong bilhin para sa paglabas ng bata ay biglang may kumatok sa pinto.Kaya dali-dali ko muna iyong itinago sa kwarto ko at saka sinilip kung sino ba ang kumakatok.

Si Ate Alex.Gabi na,anong ginagawa niya dito?

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now