CHAPTER 17

34 3 0
                                    

FOUR YEARS AGO

Magkahalong tuwa at luha ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad na suot ang blue na toga.

Sa wakas,matutupad ko na rin ang mga pangarap ko sa kabila ng bangungot na nangyari sa buhay ko.

"Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies,Beeyah Trizz Rivera Velasco,Cum Laude!"tawag ng emcee  na nasa taas ng entablado.

Naiiyak akong tumayo mula sa aking kinauupuan at umakyat sa entablado.

Ngayon masasabi ko na "May pag-asa sa kabila ng mga pagsubok sa buhay!"

Mas higit pa sa tuwa ang nararamdaman ko nang lumabas na ang results ng Licensure Examinations for Teachers.

"THANK YOU LORD LPT NA PO AKO!"isang napakalakas na sigaw ko nang mabasa ko ang pangalan ko mula sa mga nakapasa sa LET.

Agad na niyakap ako nila Mama,Papa,Ate,at Bruce.Sana kung nabuhay lang ang anak ko magkasing laki lang din sana sila ni Bruce.

Kaso wala...hindi ko nagawa.

DECEMBER 1,2023

Suot ko ang off shoulder dress na color white at lagpas tuhod.Nag-ayos rin ako ng kaunti dahil magsisimba ako ngayon.

Magpapasalamat sa kabila ng lahat ng mapapait  nangyari sa buhay ko,natupad ko pa rin ang mga pangarap ko.

"Kuya,bakit po kayo tumigil?"tanong ko kay mamang driver nang tumigil siya.

"Kasi po ma'm ang haba ng traffic,may kasal po yata o libing,"anito at pinunasan ang kanyang mga pawis gamit ang tuwalya na naka sabit sa kanyang balikat.

"Ahm matagal pa po ba 'yan?Baka mahuli po ako sa misa eh,"

"Hindi ko alam ma'm eh..."

"Ah sige po.Bababa na lang po ako,heto pong bayad ko.Salamat!"ani ko at inabot ang sengkwenta pesos kay mamang driver at bumaba na ako sa kanyang jeep.

Ang dami-daming nakapilang sasakyan sa harap ng simbahan.Hindi ko alam kung bakit pero baka nga may kasal or libing lang gaya ng sinabi ni kuya kanina.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at dahil sa pagmamadali ko ay may nakabangga pa akong isang lalaki.

"Ay sorry po kuya!"ani ko at bahagyang napayuko upang magbigay galang dahil mas matanda ito sa'kin.

"Nagmamadali po kasi ako,may ano po ba?"

"May libing..."sagot lang nito at umalis na.

Nagpatuloy lang ulit ako sa paglalakad,papasok na lang agad ako dahil parang malapit na rin naman matapos misahan ng pari ang patay.

~Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you

Like a river flows
Surely to the sea
Darling,so it goes
Some things are meant to be

Take my hand
Take my whole life,too
For I can't help falling in love with you

Like a river flows
Surely to the sea
Darling,so it goes
Some things are meant to be

Take my hand
Take my whole life,too
For I can't help falling in love with you
For I can't  help falling in love with you~

Napapangiti akong dahan-dahang naglalakad papasok ng simbahan habang tumutugtog ang kantang pangkasal na"Can't Help Falling In Love by;Elvis Persley"

Sa harap ng altar ay naghihintay si Aiden na nakangiti sa'kin.White dress shirt with sky blue tuxedo jacket ang suot niyang pang-itaas at sky blue tuxedo trouser naman ang pang-ilalim.Para kaming ikinakasal pero kaming dalawa lang ang nandito.

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now