CHAPTER 16

38 3 0
                                    

Hindi ako nito sinagot.Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit at umiyak pa ito ng todo.

Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ba ang nasa-isip ko ngayon.

"I'm really sorry Beeyah..."patuloy nito habang nakayakap parin sa'kin.

"A-Aiden..."iling ko.

Dahan-dahan siyang bumitaw mula sa pagkakayakap sa'kin.

"Aiden,h-hindi ko alam kong paano,hindi ko alam kung bakit...Aiden,"

"Si Dad,si D-Dad ang isa sa mga n-nag-r-rape sayo..."umiiyak na saad nito.

Parang gumuho ulit ang mundo ko nang marinig ko na mismo mula kay Aiden ang mga salitang iyon.

Sana mali.

Sana hindi.

"A-alam mo?"

"Y-yes.Matagal na,matagal ko ng alam..."

"A-Aiden...Bakit?Huhh?Bakit?Bakit hindi mo sinabi sa'kin?Alam mo naman pala 'di ba?Paano mo nagawang itago sa'kin?"sunod sunod na umiiyak kong tanong habang deritsong nakatingin sa kanya.

"Dahil mahal kita!"

"Mahal?Aiden,mahal ba?Mahal mo ba talaga ako o naaawa ka lang sa'kin?Aiden kahit kailan hindi 'yon matatawag na pagmamahal!Itinago mo sa'kin ang totoo!Alam mo pero itinago mo pa rin!Hindi mo alam kung gaano ngayon unti-unting dinudurog ang puso ko!Ang sakit sakit,alam mo ba 'yon?!"may poot kong sabi pero mahina pa rin ito.

"I'm really sorry!Hindi ko alam kung paano ..."anito na patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Aiden...ang daming pagkakataon na p'wede mong sabihin!"

"Pero naduwag ako.Ayaw kong masaktan ka,ayaw kong umiyak ka ulit dahil mahal kita!"

"Mas lalo mo pa akong sinaktan Aiden!Ikaw sana ang bumuo nitong durog kong puso pero ikaw din pala ang mas dumurog pa rito!Anong klaseng pagmamahal 'yan?Kaya mong ilihim sa'kin ang lahat dahil natatakot ka?Dahil mahal mo ako o dahil ayaw mong magbayad ang Daddy mo?"

"No Beeyah.Mahal kita simula umpisa pa lang!Sinubukan kong sabihin sa'yo pero natatakot ako.I'm really sorry!"anito at nagsumamong lumuhod sa harapan ko.

"Salamat sa lahat Aiden...pero sorry..."ani ko at bumitaw mula sa pagkakahawak ng kamay ni Aiden.

Tinalikuran ko s'ya at tumakbo ako palayo habang unti-unting pumapatak ang ulan.

Narinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko pero tumakbo lang ako.

Bakit niya nagawang maglihim sa'kin?

Bakit nagawang maglihim sa'kin ang taong mahal ko?Ang taong bumuo nitong durog kong puso.

Nagkulong ako sa kwarto at patuloy pa rin ang pag-iyak.Panay ang tawag niya sa'kin pero hindi ko iyon sinasagot.

Hindi agad agad mabubura itong sugat na idinulot niya.

Nagpumilit rin siyang maka-usap ako pero hindi ko siya pinapasok.Hindi ko pa siya kayang makita.

PATULOY ang pagtulo ng mga luha ko habang iniimpake ang mga gamit ko.Inimpake ko lahat ng mga gamit ko,maliban sa mga ibinigay sa'kin ni Aiden.

Napag-desisyonan ko na uuwi na ako sa pamilya ko.Oras na siguro para malaman na rin nila ang lahat ng sakit na nasa puso ko.

Gabi na nang makarating ako sa'min.Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto at agad naman itong bumukas.Bumungad sa'kin si Mama pero parang hindi siya nagulat nang makita ako.

"Mama!"ani ko at napayakap sa kanya pero hindi ko naramdaman ang pagyakap niya rin sa'kin kayat napabitaw ako.

"Ang kapal kapal naman ng mukha mo para bumalik pa rito!"malakas niyang sabi dahilan para dumating si Papa.

"Mama...Papa..."

"Beeyah anak!"ani Papa at napayakap sa'kin.

"Anong ginagawa mo dito?Matapos mo kaming layasan,babalik ka na lang bigla?"ni Mama at hinila si Papa.

"Mahal..."pakalma ni Papa kay Mama.Dumating naman si Ate Britney at nagulat ito ng makita ako.

"Ma,Pa,Ate,"isa-isa ko silang tiningnan."Alam niyo po ba kung bakit ako naglayas?Alam niyo po ba na kahit masakit,pinilit ko?Alam niyo po ba na gabi-gabi akong umiiyak?Alam niyo po ba na andami kong gustong sabihin sa inyo?Ma,Pa,Ate...alam niyo po ba na g-ginahasa po ako?!Alam niyo po ba na nag bunga pa 'yon?!Mahigit tatlong taon akong nangulila sa inyo at tiniis ko pa rin ang lahat ng sakit!Tiniis ko!Mag-isa akong lumaban...dahil wala kayo..."humahagulhol kong sabi na sadyang nagulat sila.

"At nawala ang bata,wala na si baby Blessy...kaya ako bumalik dahil hindi ko na kaya...dahil hindi ko na kayang mag-isang lumaban."

Niyakap nila akong tatlo.

Sa wakas,niyakap rin ako ng pamilya ko.

"A-anak bakit hindi mo sinabi sa'min?"naluluhang tanong ni Papa.Nakaupo na kami ngayon sa sofa dito sa di-kalakihan naming sala.

"Kasi natakot pa ako sa mga maaari nilang gawin sa inyo."

"Anak sorry!"umiiyak na wika ni Mama at mahigpit akong niyakap.

KAHIT na masakit para sa'kin na iwan si Aiden ay ginawa ko dahil 'yon sa tingin ko ang mas makakabuti sa'kin.

Medyo masaya na rin naman ang buhay ko ngayon kasama ang pamilya ko at nadagdagan pa kami ng isa,si Bruce.

Si Bruce ang anak ni Ate.Nabuntis siya noong first year college pa lang siya at tinakbuhan siya ng nakabuntis sa kanya.

Natigil siya sa pag-aaral at tinanggap pa rin siya nila Mama sa puder nila.

Ako kaya?Kapag sinabi ko noon na buntis ako,matatanggap kaya nila?Siguro oo.Kung si Ate nga na ginusto niya,tinanggap nila, ako pa kaya.Sana hindi pala ako natakot para hindi rin ako nagtiis na sarilihin ang sakit.

IPINAGPATULOY ko ang second semester sa Senior High at sa awa ng Diyos ay nakapagtapos narin ako.Nag-enrol din ako sa isang simpleng unibersidad na malapit lang sa'min.Education ang kinuha ko dahil simula bata pa lang ako ay gustong gusto ko na ang maging isang guro balang-araw.

Isang guro na magbibigay inspirasyon sa bawat bata na tuturuan ko.

Nabalitaan ko rin na kusang sumuko ang Daddy ni Aiden kasama ang mga kasama nitong gumahasa sa'kin,maliban kay Mang Harold dahil namatay na ito dahil sa isang aksidente.

June 12,2019

Maaga akong nagising dahil bibisitahin ko ngayon ang puntod ng anak ko.Simula kasi ng uuwi ako sa amin ay hindi ko na siya nadalaw dahil ayaw ko rin naman na makita si Aiden.

"Happy 3rd Birthday Anak!"naiiyak kong sabi habang nagtitirik ng kandila sa harapan ng puntod ng anak ko.

"Sorry hah...patawarin mo ako kung hindi ko natupad ang mga pangako ko!"ani ko at tuluyan nang bumagsak sa kanyang puntod ang aking mga luha.

"Sabi ko na nga ba,nandito ka..."isang mahinang boses ang narinig ko mula sa aking likuran at kilalang kilala ko ang boses na iyon,boses ni Aiden.

Pinunasan ko ang aking mga luha at dahan-dahan lumingon sa kanya.

Sky blue polo shirts at black linen pants ang kanyang suot at hindi parin maipagkaila ang angking kagwapuhan nito.

"Sana mapatawad mo pa ako.Always remember that I really love you with no reasons.Mahal kita dahil mahal kita,wala ng iba.In every second,in every minute,in every hour,in everyday and in every another day you're my inspiration.Hindi magbabago 'yon!"anito at niyakap ako.Hindi naman ako nakagalaw at hinayaan ko lang ang pagyakap niya sa'kin.

"Hinding hindi kita makakalimutan.Sobrang pasasalamat ko dahil nakilala kita,dahil nakasama kita,dahil minahal kita!Salamat at patawad Beeyah...hanggang sa muli..."anito na may ngiti sa mukha pero hindi pa rin nito maitatago ang mga nagbabadyang luha.

Hindi na ako nakapagsalita pa,hindi ko rin siya matingnan ng deritso.

Alam ko sa puso ko na mahal ko parin siya...

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now