CHAPTER 18(THE END)

54 2 0
                                    

Aiden Luis' P.O.V

Nagmamadali akong pumunta sa opisina ni  Daddy dahil hinahanap siya ng kapatid ko.Mataas ang lagnat ni Arreya at panay ang hanap nito kay Daddy kaya pinuntahan ko siya.

Nang makasampa ako sa pinto pa lang ay nagulat na ako dahil may kausap si Daddy na isang lalaki at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan kaya tumigil muna ako sa may pintuan at nakinig.

"Pare,anong balita do'n sa na-rape natin?!"kinakabahang tanong ni Daddy.

Tumawa ang kausap niyang lalaki,"Ano ka ba pare?Wala 'yon!Hindi magsusumbong 'yon!"anito at pinaglaruan pa ang swivel chair na kinauupuan nito sa harap ng desk ni Daddy.

"Sigurado ka ba?A-ano ngang pangalan nun?"

"B-Beeyah yata eh...'yun kasi ang tawag ni pareng Harvey sa anak niyang 'yon.Tapos Velasco yata apelyido nun.Ohh bakit?siguro papatahimikin mo na lang ano?"anito at natawa pa.

"Hindi..."tipid na sagot ni Daddy.

"Ano ka ba,mahigit tatlong buwan na 'yon 'di ba?May reklamo ba?Wala naman!

"Dad!"tawag ko kay Daddy at nagkatinginan sila ng kausap niyang lalaki kanina.

"Sige pare,mauuna na ako!"pagmamadaling sabi ng lalaki at lumabas na ng opisina ni Daddy.

"A-Aiden anak,kanina ka pa ba d'yan?"nauutal na tanong ni Dad at halatang kinakabahan ito.

"Yes Dad at hinding hindi ako maaaring magkamali sa mga narinig ko!"

"A-anak...wala 'yon!"

"Dad!Hindi ako bingi!May ne-rape kayo,tama ako 'di ba?Kriminal pala ang Daddy ko!"ani ko sa malakas na tono.

"A-Aiden let me explain!Lasing ako nun."

"Dad?Lasing?Kaya ba gumawa na lang kayo ng kagaguhan niyo?Kaya ba nanggahasa na lang kayo?"galit na galit kong sigaw kay Daddy.Alam kong walang galang na ako sa mga oras na 'yon.Pero hindi ko talaga lubos maisip na magagawa 'yon ni Daddy,kailangan nilang pagbayaran iyon!

"Sasabihin ko 'to kay Mom.Dad,kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo!"ani ko at lumabas na pero pinigilan ako ni Daddy at lumuhod pa ito sa harapan ko.

"Aiden anak,please 'wag! 'Wag muna sa ngayon...oo,pagbabayaran ko pero anak huwag muna sa ngayon.Hindi ko alam kong anong mararamdaman ng Mommy mo,paano si Areeya?May sakit siya 'di ba?"

"Huwag mong gawing dahilan ang mga bagay na 'yan Dad!Naisip mo man lang ba ang biniktima niyo bago niyo siya biktimahin?!Huh?"

"Anak I'm so sorry!Please 'wag muna sa ngayon!"pagmamakaawa ulit ni Daddy pero hindi ako nakinig sa kanya.Agad akong umalis at dumiretso sa hospital para sabihin kay Mommy ang kasalanang ginawa ni Dad.

Sa sobrang pag mamadali ko ay nakabangga ako.

Nakita ko ang card na nagkalat sa sahig kaya kinuha ko ito,buntis ang nakabangga ko.

Nagulat na lang ako nang makita ang babaeng pinasakay ko noong gabing umuwi ako.

Si Beeyah!

Bigla na lang sumagi sa isipan ko ang narinig kong usapan nila Daddy kanina.Narinig ko na ang pangalan ng ginahasa nila ay si Beeyah Velasco.

Tinanong ko siya dahil gusto kong makasigurado kung siya nga ang nabiktima ng Daddy ko pero laking pasasalamat ko nang sinabi n'yang hindi siya buntis.

Pero habang naglalakad ako papunta sa opisina ni Mommy ay narinig ko ang pinag-uusapan ng mga nars.

"Iba na talaga ang mga bata ngayon noh?Ang bata bata buntis agad!Ayon tuloy,matapos tikman ay edi iniwan!"ani ng isang may katandaan na ring nars sa isa pang nars na kausap niya.

 White Lies(COMPLETED)Where stories live. Discover now