CHAPTER 5

38 3 0
                                    

Nag-aalinlangan ako kung papasok ba ako doon o hindi.Pero wala naman sigurong mangyayaring masama sa'kin dito,sa amin ng batang dinadala ko.

Inikot ko muna ang tingin ko sa paligid ng  Chamsey Bar.Dito palang sa labas ay kitang kita na ang mga tao na nag-iinuman sa loob,mapa-babae man o lalaki.

Lakas loob akong pumasok at nagmasid masid sa bawat mesa na dinadaanan ko.Hinahanap ko sa sir Mackenzie pero hindi ko mahanap.Hindi kaya baka pinaglaruan lang ako nun?

"Miss high blood!"salitang narinig ko mula sa likuran ko.Paglingon ko'y si sir nga kaya nilapitan ko siya.

Paglapit ko'y nakasandal siya sa swiver bar stools.

Feel at home.

"Miss high blood have a seat!"aniya at kumuha ng isang bote ng San Mig Light sa bucket na puno ng yelo.

Marahan akong umupo sa harap niya.Hindi nga ako komportableng umupo dito sa
swiver na upuang 'to ang taas!hindi ako sanay.

"Good pumunta ka.Congrats!"sambit niya habang pumipili ng menu doon sa menu list."Oh order ka na!"aniya at ibinigay din ang menu list sa akin pero hindi ko 'yon tinanggap.

"No sir,okay lang!Busog pa po ako!"pagtanggi ko at ibinalik sa kanya ang menu list.

Tumawa siya,"Huwag kang mag-alala ako ang magbabayad!"aniya at pinilit ako na mag-order na pero hindi ko parin iyon tinanggap.Hindi ako pwedeng magtagal dito.

"Infairness sayo ayaw mo ng libre.Samantalang ang iba nga diyan nanlilimos para lang may makain eh!"pangangatuwiran niya pa.Kinokonsensiya yata ako nito eh.

"Okay lang po talaga sir!"

"Huwag mo nga akong ma-sir sir diyan,nakakatanda at ang baduy!Khen nalang for short."aniya at umayos ng upo.

"Okay.Ah...ayos na po ba sir?Pwede na po ba akong umuwi?"sunod sunod kong tanong sa kanya.

Dumating ang waiter dala dala ang mga in-order ni sir Makenzie na ang dami.

"No.Kakain pa tayo,ok?"aniya habang iniisa isang inaaalis sa utility tray ang mga pagkain.

"Pero sir-"

Ibinigay niya sa akin ang tig-isa sa kanyang mga  in-order na tuna melt,grilled chicken sandwich,garden goodness wrap,rice,and fountain soda.

"Hindi nga pwede.Kumain ka muna!''pamimilit niya at hindi na ako nakatanggi pa.

Tinikman ko ang lahat na iyon pero hindi ko naubos,hindi ko gusto ang lasa kasi hindi naman ako nakakain ng mga ganong pagkain.

Tubig lang din ang ininom ko dahil iyon ang mas makakabuti sa kalusugan ng batang nasa sinapupunan ko.

"Masyado kang health concious,may sakit ka ba?"tanong niya na parang seryoso pero para ding nang-aasar.

"Hmm wala,mas gusto ko lang talaga ng tubig.Ah salamat sa libre mo si- ah Khen,mauuna na ako!"sambit ko habang patayo na.Pero bigla nalang nag-iba ang paningin ko,nahilo ako.Natural lang iyon sa isang buntis.

"Are you ok?!"pag-aalala niyang tanong.Tumayo siya at inalalayan akong makaupo ulit.Umupo naman ako dahil ayoko namang dito pa ako mawalan ng malay.

"Ah oo ayos lang,salamat!"marahan kong sabi habang hinihilot ang ulo ko.

"May masakit ba sayo?"pag-aalala niyang tanong.

"Ah hindi okay lang,medyo nahilo lang ako pero okay lang talaga!Pwede na ba akong umuwi?"

Napakagat siya sa labi niya at tumayo,"Oh sige tara na hatid na kita!"aniya at lumapit sa kinauupuan ko.

"Ah hindi na,malapit lang din naman ang inuuwian ko dito,salamat nalang!"pagtanggi ko.

"No.Baka ano pang mangyari sayo ako pa ang sisisihin ng pamilya mo.Tara na,mahihirapan ka din sumakay diyan!"pamimilit niya pa.

"Ah sige po,"tipid kong sagot at naglakad na palabas ng Bar,sumusunod siya sa likuran ko.

Pagdating namin doon sa labas ay pinaghintay niya muna ako doon sa may upuan dahil kukunin niya lang daw ang kotse niya doon sa parking area.

Malapit lang rin naman ang parking lot kaya agad din siyang nakarating.Bumaba siya mula sa Black Sedan niya.Sa back seat na sana ako sasakay pero pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat kaya hindi narin ako nakatanggi pa.

Nakasakay na ako sa loob at nagpatugtog siya ng nakakalulang musika,ibang iba doon sa lalaking nagpasakay sa'kin noong gabing naglayas ako sa amin.

Mas nahilo pa ako lalo hindi lang dahil sa musikang iyon,sumasayaw sayaw pa siya habang  nagdra-drive at renentahan niya din yata ang high way.Kaya ayon mabilis rin kaming nakarating sa boarding house ko.

Nauna siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ulit na kahit tinanggi ko dahil kaya ko naman.

"Salamat po!"sambit ko habang pababa sa Sedan niya.

Isinara niya ito ng makababa ako.

"Ahm mauuna na po ako.Mag-iingat po kayo!"paalam ko.

"No.Papasok pa ako,let's go?"aniya at nilaro laro niya ang susi ng kotse niya.

"Ano?P-papasok ka sa loob?"gulat na gulat kong tanong.

"Yes,tara na hatid na kita!"aniya at agad na pumasok sa loob ng boarding house ko.Boarding house pala nila ng Mama't Papa niya.

Nakarating na kami sa sala at agad siyang sumalagpak sa sofa.Sinandal niya ang ulo at napadikwatro.

"Ah Khen gusto mo ipagtimpla nalang kita ng kape bago ako matulog?"tanong ko sa kanya habang nakatayo sa kanyang harapan.

Umayos siya ng upo,"Matutulog?Ang aga pa para matulog,kwentuhan muna tayo!"aniya at kinuha ang throw pillow.

"Kailangan ko na po kasi talagang matulog,"pagdadahilan ko.

"Ah health concious ka nga.Sige aalis na ako,ayaw mo naman yata akong kausap eh,"pabiro niyang sabi.

"Ha?Hindi po!"pagkaklaro ko.

"No it's okay!"aniya at tumayo na."Bye,good night!"

Pagkalabas niya ay agad kong ni-lock ang pinto.Antok na antok na ako at nangangatnog na ang pantog ko dahil kanina pa ako naiihi.

Nanginig nalang ako sa nakita ko nang paghubad ko ng underwear ko.

Dugo.

 White Lies(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon