CHAPTER 8

28 2 0
                                    

"Yes."tipid niyang sagot at napangiti sa'kin.

"Bakit ka ba laging sulpot nang sulpot?Kung tungkol 'to doon sa pagpasakay mo sa'kin nung gabing 'yon salamat!"

"No.Nandito ako para tulungan ka!"

"Tulungan?Bakit naman?"kuryosong tanong ko.

"I know you're pregnant,"seryoso nitong sabi at nangungusap ang medyo singkit nitong mata.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang mga sinabi niya,"P-paano mo nalaman?Stalker ba kita?"

"Sa hospital.Sige na,nandito ako dahil gusto kitang maging kaibigan.Nandito ako para tulungan ka!"

"Bakit?Tapos anong kapalit?"

"Walang kahit na ano.Gusto lang talaga kitang tulungan!Ano,friends?"aniya at inilahad ang kamay sa'kin.

Hindi ko kaagad iyon tinanggap pero mukhang mabait naman siya dahil natulungan na niya ako dati kaya nakipagkamay narin ako.

"Okay,friends!"nakangiti kong tugon.

Mas nagkakilala pa kami dahil niyaya niya akong mag kape at wala naman akong nagawa kundi ang mapapayag.

Fourth year college palang daw siya sa kursong Criminology.Ang Mama niya ay isang Pediatrician at kaya pala lagi akong nauunang e-check up at binibigyan pa ako ng mga libreng vitamins sa hospital na pinagche-check up-an ko dahil pagmamay-ari pala nila iyon.

Siya narin ang naghatid sa'kin pauwi sa boarding house ko,nagsisitilian pa nga ang mga iba kong kasama doon nang makita nila si Aiden.

EKSAKTO na pagpasok ko sa loob ay seryosong nakaupo sa sofa si Ate Alex,mukhang may iba sa kanya ngayon.

"Ahm,'te bakit po?M-may problema po ba?"pagtataka at kinakabahan kong tanong.

"Maupo ka muna."

Dahan dahan naman akong napaupo sa may harapan niya,pinaggigitnaan kami ng coffe table at nakapatong rito ang shoulder bag na color pula ni Ate Alex.

"Tapatin mo nga ako,buntis ka ba?"deri-deritso niyang tanong na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.

"Beeyah...."

"A-ate,o-po..."sambit ko na pilit pinipigilang tumulo ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.

"Bakit hindi mo sinabi?Kung hindi ko pa napansin,hindi ko pa nalaman."

"A-ate...g-ginahasa po ako!Rape victim po ako..."sambit ko at tuluyan na akong napahagulhol.

Sobrang tagal na na gustong gusto kong sabihin ang mga sakit na naririto sa puso ko.Gusto kong may mapagsabihan man lang...kahit na hindi na sa pamilya ko.

Bigla nalang akong linapitan ni Ate Alex at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.Naramdaman ko rin ang marahang paghagod sa likuran ko at pinapatahan niya rin ako mula sa pag hagulhol.

"Tahan na,pasensya ka na..."sambit niya habang hagod hagod ang likuran ko.

Nangako si Ate Alex na wala siyang pagsasabihan kahit na gustong gusto niya akong tulungan para makamit ko ang hustisya pero ako ang tumanggi dahil ayaw ko na ng gulo.Hindi baleng kimkimin ko ang lahat ng poot,huwag lang mapahamak ang pamily ko.

At hindi narin nagtagal ay nalaman na rin nila ma'm Vigne at Khen na talagang ikinagulat nila.Kaya ini-assigned nalang ako ni ma'm sa pagiging cashier.

ISANG katok ng pinto ang narinig ko.Pagbukas ko'y si Khen pala na parang nakatuntong sa alapaap ang mukha.

"Oh anong ginagawa mo dito?"tanong ko habang nakatayo parin siya sa labas.

"Hindi mo manlang ba muna ako papapasukin?"supladong tanong niya.

 White Lies(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon