Chapter 1

3.2K 87 9
                                    

WEST

THE HOMOPHOBIC BASTARD.

Tang ina naman!

Muntik ko nang mabulalas 'yon nang sapitin ko ang kinaroroonan ng motor kong nakaparada rito sa parking lot ng campus. This again?

Ito na ang pangalawang beses na may nagvandalize sa nananahimik kong motor ngayong linggo. Pang-apat na ngayong buwan. Inis akong napapailing habang tinitingnan ang seat ng motor kung saan nakasulat ang mga katagang ilang beses ko nang nakita, nabasa, at narinig simula noong magbukas ang bagong semester last month. In big bold letters. Gamit ang pulang spray paint. Maging ang ilang bahagi ng motor ko ay binaboy rin ng pintura. Umigting ang panga ko sa inis. Hindi na 'to nakakatawa o nakakatuwa. In fact, simula pa lang, this was unacceptable. How much more of this can I take?

Simula kasi noong may nagpost last month, anonymously, sa online student bulletin board ng Uno Del Mundo Colleges ng tungkol sa eskandalong kinasangkutan ko last semester, hindi na ako tinigilan ng mga hinayupak. Ganito na ang nangyari. The moment I read that post, alam kong kakalat 'yon, and it surely did. Hindi ko lang akalain na sa pagkalat no'n, magkakaroon 'yon ng iba't ibang bersyon. Karamihan sa mga narinig kong chismis tungkol sa akin ay wala namang katotohanan. Pero kung may kaisahan man ang lahat ng mga chismis na kumakalat pa rin hanggang ngayon sa buong campus, 'yon ay ang kagustuhan nilang palabasin kung gaano ako kasamang tao.

Quick recap. Last semester, I made the stupidest decision of my life. Nakipagkasundo ako sa isang demonyo. Well, not literally with a real demon, pero parang ganoon na rin. Kapalit ng paggawa ng mga schoolworks ko, pati na ang kagustuhan kong saktan ang stepbrother ko, inakit ko ang lalakeng mahal niya—ang dating presidente ng student council. Nagpadala ako sa kinimkim kong galit at nasaktan ko silang pareho. Pero 'yon lang ang ginawa ko! Pinagsisihan ko na 'yon. Isa pa, I already made things right. Itinama ko na ang mga pagkakamali ko. Humingi na ako ng kapatawaran at napatawad. 'Yon ang buong katotohanan at wala nang iba pa.

Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis akong wala na ang demonyong Oscar Toledo na 'yon rito, ang lalakeng may pakana ng lahat, the mastermind of last semester's scandal. Kung tutuusin, mas grabe 'yong ginawa niya kaysa sa akin, and he went too far. Far enough for him to be kicked out of this school. Kaya lang, sa pagpapatalsik sa kanya, ako naman ang sumalo ng lahat ng panghuhusga ng mga estudyante rito sa campus. Akala mo naman, ang lilinis nila.

Biruin mo, ikaw ba naman ang gawan ng iba't ibang masasamang kwento, tapos paniniwalaan naman ng mga engot na estudyanteng hindi marunong magfact-check? Ang huli kong narinig na chismis tungkol sa akin, which was probably the worst, hobby ko raw ang mambugbog ng mga bading na makikita kong nakatingin sa akin at kapag na-tripan ko sila, makikipag-oral sex ako. 'Di ba, gago, ang lala? Sing-lala ng kakitiran ng mga utak nila. Minsan, napapaisip ako kung paano sila nakakapagcome-up ng mga gano'n ka-walang kwentang chismis.

Gano'n pa man, hindi ko magawang magsalita o dipensahan ang sarili ko sa mga chismis na 'yon, totoo man o hindi. Siguro dahil sa loob ko, aminado akong kasalanan ko rin naman in the first place, at parte ako ng eskandalong 'yon. Look, I'm not saying that those fuckers are right about me because they are certainly not. Hindi ako homophobic. Bastard? Hindi naman ito ang unang beses na narinig ko 'yang ibansag sa akin. Nasanay na rin siguro ako kaya hindi na ako gaanong nasasaktan. Pero siyempre, ibang usapan na 'yong mga fabricated stories na pilit nilang ipinapakalat tungkol sa akin. Hindi ako 'yon. Ayoko lang na bigyan pa sila ng atensyon. I don't want them to think that they have the power to affect me with their bullshits. This will die down soon. Bahala sila sa mga buhay nila.

Matapos titigan nang matagal, na may halong sama ng loob, ang motor kong ngayon ay sing-dungis na ng imahe ko sa campus, sumakay na ako roon. Magsusuot na sana ako ng helmet nang matigilan at napatingin sa lalakeng patakbong lumalapit sa direksyon ko. Kumaway pa ito sa akin. Kunot-noo ko siyang hinarap nang tuluyan siyang makalapit. Nagtataka sa presensya ng kaklase sa parking lot.

Definitely! Not Straight [Completed]Kde žijí příběhy. Začni objevovat