Chapter 33

982 58 22
                                    

You guys are the best.

(´ε` )

WEST

I find myself staring at Atom for too long. 

Nakatulog na siya sa couch nang tuluyan dahil sa sobrang kalasingan. Binihisan ko na rin siya ng panibagong pang-itaas dahil pati ang suot niyang flannel at sando kanina, nasukahan niya rin. Nasa dryer na ang mga ‘yon matapos kong isalang nang mabilisan sa washing machine kasama ng damit kong nadamay rin sa inilabas niya. 

At heto ako ngayon, walang pang-itaas, at mas piniling maupo na lang sa couch na kaharap niya kaysa magpalit. 

Hindi ko maiwasang makaramdam ng magkakahalong inis, guilt, at sakit sa loob ko habang pinagmamasdan siya ngayon. 

I hate to see him like this. Lasing at nagpapaka-miserable. Naiinis ako dahil pumunta siya rito and said those things to me. Hindi pa nga ako nakaka-move on nang tuluyan sa sakit na idinulot ng mga salitang sinabi niya sa akin last week, eh. And now that he’s here with me, lalo ko lang naaalala ang mga ‘yon. I also feel guilty. He’s like this because of me. Ngayon, hindi lang utak ko ‘yong nalilito. Pati na ang puso ko. 

“Ang gulo-gulo mo, pare…” bulong ko habang nakatingin sa kanya kahit alam kong hindi naman niya maririnig ‘yon. “You hurt me and now you’re here, making me feel na gusto mo talaga ako. Ano ba talaga ang totoong nararamdaman mo? Litong-lito na ako, Atom.” Naiiling kong sabi. “Kung talagang may nararamdaman ka para sa akin, why do you have to say those things? Why hurt me? Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin na gusto mo talaga ako…with no ifs and buts?” napangiti ako nang mapait. 

Tumayo na ako mula sa kinauupuan at kinumutan siya hanggang balikat. Saglit ko siyang tinitigan bago nagpasyang tumalikod na at bumalik sa aking kwarto. 

Alas dos na ng madaling araw. Nakaramdam na rin ako ng antok. I still have work tomorrow. Kaya hindi ako pwedeng mapuyat nang sobra. Hindi dahil lang kay Atom. 

Buo na ang loob kong pauuwiin siya paggising niya mamaya. Sigurado rin akong kapag nahulasan na siya, babalik na siya sa normal. Inaasahan ko na ‘ yon. Maybe then, makakalimutan na niya ang kalokohang ginawa. Pati ang mga pinagsasabi niya sa akin kagabi. 

And we’ll both move on. 

***

Nakatulog naman ako pero limang oras lang. Mas okay na ‘yon kaysa noong mga nakaraang araw na dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko. Naabutan ko pang tulog kanina sa couch si Atom. Hindi ko siya ginising agad. Hindi rin ako nagbreakfast. Dumiretso na agad sa pagligo at pag-aayos ng sarili. 

At nang tuluyang siyang magising, nakabihis na ako at nagkakape. 

“Oh,” naglapag ako ng isang mug ng mainit na kape sa table na kaharap niya. Alam kong kakailanganin niya ‘yon. Naupo siya sa couch habang kinukusot ang mga mata. “Drink that up. Pagkatapos ay umuwi ka na.” Seryosong sabi ko bago naupong muli sa couch na kaharap ng kanya. Tumingin ito sa akin habang sinasapo ang ulo. “May trabaho pa ako sa campus, pare. Bilisan mo d’yan.” Nag-iwas ako ng tingin at ininom ang natitirang laman ng mug ko. 

“Good morning…”  natigilan ako sa pag-inom nang marinig ang malalim at malat niyang boses. Tama ba ako ng narinig? Binati niya ako? Hindi ko siya binalingan o pinansin. “Morris…” tawag niya sa akin. “I’m sorry for last night. Hindi ko intensyong puntahan ka para guluhin…pero mukhang ‘yon ang nangyari.” Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya ‘yon. 

Hindi ko siya tinugunan. 

Maya-maya, napansin niya ang suot na itim na shirt at tumingin sa akin. Halatang nahihiya ang itsura. “Did I…” hindi na niya itinuloy ang sasabihin nang tila agad maalala ang ginawa kagabi. Napailing ito at namula. “Sorry…hindi ko alam.” Nag-iwas ako ng tingin at uminom mula sa kape ko. Paano niya malalamang sumuka siya, e lasing na lasing siya kagabi? “Lalabhan ko na lang ‘to.”

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now