Chapter 31

893 56 19
                                    

WEST

Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng coffee shop kung nasaan ako kasama ang lalakeng hindi ko inaasahang makikita rito sa sentro ng syudad.

Si Reggie. 

Naantala ang dapat sanang pag-uwi ko na sa apartment nang lapitan ako nito sa parking lot ng supermarket kanina. Gusto niya raw akong makausap. Kahit medyo labag sa loob ko, wala na akong nagawa kundi ang pagbigyan siya…kahit wala akong ideya kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. 

“Visiting a friend here?” pagsisimula ko ng usapan nang ma-serve sa amin ang in-order na dalawang baso ng mainit na kape. 

Ngumiti nang matipid sa akin si Reggie bago sumagot. “Hindi,” uminom siya mula sa kanyang baso. “Sinubukan ko lang maghanap ng summer job rito,” tinanguan ko siya nang marinig ‘yon. “Kaya lang, no luck.” Sabi niya pa. “But luckily, nakita kita. Ang galing nga ng pagkakataon, eh. I’ve been wanting to reach out to you the past few days. Now, we’re here.”

Na-wirduhan man, nginitian ko siya. “Yep, and we’re stuck here because of the rain.” Biro ko pa. “Good luck sa paghahanap ng summer job, pare. Marami pa namang trabaho d’yan. Sigurado akong makakahanap ka rin,” sabi ko na nginitian lang niya. “Bakit pala…hindi mo kasama si Andrew?” bigla kong naitanong.

Biglang nagbago ang itsura niya nang marinig ‘yon. Sumeryoso siya bigla. Napatitig siya sa baso niyang nakalapag sa lamesa. “Wala na kami…” halos pabulong niyang sabi. Nagulat ako sa nalaman. Parang kailan lang, isinama niya pa ‘yon sa farm, ah? Na-curious tuloy ako bigla kung anong nagyari sa kanilang dalawa. “I feel like I chose the wrong guy,” napailing siya sa kawalan at natawa matapos sabihin ‘yon. Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa akin pagkatapos. “Anyway, hindi naman kita gustong kausapin para i-kwento ang break up naming dalawa. Hindi ito tungkol kay Andrew o sa akin, Westley.” 

Mula roon, nagkaroon na ako ng ideya sa gusto niyang iparating sa akin. Isang tao lang naman ang nagko-konekta sa aming dalawa ni Reggie. Sigurado akong siya rin ang dahilan kung bakit gusto niya akong makausap. Pero bakit? Ano ang dahilan?

Seryoso ko siyang tiningnan. “Is this about…” hindi ko pa nababanggit ang pangalan, tumatango na agad siya. “Bakit mo ako gustong kausapin tungkol kay Atom?” nagtataka kong tanong. 

Napangiti siya nang marinig ‘yon. “I’m glad you already know it’s about him.” Sabi niya at sumeryosong muli bago tumingin sa labas. “Nabanggit sa akin ni Crizelle na umalis ka na sa farm last week. Why did you leave?” nagulat ako sa tanong niya. Hindi pa rin sinasabi kung bakit niya ako gustong kausapin tungkol kay Atom. 

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang sagutin ‘yon. I’m pretty sure Crizelle didn’t tell him the reason why I left the farm. Sigurado akong nagbanggit ito ng ibang dahilan kay Reggie. Pero kung gano’n nga ang nangyari, bakit pa siya nagtatanong ngayon? At anong kinalaman ng pag-alis ko sa farm sa gusto niyang pag-usapan namin tungkol kay Atom.?

“Ah, ano, may kinailangan akong ayusin bigla sa school.” Nakangiting pagsisinungaling ko sa ngayo’y nakatingin na sa aking si Reggie. Nakangiti ito nang matipid. “Hindi na ‘yon makakapaghintay kaya nagpasya akong umalis na sa farm at bumalik rito sa sentro.” Bigla siyang napailing at natawa nang mahina. Nawala ang ngiti sa mukha ko. 

“Kaya hindi mo na tinapos ‘yong dalawang linggong natitira sa internship mo sa farm?” tanong niya na marahan ko lang tinanguan. “Liar,” nagulat ako nang marinig na sabihin ‘yon ni Reggie. Ngumisi siya sa akin. “It was because of him, right? Si Atom ang dahilan kaya ka umalis.” Seryosong sabi niya. 

Gulat at may pagtataka sa mukha ko habang nakatingin kay Reggie. Hindi ko alam kung paano niya ‘yon nalaman o kung paano siya nagkaroon ng ideya na si Atom talaga ang dahilan ng pag-alis ko sa farm. Pero ang gusto kong malaman, bakit niya ako tinatanong at ano ba talagang pakay niya sa akin ngayon. 

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now