Chapter 17

900 59 19
                                    

WEST

Hindi naman talaga ako ‘yong chismoso o usiserong tipo ng lalake. Alam ‘yan ni Wallace. I usually mind my own business. Pero kasi, lagpas sampung minuto na simula noong umalis sina Atom at Reggie sa lamesa, hindi pa rin sila bumabalik. Hindi ako mapalagay. May kanina pang bumubulong sa isip ko na tumayo at sundan sila. At sa huli, kahit pilit kong nilabanan ang sinasabi ng utak ko, hindi pa rin ako nagwagi. Ginawa ko pa rin ang gusto nito. 

“Wala na palang yelo,” bigla kong sabi na bahagyang nagpatigil sa maingay nilang kwentuhan. Tumayo na ako at kinuha ang bucket. “Magre-refill lang ako.” Paalam ko sa kanila. 

Iyon lang kasi ang naiisip kong dahilan para makaalis sa lamesa nang hindi halata ang tunay kong pakay. Alangan naman kasing sabihin ko ang totoo? Na gusto kong sundan at i-check ‘yong dalawa dahil hindi ako mapalagay? Ang weird no’n. Lalo pa’t mukhang sa aming lahat na naiwan sa lamesa, ako lang ‘yong ganito. Apektado sa tagal ng pagkawala ng dalawa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. 

“Westley, ako na.” Alok ni Crizelle na tumayo rin para kunin sa akin ang bucket. “Maupo ka na lang.” Nakangiting sabi pa niya pero agad akong umiling.  

“Hindi, ako na, Crizelle.” Inilayo ko ang bucket at awkward na ngumiti sa kanya. “Matigas rin ‘yong mga yelo roon. Kailangan ko pa kasing durugin gamit ang kutsilyo. Matrabaho kaya ako na.” Pagdadahilan ko sa mukhang nakumbinsing si Crizelle. 

“Sige. Ikaw ang bahala.”

“Go na, Westley! We need maraming yelo. Hindi yummy i-drink ang alcohol if it’s not malamig.” Sabi ng mukhang nalalasing nang si Vika. “Bring us pulutan na rin, okay?” sunod pa nitong utos. Nginitian ko lang ito bilang tugon. 

“Pare, gusto mo, samahan kita?” nakangising alok ni Wallace sa akin. 

Alam ko namang pakitang-tao lang niya ‘yon pero ang totoo, ayaw na niyang umalis sa lamesa dahil panay ang harutan nila ni Vika. 

“Hindi na,” sagot ko. “Dito ka na lang at mag-enjoy, pre.” Nakangisi kong dagdag. Tinawanan niya lang ako. 

Sina Kent at Andrew na kanina ay natigil sa pagkukwentuhan, ngayon ay may sarili na ulit mundo. Nagpaalam na ako sa mga kasama at iniwan na ang lamesa dala ang bucket ng yelo. Naglakad na ako patungo sa kabilang bahay. 

Nakita kong doon nagtungo sina Atom at Reggie kanina. Hindi ko lang alam kung nasaan sila mismo. Kung sa harap ba, sa likod, o sa loob ng bahay. Gano’n pa man, nagmadali na akong makarating roon. 

Wala sila sa harap ng bahay. Wala rin sa likod nang silipin ko. Kaya pumasok na ako sa loob. Tahimik at wala kang maririnig. Napaisip tuloy ako kung nandito sila sa loob o wala. Dumiretso muna ako sa kusina at inilapag ang dalang bucket sa lamesa pagkatapos ay nilibot ang kabuuan ng unang palapag ng bahay. 

This feels illegal. Kinakabahan ako sa bawat kong paghakbang. Mabuti na lang rin dahil wala si Mr. Miller rito. Umalis siya kaninang tanghali at hindi pa nakakabalik. Nakakahiya kung maaabutan niya akong parang detective na marahang naglalakad sa bawat sulok ng bahay niya. 

Tang ina. Sa totoo lang, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Kung bakit ko ba talaga ‘to ginagawa? Hindi naman ako ‘to. Hindi pa rin naman ako lasing. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. May parte sa loob kong hindi mapapalagay hangga’t masigurong okay lang sila…si Atom. 

Isang malakas na kalabog na nanggaling mula sa itaas ang nagpahinto sa akin sa paghakbang. Napatingin ako sa hagdan. Magkahalong kaba at kagustuhang malaman kung ano ‘yon ang naramdaman ko. My curiosity got the better of me. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at marahang pumanhik na sa hagdan. 

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now