Chapter 32

1K 63 31
                                    

WEST

Matapos busogin ang sarili sa hot pot at mainis habang nanunuod ng replay ng basketball game sa tv, kahit na alam kong matatalo ang koponang paborito ko, naglipit na ako at dumiretso na sa banyo para maligo.

Alas dies na ng gabi. Sigurado akong hindi na naman ako agad makakatulog. Kaya matapos magbihis ng sando at boxer shorts, bumalik ako sa sala at naupo sa couch. Doon ako uminom ng can beers na binili ko sa supermarket kanina. Siguro ay mga limang piraso, tatamaan na ako ng kalasingan at maya-maya lang, aantukin na.

Habang umiinom, hindi ko mapigilang isipin ang naging usapan namin ni Reggie kanina sa coffee shop. Lalo tuloy akong hindi makakatulog dahil sa mga nalaman at sa mga sinabi niya. Buong akala ko, pure ang lalakeng 'yon. Pero  may tinatago rin palang kasamaan.

Really? Ang lakas ng loob niyang kausapin ako tungkol kay Atom para lang utusan akong tawagan siya kapag pinuntahan ako nito. Ibang klase rin ang kapal ng mukha niya na sabihing makikipagbalikan siya rito ngayong hiwalay na sila ni Andrew. Pagkatapos niyang hiwalayan at iwan si Atom, na halos mamatay na sa kakainom ng alak dahil sa kanya, may gana pa siyang bumalik sa buhay noong tao? At kung ipamukha niya sa akin na gusto lang ako ni Atom at siya ang mahal, wagas. Eh, ano namang pakealam ko? E di magsama silang dalawa!

Nakakadalawang lata pa lang ako ng beer nang makarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto. Natigil ang malalim kong pag-iisip. Bigla akong kinabahan. Hindi dahil natatakot na baka masamang tao ang kumakatok sa labas ngayong dis oras ng gabi. Kundi dahil naalala ang sinabi ni Reggie kanina. Paano kung tama siya? Paano kung si Atom 'yon at pinuntahan talaga ako?

Tumayo ako at lumapit roon nang may pagda-dalawang isip kung bubuksan ba ang pintuan o hindi. Walang peephole ang pintuan ko kaya hindi ko malalaman kung sino ang nasa labas. Pinakiramdaman ko ito. Wala akong naririnig mula sa labas kundi ang sunod-sunod na pagkatok lang. Kinakabahan akong humawak sa doorknob ngunit hindi ko agad 'yon pinihit. Pinikit ko muna ang mga mata at hiniling na sana mali ako sa iniisip ko. Sana hindi 'yon si Atom. Kahit pa wala akong maisip na matinong taong kakatok sa pintuan ko ng ganitong oras.

Pinihit ko na ang doorknob at dahan-dahan 'yong binuksan. Nang imulat ang mga mata ko, unti-unti kong nakita ang taong nakatayo sa labas ng pinto. Nakatingin ako sa ibaba kaya tanging pantalon lang ang nakita ko. Alam kong lalake 'yon. Hindi ko pa man nabubuksan ang pinto nang sobra, itinulak na niya agad 'yon nang marahas kaya bumukas nang malaki. Nagulat ako sa ginawa nito kaya't napatingin ako sa kanyang mukha. Hindi ako makapaniwala. It's really him.

"Atom..."

Halatang lasing ito dahil sa itsura niya ngayon. Wala siya sariling nakatingin sa akin. Nakasuot ng asul na flannel na naka-unbutton at sa loob, itim na sando. Kumikintab rin ang noo at leeg dahil pawisan. Kunot-noo ko siyang tiningnan.

Wala pang ilang segundo matapos akong tumitig sa kanyang mukha, bigla-bigla na lang akong nilapitan nito, hinawakan ang magkabila kong pisngi at siniil ako ng halik. Napalaki ang mga mata ko nang gawin niya 'yon habang patuloy akong umaatras paloob. Patuloy ko rin siyang itinutulak palayo. Masyado siyang malakas kaya namalayan ko na lang ang sariling nakasandal na sa pader.

Amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya. Hindi 'yon amoy ng beer. Hindi ko alam kung anong ininom niya para malasing siya nang ganito.

Nanghina ako habang patuloy niya akong hinahalikan nang mariin. Nang makakuha ng tiyempo, bumitiw ako sa mga labi niya't malakas siyang itinulak. Napaatras siya at lalapit sanang muli para halikan ako nang suntukin ko ito. Muntik na siyang mawalan ng balanse.

"What the fuck, pare?!" sigaw ko sa kanya habang pilit pinupunasan ang labi ko. Tumingin siya sa akin habang hawak ang labi na ngayo'y dumudugo. Nagulat ako nang makita 'yon. "Anong ginagawa mo rito?" galit kong tanong sa kanya.

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now