Chapter 35

1K 55 18
                                    

WEST

"Ang alin?" kunot-noong tanong ni Atom sa akin as if wala siyang ideya kung ano ang tinutukoy ko. Uminom muna siya ng beer bago muling tumingin sa akin. "Do you want some more?" alok niya at aktong lalagyan na sana ulit ang basong hawak ko pero inilayo ko 'yon.

"Come on, pare. Alam mo kung alin ang tinutukoy ko." Inis ko siyang tiningnan. "Ito. Itong ginagawa mo ngayon. Itong pagpipilit mong tumuloy rito sa apartment ko ng isang linggo. Lahat ng 'to. Bakit mo ba talaga 'to ginagawa?" tanong ko, frustratedly.

"Ayaw mo ba talaga akong nandito?" nakangising tanong niya.

"Hindi 'yon ang punto ko!" hindi ko sinasadyang magtaas ng boses. Halatang nagulat siya at napawi bigla ang ngisi sa kanyang mukha. Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ito tungkol sa kung gusto ko o hindi ko gusto na nandito ka. Alam mo naman na ang sagot ko sa tanong na 'yan, una pa lang." Sabi ko. Kumalma na nang kaunti. "What I'm asking is, anong intensyon mo sa akin? Anong gusto mong mangyari? Sa atin...kaya ginagawa mo lahat 'to?" paliwanag ko.

Uminom muna siya bago ako sinagot. "Sinabi ko na ang dahilan, Morris." Seryoso niya akong tiningnan. "Nandito ako dahil gusto kong bumawi sa 'yo. I'm here not only because I hurt you, but also because I want to be with you. Gusto kong ipakita na seryoso ang nararamdaman ko para sa 'yo." Sabi niya. "Na gusto talaga kita, Morris." Nag-init ang mga pisngi ko nang marinig iyon kay Atom.

Napailing na lang ako't napainom. Nag-iwas rin ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siya tinugunan.

"Alam kong nasaktan ka sa mga sinabi ko sa 'yo noon pero please, Morris, hayaan mo lang akong gawin 'to." Seryosong sabi niya. "Kung nahihirapan kang paniwalaan ako, please, hayaan mo lang akong paghirapan ka hanggang sa bumalik 'yong tiwala mo sa akin. Hanggang marinig ko ulit sa 'yong gusto mo ako." Hindi ko pa rin siya tinitingnan at patuloy lang sa pag-inom. Idinadaan ko na lang 'yon roon para magmanhid ang mainit na pakiramdam sa magkabilang pisngi ko. "Kasi sigurado na talaga akong gustong-gusto kita."

Parang mga panang tumama sa puso ko ang huling mga salitang sinabi niya.

Pero hanggang kailan? Hanggang kailan niya kayang sabihin ang mga salitang 'yon? Hanggang matapos ang isang buong linggong nandito siya sa apartment ko? Hanggang mapagtanto niya ulit na mali na gustuhin niya ako? O hanggang magkita sila ulit ni Reggie at malamang makikipagbalikan ito sa kanya?

Hindi na ako nagsalita pa. Maging siya ay ganoon rin. Ang tanging ingay lang na maririnig sa sala ay ang bukas na tv. Kahit papaano, pinupunan no'n ang nakakailang na katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Atom. Patuloy lang kami sa pag-inom.

Hanggang lumipas pa ang kalahating oras. Ramdam ko nang hindi ko na kayang uminom pa. Sumandal ako nang tuluyan sa couch at pumikit. Nahihilo na ako. Gaano ba karami ang ininom ko para lang pagtakpan ang totoong nararamdaman ko at magmanhid? Hindi ko alam.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo," narinig ko ang boses ni Atom kasabay ng naramdaman kong pwersang bumuhat sa akin patayo mula sa couch.

Napamulat ako nang kaunti. Nakaakbay na sa balikat niya ang kaliwang braso ko habang nararamdaman ko naman ang mahigpit na kapit niya sa likuran at bewang ko. Kahit sa gitna ng kalasingan, nakaramdam ako ng pagkailang. Masyado akong mabigat para akayain niya.

"It's okay," tila nabasa niya ang iniisip ko't sinabi 'yon. Lalong humigpit ang kapit niya sa akin habang patuloy kami sa paglalakad paalis sa sala. "Sumandal ka lang sa akin. Kaya kitang akayin."

Nang makarating sa loob ng kwarto ko, marahan niya akong inihiga. Kahit umiikot ang paningin ko, malinaw kong nakikita ang mukha ni Atom habang nakaupo ito sa tabi ko at nakatingin sa akin. Kinumutan niya ako hanggang balikat.

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now