Chapter 37

852 55 5
                                    

WEST

Mag-isa akong umuwi sa apartment. 

Wala ako sa sariling pasalampak na humiga sa couch at matagal na tumitig sa kisame ng sala. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Iniisip pa rin ang nangyari kanina. At hanggang ngayon, iniisip pa rin sina Atom at Reggie. 

Iniwan ko silang dalawa roon. Nakiusap si Reggie kay Atom na makausap ito. Marahil ay gagawin na ang balak na pakikipagbalikan sa kanya. Sigurado akong ‘yon naman talaga ang gagawin niya. I didn’t say a word. Ni-hindi ako sumingit sa kanila. Hinayaan ko lang silang pareho na pumasok sa loob ng restaurant. 

At heto ako ngayon. 

Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Siguro kasi una pa lang naman, alam ko nang mangyayari ito. Magkikita at magkikita silang dalawa. Sa farm man o hindi. Kahit itago ko sa kanya ang katotohanang gustong makipagbalikan sa kanya ng ex-boyfeiend niya, lalabas at lalabas pa rin ang totoo. Pero kahit alam ko nang mangyayari ito, hindi pa rin maiwasan ng puso kong masaktan nang makita silang magkayakap kanina. Lalo pa’t alam ko na ang kasunod ng tagpong ‘yon. 

 Magbabalikan silang dalawa. 

Pumikit ako at pinigilan ang sariling kainin ng emosyon. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak! Mangyayari ang mangyayari at wala na akong magagawa roon. The only thing I can do right now is accept the fact that Atom and I are over. That he’s with Reggie now…

Kahit anong pilit ko, hindi ko napigilan ang mga luha sa pagpatak mula sa mga nakapikit kong mga mata. Umiyak pa rin ako. At kahit itanggi ko, hindi ko tanggap ang sitwasyong ito. 

Hindi ako handang mawala sa akin si Atom. 

Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang pagbukas ng pinto. Napatayo ako nang makita si Atom na nakatayo roon. Seryoso ang mga matang nakatingin sa akin bago tuluyang pumasok sa loob at nilapitan ako.

“Why did you leave?” galit na tanong niya sa akin. Halata sa mataas niyang boses. Hindi ako nakasagot agad. “Ang sabi ko, hintayin mo ako, ‘di ba?” dagdag niya. 

He did say that to me. Sinabi niya sa aking maghintay lang ako roon. Gusto pa nitong pumasok ako sa loob pero tumanggi ako. Sigurado akong hindi niya gugustuhing nandoon ako kapag narinig niya ang sasabihin sa kanya ni Reggie. So, I stayed outside…hanggang tuluyang magdesisyong umuwi. 

“I was looking for you everywhere!” galit pa niyang dagdag. “Umuwi ka na pala?” kunot-noo niyang sabi at umiling. Nag-iwas ako ng tingin nang bigla siyang tumitig sa mukha ko. Pinalis ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. “Ano ‘yan? Umiyak ka ba?” hinawakan niya ang kamay kong nakaharang sa aking mukha. 

“Hindi!” sabi ko’t binawi ang kamay mula sa kanya. “Umuwi na ako dahil akala ko, matatagalan pa kayong mag-usap.” Nag-iwas akong muli ng tingin. “And I didn’t want to interfere with you and Reggie…at sa sasabihin niya sa ‘yo.” 

“So, totoo nga ang sinabi niya sa akin kanina. Alam mo ang tungkol roon?” bakas ang pagkabigla sa boses niya. “Alam mong gusto niyang makipagbalikan–”

“Oo!” sigaw ko nang balingan si Atom. Hindi makapaniwala ang itsura niya. Nagsimulang mabasag ang boses ko dahil sa hindi ko mapigilang emosyon. “Alam ko ang plano niyang pakikipagbalikan sa ‘yo, pare…” humina ang boses ko nang aminin ‘yon. 

“You talked to him, and you didn’t even bother telling me?” kunot-noong sabi niya. “Isang buong linggo tayong magkasama, Morris. Hindi mo man lang naisip na banggitin ‘yon sa akin?” tanong niya. 

Inis ko siyang tiningnan. “Para ano, pare? Ha? Para magmadali kang umalis at puntahan si Reggie?” sagot ko dahilan para bumakas ang pagkabigla sa mukha niya. “Saka, ano pa bang ikinagagalit mo ngayon? Ngayon, alam mo na ang tungkol roon. Bakit sinasayang mo pa ang oras sa akin at hindi na lang siya puntahan?”

Definitely! Not Straight [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora