Chapter 14

772 47 9
                                    

WEST

Sana pala nagsuot ako ng jacket. Iyan ang paulit-ulit kong panghihinayang habang nakadungaw sa labas ng bintana ng truck. Malamig ang hanging humahampas sa mukha at balat ko sa pagbabay namin sa mahabang kalsada. Si Atom ang nagda-drive. Sing-lamig rin ng hangin ngayong gabi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Wala sa amin ang nagsalita simula noong umalis kami sa farm, almost thirty minutes ago. 

Matapos niya akong sunduin kanina sa barn ko, kinausap ako ni Mr. Miller. Siya ang nasa likod ng pag-alis naming ‘to ni Atom ngayong gabi. Hindi na raw makapaghihintay pa ‘yong sako-sakong feeds na kailangan ng mga hayop sa farm. Pupwede namang ipagpabukas na lang ‘yon bago ang pagde-deliver namin sa campus pero ayon kay Mr. Miller, may mga ipapagawa pa raw siya bukas sa amin kaya matatambakan kami ng trabaho bukas. 

Ewan ko, ah? Iba ang kutob ko sa matandang ‘yon. Pakiramdam ko, sinadya niya talagang pagsamahin kami ng anak niya matapos ang pagtatalo namin kanina. Tuloy ngayon, ang awkward ng sitwasyon. 

“Sor…” nauubong sabi ni Atom nang bigla na lang itong magsalita out of the blue. “...ry.” Umubo siyang muli. Hindi siya tumingin sa akin. “Sorry…kanina.” Nagulat ako sa narinig. 

Hindi agad ako nakapagsalita. Sa isip ko, tangina, totoo ba ‘to? Tama ba ang narinig ko mula kay Atom? He said sorry…to me? Ang awkward niyang tingnan. Hirap na hirap siya. Para bang may nakabara sa lalamunan niya habang sinasabi ‘yon. Gusto kong humagalpak pero pinigilan ko. 

“Huwag mo nang pilitin. Hindi bagay sa ‘yo, pre.” Sagot ko sabay ngisi. “At kung si Mr. Miller ang nag-utos sa ‘yo na magsorry sa akin, please, huwag na.” Umiling ako sa kanya. “Hindi na kailangan.” 

Hindi tumingin sa akin si Atom. Nanatili ang mga mata niyang nakatutok sa kalsada. “Sabi ko na nga bang mali na nakinig ako kay Dad.” Bulong niya. Ngayon, halatang naiirita na ang itsura. “Useless.”

“Anong useless? Ako, useless?!” inis kong sabi. “Aba, pre, sobra ka ata d’yan.”

Umiling si Atom. “Not you. The idea of apologizing to you.” Paglilinaw niya kaya medyo kumalma na ako. “Dad wants me to apologize. Kahit na sinabi ko namang ikaw ang may kasalanan.” Sabi pa niya. “You know what? I’m sorry if I hurt you, that’s it. Tanggapin mo man o hindi, wala na akong pakealam. I still think you crossed the line this time.” 

Napataas ang kilay ko sa narinig. “Ako? Baka ikaw. Nagpaliwanag naman na ako ng intensyon ko sa pagdala kay Crizelle sa campus, eh. Isa pa, kung si Crizelle nga, hindi nagalit at pinasalamatan pa ako, tapos ikaw ‘tong galit na galit. You punched me twice. Ipapaalala ko lang.” Inis kong tugon. “Saka kung magso-sorry ka lang rin pre nang gan’yan at hindi sincere, huwag na lang. Sa ‘yo na ‘yang ‘sorry’ mo.” Tinalikuran ko ulit siya at humarap sa bukas na bintana.  

“Arte…”

Narinig ko ‘yon kahit pabulong. Hindi ko na lang pinansin si Atom. Hindi na rin ako sumagot pa. Nanatili akong nakadungaw lang sa bintana. Gusto ko na lang matapos ang sadya namin ngayong gabi, makauwi, makakain ng pagkaing hindi ko natuloy kanina,  at magpahinga. 

Gusto ko rin naman talagang magsorry sa kanya. Sa mga nasabi ko kanina. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagi-guilty matapos ang mga nalaman mula kay Crizelle tungkol kay Atom. Of course, I feel guilty. Hindi ko lang talaga alam kung paano ako hihingi ng pasensya sa kanya nang hindi ako napipilitan. Ayoko namang katulad niya, magtunog-robot ako at hindi sincere. 

Isang oras ang layo ng shop na pinagkukunan ng maramihang feeds ng farm. Malapit-lapit na rin siguro kami. Siguro ay okay na rin ‘to dahil hindi ko pa naman ‘yon nararating. Bagong lugar na mapupuntahan. 

Definitely! Not Straight [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon