Chapter 4

1K 60 12
                                    

WEST

I suck at waking up early in the morning. Like, this early, as in four in the morning. Madalas, 'pag wala akong klase, alas dies na ako gumigising. Kapag meron naman, depende sa oras, pinakamaaga na 'yong alas siete. But today's different. Ito na ata ang pinakamaaga kong gising at nakaka-bad trip man, gagawin ko ito araw-araw sa loob ng dalawang buwan.

And thanks to the remaining battery percentage of my phone, nagawa pa ako nitong gisingin sa sinet kong alarm kagabi. Ginawa ko na 'yon bago ko pa man tangkain na maki-charge sana sa pinaglihi ata sa sama ng loob na si Atom. Shortly after waking up, my phone died.

Hinayaan ko na lang muna 'yon sa ibabaw ng mga linens na nakatupi pa rin hanggang ngayon dahil hindi ko naman nagawang isapin 'yon sa kama kagabi. Factor na rin siguro 'yong matigas na higaan kaya madali akong nagising. Masakit sa likod, e. Naalala ko ring hindi pa nga pala ako nagpapalit ng damit mula kahapon. 'Yon muna ang ginawa ko.

Dumiretso ako sa maliit na kusina pagkatapos. Binuksan ko ang maliit na cabinet sa itaas. What do we have here? May mga mug roon, utensils, at ilang plato. Nang makita ang takure sa countertop, naisipan kong gumawa ng kape. May nakita akong stock ng mga sachet ng 3-in-1 coffee. May mga sachet rin ng creamer at asukal. Mabuti na lang ay may iniwang mga ganito ang dating tauhan ng farm. Thanks, Mang Domeng, kung sino ka man.

Hinintay ko lang kumulo 'yong tubig sa takure na kinuha ko sa gripo bago ako nagtimpla ng kape. Dala ang mug, binuksan ko ang pinto ng kamalig at lumabas. Madilim pa rin at maririnig ang tunog ng mga kuliglig sa paligid. Nakatayo lang ako sa may pintuan habang hawak ang mug na saka ko pa lang sana ilalapat sa labi ko nang may mapansing isang bagay sa gilid ng kubo. Nakapatong sa maliit na upuang kahoy rito sa labas. Kinuha ko 'yon. Powerbank? Natuwa ako nang makitang isa nga 'yong powerbank. Isang itim, mabigat, at hindi kalakihang powerbank.

Napangiti ako nang maalala ang naging usapan namin ni Crizelle kagabi. Tahimik lang siya pero 'di katulad ng stepbrother niya, may mabuti siyang puso. Siguro ay hindi ko alam na kumatok siya kagabi dahil tulog na ako o baka naman, hindi siya kumatok at all? Well, judging by her shy personality, hindi 'yon imposible.

Masaya akong pumasok sa loob para mabilis na ikonekta 'yon sa cellphone ko. Charging 1%. Nakangiti ko 'yong iniwan sa isang tabi habang iniinom ang kape ko. Masyado akong nalibang at hindi namalayan ang oras. Pasado alas cinco na ng umaga. Nagmadali akong magbihis ng damit kong pangfarm, yes, as in 'yong damit na pwede kong pagdumihan buong araw. Gray na shirt na medyo hapit sa akin na tinuck-in ko lang sa luma kong maong na pantalon. Pagkatapos no'n, tumakbo na ako patungo sa isa sa dalawang malaking barn. Naroon lahat ng mga gamit ng farm at lahat ng pagkain ng mga alagang hayop.

Dala ang dalawang malaking balde kung saan nakalagay ang mga pagkain ng mga hayop, dali-dali akong nagtungo sa pangalawang kamalig. Naroon naman ang mga hayop...

...at si Atom.

Natigilan ako sa harap ng malaking bukas na pintuan. Nakatayo siya roon at tila ba inaabangan ang pagdating ko. Hindi nakatulong ang nakakairitang ingay ng mga baboy, kambing, at manok sa loob, nakakabingi, pero parang sa kanya ay wala lang. Masama ang tingin sa akin.

"You're late." Kahit hindi niya sabihin ay alam ko 'yon. "You're supposed to be here, feeding these animals, twenty minutes ago." Halata ang pagkairita sa itsura niya. Kung pwede lang umapoy ang bawat matatamaan ng mga matang 'yon, siguro ay kanina pa akong nasusunog. "Ilang beses kong sinabi sa 'yo kahapon, malinaw, ang tungkol sa oras ng simula ng trabaho mo. Mahirap bang sundin 'yon? Are you messing with me?"

Umiling ako agad bago tuluyang pumasok sa loob ng barn. Nilagpasan ko siya. I literally ignored everything he just said. "Good morning, too." Sabi ko nang ibaba ang buhat na dalawang balde at humarap sa ngayo'y dumoble ang init ng ulo na lalake. Pinilit kong ngitian siya. S'yempre, plastik na ngiti pa rin. "Kalma, pare. Nandito na ako, oh. It's my first day, okay? Hindi ko namalayan ang oras at—"

Definitely! Not Straight [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن