Chapter 10

967 55 8
                                    

WEST

Dalawang oras na kami ni Atom sa loob ng Lush Eng Wang resto bar. Akalain mo 'yon? Nakatagal ako nang gano'n katagal sa isang table kasama siya? Okay rin pala siyang hindi kausap, eh. May sarili siyang mundo at ganoon rin ako.

Hindi ko alam kung nakailang bote na ako ng pale pilsen. Ang alam ko lang, si Atom ang magbabayad ng lahat ng ininom namin rito ngayong gabi. Tinamaan na nga ako, eh. Pero hindi kasing lakas ng tama ni Atom ngayon.

Duda akong mauubos niya ang boteng hawak niya. Halata kasing lasing na lasing na siya. Mukha na siyang wala sa sarili. Mapula na ang magkabilang pisngi. Mapupungay na ang dalawang mga mata. Hindi na halos maka-hits ng sigarilyo na hawak. In short, mukha na siyang zombie. Mukhang kailangan na naming umuwi bago pa siya tuluyang tumumba rito.

Tumayo ako. "Ihi lang ako, pre. Tapos, uwi na tayo." Paalam ko kahit hindi niya naman pinansin. "D'yan ka lang."

Naglakad na ako patungo sa comfort room ng resto bar. Habang naglalakad nga ako, may ilang babaeng hinabol ako ng malalagkit nilang tingin mula sa kanilang mga table. May kasama pa 'yong pagkindat. Gusto pa ata akong sundan no'ng isang naka-backless na damit. Hindi ko sila pinansing lahat. Hangga't maaari, katulad ng sigarilyo, umiiwas na ako sa mga babae. Hindi na katulad ng dati. Siguro kung ganoon pa rin ako, baka hindi ako aalis sa lugar na 'to nang walang naiuuwing kahit isang babae. But I've changed. This is Westley 2.0 you guys!

At kahit naman gustuhin kong mag-entertain ng babae ngayon, palagay ko ay hindi pupwede. Kasama ko si Atom. Si Atom na alam kong hindi makakauwi kung hindi ako kasama. Sigurado 'yon. Pasalamat siya at matibay ako pagdating sa inuman, hindi katulad n'ya, dahil kung hindi ay sigurado akong pareho kaming dito matutulog sa lugar na 'to.

Matapos gumamit ng comfort room, bumalik na ako sa table namin. Doon, nakita ko ang wala nang malay na si Atom. Nakasubsob na ang mukha sa lamesa habang hawak pa rin ang hindi halos nabawasang bote ng beer. Dali-dali ko siyang hinawakan sa balikat para gisingin.

"Pre! Gising, pre!" patuloy ako sa pagyugyog sa kanya pero walang epekto 'yon. "Gumamit lang ako ng banyo, natuluyan ka na. Gumising ka d'yan! Uuwi na tayo." Ilang yugyog at tapik pa sa likod at balikat niya ang ginawa ko pero hindi ito nagigising. "Atom, pre!"

Napatingin ako sa lumapit na staff ng resto bar dala ang bill namin. Nataranta ako at lalong ginising si Atom. Lalo niyang kailangang gumising ngayon. Tang ina, wala akong pambayad sa lahat ng alak at pulutang in-order niya!

"Teka lang, boss, ah? Gigisingin ko lang. Sagot niya kasi 'to lahat." Kinakabahan akong ngumiti sa staff bago bumaling muli sa nakasubsob pa rin sa lamesa na si Atom. "Pre, gumising ka d'yan. Magbayad ka muna! Nasaan ang wallet mo?"

"Nako, sir. Mukhang nakatulog na naman si Sir Atom." Natigilan ako sa paggising kay Atom at napatingin sa nagsalitang staff. Na naman? So, nangyari na 'to noon dito? Nagpatuloy lang ako sa panggigising kay Atom. "Kapag gan'yan binubuhat na 'yan ni Sir Reggie papunta sa kotse niya, eh." Natatawang sabi pa nito dahilan para matigilan akong muli at magtaka. Did I hear him mention Reggie's name?

"Reggie..." tumango-tango ako. "Wait lang, boss, ah?" sabi ko at kinapkapan si Atom. Ilang saglit pa, nakapa ko na ang wallet niya. Mabuti na lang nasa bulsa lang 'yon ng suot niyang jacket. "Eto, boss. Keep the change." Sabi ko nang makakuha ng dalawang libo sabay lagay no'n sa clip board at inabot sa staff.

"Thank you, sir."

Saglit akong tumitig sa wala pa ring malay na si Atom bago nagpasyang akayin siya. Sa laki niya, nahirapan akong itayo siya mula sa kinauupuan. Mabuti na lang, sanay akong bumuhat ng mabibigat. Nagawa kong ilagay ang braso niya sa balikat ko at mula sa loob ng bar, inakay ko siya hanggang sa labas. Bubuksan ko na sana ang pinto ng back seat ng kotse at doon siya ihihiga nang maalala ko ang susi!

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now