Chapter 3

1.1K 62 0
                                    

WEST

Kung una pa lang, sinabi na sa akin na sa isang maliit at lumang kamalig ako mananatili gabi-gabi pagkatapos ng mahabang araw ng pagta-trabaho rito sa farm, hindi na sana ako pumayag sa special internship na inalok sa akin ni Sir Peterson.

"Are you kidding me?" hindi ko makapaniwalang tanong kay Atom. May suot na siyang pang-itaas ngayon. Simpleng puting shirt. Madungis pa rin ang itsura. Nasa labas siya ng pinto, nakasandal sa gilid habang seryosong pinapanuod kung paano ko husgahan ang lugar. "Wala bang guest room sa loob ng bahay niyo? Extra room para sa bisita?" angal ko bago minasdan muli ang loob ng lugar.

Literal na kamalig ito. Maliit nga lang at lumang-luma na. Ginawa pa ata 'to noong panahon ng kopong-kopong, e. May mga dayami pang nagkalat sa paligid. Gusto kong tanungin kung dati ba itong kulungan ng mga hayop pero hindi na ako nag-abala pa dahil mukhang obvious naman. May maliit na kama na gawa sa kawayan, lamesa at upuan, at sa hindi kalayuan mula sa maliit na kusina, kung kusina bang matatawag ang maliit na espasyo na 'yon, naroon ang isang pinto na sa tingin ko ay para sa banyo. There's no way I'm sleeping here tonight.

"Dito natutulog si Mang Domeng gabi-gabi. Wala naman siyang reklamo." Rinig kong sagot niya na nakapagpaharap sa akin. Nangunot ang noo ko nang tingnan siya. Gago ba 'to? Ikumpara ba naman ako sa dati nilang tauhan? "At hindi ka bisita rito. You're here to work. Tauhan ka ng farm. Nakalimutan mo na ba?" mayabang niyang pinaalala 'yon sa akin na sinundan ng isang matalim na tingin.

Lumapit ako, naiinis. Sa puntong 'to, gusto ko siyang palagan pero unang salta ko pa lang rito sa lugar na ito. Kahit basically, hindi pa ako opisyal nilang tauhan dahil hindi pa ako nagsisimula, ayokong gumawa ng gulo. Ayokong kalimutan kung bakit ako nandito.

Special internship. It's just two fucking months, West. Tiisin mo ang lugar na 'to...at ang ugali ng gagong 'to.

"May problema ka ba sa sinabi ko?" nagtaas siya ng kilay. Namalayan ko na lang na nakatitig na pala ako sa kanya kanina pa. Sa harapan niya. Sobrang lapit ko sa nakahalukipkip na lalake na ganoon pa rin ang itsura. Matalim ang tingin.

Napalunok ako at pinilit ngumiti. Ngiting-plastik dahil doon naman ako magaling. Pero kahit na plastik ang ngiti kong 'to, I don't think this guy deserves this smile. Tang ina niya.  Sinundan ko 'yon ng magkakasunod na pag-iling. Dahan-dahan akong umatras.

"Nothing."

Hindi siya tumugon, instead, tinitigan niya lang ako ngunit hindi na sing-talim noong kanina. Ngayon, kalmado na pero ganoon pa rin ka-seryoso. Para bang ngayon ay tinatamad na siya. Bagot na bagot dahil halos isang oras niya akong inikot sa buong farm, sinabi ang mga dapat at hindi ko dapat gawin, at kung anu-ano pa na karamihan ay hindi ko naman inintindi.

Ang natatandaan ko lang sa mga pinagsasabi niya kanina ay tuwing oras ng pagkain, si Crizelle mismo, ang stepsister niya, ang magdadala sa akin. May kung ano sa loob ko ang nabuhayan nang makita siya kanina. Hindi nga lang kami nakapag-usap o nagkakilala pa dahil pumasok rin siya sa loob ng bahay nang makita ako kanina. Siguro kaya ganito ang pakiramdam ko, sabik, dahil hindi lang puro mukha ng stepbrother niya ang makikita ko araw-araw. Pati na rin ang mala-anghel niyang mukha. Maswerte pa rin ako kahit papaano. Kahit sa isang masikip na kamalig ako matutulog gabi-gabi sa loob ng dalawang buwan. Kapag sinabi ko ang tungkol kay Crizelle, sigurado akong hihilingin ni Wallace na mapunta sa posisyon ko.

"Hey!"

And that's it, nawala na naman ako sa mood dahil sa sigaw ng kupal na si Atom. Hinarap ko siyang iritado. I gave him the what? look. Inalis niya ang pagkakasandal sa gilid ng pinto. Bagot niya akong tiningnan. Mas bagot kaysa kanina. "Gusto ni dad na sa bahay ka mag dinner, ngayong gabi lang. I don't like repeating myself. So, please, huwag kang bingi." Matapos sabihin 'yon, tumalikod na siya at naglakad paalis.

Definitely! Not Straight [Completed]Where stories live. Discover now